VII. Fraternities and other necessities

3.2K 94 13
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa sobrang bangong amoy, amoy shower gel ng lalaki. Amoy fresh. Agad kong minulat ang mga mata ko at-- "AHHHHHH!" Sigaw ko nang makita ang nakahubad at nakatalikod na figure ni Alex na nagsusout ng boxer briefs. Oh no! My virgin eyes. Kaya agad kong ipinikit ang aking mata.

"What the fuck?" Sabi ni Alex. "You scream like a girl." Napalunok naman ako sa sinabi niya. Eh kasi naman sino ba namang di mapapasigaw nakita ko kaya yung pwet niya. Oh wag niyo nang isipin kung anong itsura, may pwet din naman kayo ganun lang din yun kaya lang sakanya toned. Aysus yuck bakit ko nga ba iniisip yun. Nakapikit padin ako.

"Ta-tapos ka na ba? Nakadamit ka na?" Nag stustutter na tanong ko

"Geez, what are you? Lalaki ka ba?" Tanong nito kaya dali dali kong binuksan ang mga mata ko. Kailangan di siya magduda. I must keep it cool. Go Ahliv kaya mo yan, keep calm, keep cool. Pagpapaala ko sa sarili ko.

Pagdilat ko nakita kong naka sweatpants na siya pero wala parin siyang saplot sa itaas na bahagi ng kanyang katawan. And oh- 123456789? 9 pack abs? Geez.

Tumawa naman ng bahagya si Alex. "Inggit ka?" Sabay turo niya sa abs niya. Tss hindi ako naiinggit no? Anhin ko yan?

Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko para icheck ang oras. 7 am. New text message.

From: Thomas

Seriously? Di ka nakapasa? Well, there must be something wrong sa calculations ng University. You're one of the smartest person I know. Yea, sure I'd love to hangout with you. Maybe i can visit you there nextweek. :)

Nanlaki naman ang mata ko. No! He cant visit me. Mabibisto ako ni mom sigurado. Kaya dali dali ko siyang nireplyan.

To: Thomas

No need. Ako nalang ang bibisita sayo dyan. :)

And then I pressed send. Phew. Di ko alam kung magandang idea ba yung ginawa ko pero isa lang ang alam ko, HINDI SIYA PWEDENG PUMUNTA NG BAHAY. Tingnan ko uli ang phone ko may isa pa pala akong text.

From: My ever gorgeous mother

Mabuti naman kung ganun anak. Magiingat ka lagi ha? Oh siya papasok na ako ng trabaho eh. Kumain ka sa oras ha? Enjoy. Goodluck! Loveyou.

Napangiti naman ako sa text ni mom. Kinuha ko na ang towel ko pati yung isang maliit na bag ko na naglalaman ng make up, prosthethic at iba pa na gamit ko sa pag didisguise. Tiningnan ko muna si Alex, para makasiguradong hindi siya nakatingin habang kumukuha ako ng panties ko. Mahirap na at baka makita pa niya ang hidden treasure ko dito sa cabinet. Naligo na ako at nagayos nang panglalaki. Suot ko ngayon ay shorts na panlalaki at gray na t shirt. At tinernuhan ng beige na sperry. (Brand of shoes) Paglabas ko ng banyo wala na si Alex. Hay salamat. Mas gusto kong wala yun sa paningin ko eh. Minabuti kong lumabas na din para makakain dahil 9 am na din at kailangan ko pang kitain si Reggie para sa familliarization sa Clubs and Fraternities.

Siyempre dahil gumastos ako ng malaki kagabi sa cafe. Napagdesisyunan ko na sa Mcdo nalang kumain ng agahan.
Nakaupo ako ngayon dito sa mcdo habang, kumakain ng pancakes and hashbrown. Natigilan ako ng parang may kumakaway saking babae. Brunette siya at nakalugay ang mahaba niyang buhok at may suot siyang ribbon na clip sa gilid. Grabe ang kapal din ng suot niyang make up, umagang umaga eh. Tumingin ako sa likod ko, at sa left and right side ko para tignan kung para sakin nga talaga yung pagkaway niya. Well busy naman lahat so i guess para sakin nga. Ano naman kaya gusto nito at sino ba to? Di ko nga siya kilala. Muli ko siyang tiningnan at kindatan nya ako sabay lipbite niya. Ew wtf? Is she hitting on me? Hahaha. Gusto kong tumawa ng malakas pero pinigil ko nalang ito. Hay girl, if you only knew. Di ko nalang siya pinansin at inubos ko ang pagkain ko. Pagtapos nito ay dumeretso na ako sa building kung saan ko pupuntahan ang guide group ko.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now