Twelve

42K 1.2K 82
                                    

"Baliw na ba siya?"

"Para siyang timang, Josie. Tignan mo iyong ngiti oh."

"Kanina pa siya ganyan. Nakakatakot na, Buwi."

Napa-igtad si Ailee nang malakas na hampasin ni Buwi ang lamesa. "Hoy, Ailee Dane! Mukha kang timang, promise! Tigilan mo nga iyang nakakalokang ngiti mo!"

Inirapan niya ang kaibigan at dinampot ang kutsara't tinidor niya at pinagpatuloy ang pagkain. "OA mo, Buhawi. Hindi ba pwedeng masaya lang ako?"

Nagkatinginan sina Josie at Buwi tapos ay sabay na nilapit ang mga mukha sa kanya. "Nag-sex kayo sa kweba?!" sabay nilang tanong sakanya dahilan upang masamid siya.

She was coughing hard kaya ininom niya ang kanyang tubig habang tatawa-tawang hinihimas ni Josie ang likod niya. Nang makabawi siya ay inulit ng dalawa ang tanong sakanya.

"No!" malakas na sagot niya dahilan upang pagtinginan sila ng iba pang tao.

Kanina ay nakabalik na sila sa resort at dumiretso muna sa kwarto nila para magpahinga tapos ay bumaba upang kumain.

"Walang nangyari! Ano ba kayo, mga utak ninyo napaka-polluted!" sita niya sa mga kaibigan. Pasimpleng hinawakan niya ang kanyang pisngi nang maalala nanaman ang nangyari sa loob ng kweba. Kung hindi siguro umepal ang paniki, baka kung saan na napunta ang paghahalikan nila ni Vaughn.

"She's doing it again, Buwi."

"Hoy! Ailee! Girl, nakakatakot ka na!"

She was put out from her reverie when Buwi pulled her hair. She slapped Buwi's arm that just made him laugh. "Masakit ha!"

"Mesheket be, meme? Arte mo!" tumatawang sabi ni Buwi.

"Oh, sila Vaughn parating." sabi ni Josie.

Inirapan niya ito. "Ha-ha! I'm not buying it."

Umirap din sakanya si Josie. "Sira. Totoo 'to, girl."

She kept her head down and eat her food silently. "Nope."

"Hi Vaughn!"

"Ang kulit mo Josie-"

"Hi guys!"

Automatikong lumingon siya nang marinig ang boses ni Vaughn at totoo nga na nandito ito ngayon. He's wearing some jeans, and a white shirt. Kasama nito ang mga kaibigan, syempre.

"May we join you?" tanong ni Vaughn pero ang mga mata ang nasa kanya.

Sinipa siya ng isa sa mga kaibigan sa ilalim ng mesa. Natulala kasi siya sa lalaking nasa harapan niya. "Ah! A-Ah, sure."

Ngumiti ito at humila ng upuan at tumabi sakanya. Sila Lukas, Riley at Brent naman ay nakaupo na rin at tumawag na ng waiter. She can't look at Buwi and Josie dahil paniguradong tutuksuhin lamang siya nito.

Napatuwid siya ng upo nang maramdaman ang braso ni Vaughn na pumalibot sa bewang niya at ang kamay nito ay hinaplos ang kurba ng bewang niya.

"Vaughn, ano'ng sa'yo?" tanong ni Riley habang hawak nito ang menu.

"Ano'ng akin? Hmm, this woman beside me is mine."

Tumawa sila Riley, Lukas at Brent at maimpit na tumili naman sina Josie at Buwi. Siya ay nanatiling nakayuko dahil sa kilig na nararamdaman. Oo! Kinikilig siya! Shet!

"I mean food, dude." natatawang sabi ni Riley.

"You made Ailee blush!" tukso ni Buwi.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon