XXVIII. You give me the whole damn zoo

2.4K 171 11
                                    

Nang makabalik ako sa hospital room agad kong kinuha ang bag ko at saka lumapit kay Arch.

"Arch. Im sorry. Biglang sumama pakiramdam ko. Bawi nalang ako sa ibang araw. I promise to stay longer."

"Why? Ano nararamdaman mo? I'll call a nurse if you want." Arch said worriedly

I gave him a reassuring smile. "Its nothing Arch. I'll head back to the University. Ipapahinga ko lang to."

He sighed. "Tell me what's wrong liv." Bulong nito, upang di marinig ng ibang bisita sa loob ng kwarto

I patted his shoulders. "Nexttime Arch. I'll go ahead." 

I excused myself out at nakasalubong si Reggie sa labas.

"Oh? San ka pupunta?" Tanong nito

"Ah-- babalik ako sa University. Biglang sumama pakiramdam ko eh."  Pagpapalusot ko

Reggie raised her eyebrows. "Nasa Hospital ka liv pwede ka magpacheck up. Now tell me anong problema?" She murmured

I sighed. Hay. Wala talaga akong takas sa mga kaibigan ko. "Wala nga Reg. Gusto ko lang magpahinga."

"Blue." Tawag sakin ni Alex na kakarating lang sa tapat ng kwarto ni Nate. Kasama nya si Chloe.

Nagkatinginan naman kami ni Reggie saka siya nagbuntong hininga.

"Were leaving. Kindly tell Arch to bring my bag with him pag bumalik siya ng University, will you?" She asked Chloe

Tila di alam ni Chloe ang irereact niya kaya napa nod nalang siya. Her gaze however was still on me. Agh. May mas aawkward pa ba sa sitwasyon na to? I manage to give them one last glance before Reggie and I made our way to the elevator.

"Gusto mo bang pagusapan?" Nagaalalang tanong ni Reggie nang makasakay kami ng cab

I didnt reply. Kahit gano ko kagustong mag open up kay Reggie, hindi din naman niyang pwedeng malaman ang tungkol sa nakita ko dahil lalo lang magugulo ang lahat sa oras na kumalat ang nangyari. And even though what I saw earlier hurt me so much, di ko padin kayang magalit kay Alex.

She laid her head on my shoulder and enveloped me in a warm hug.

"You know, it's okay to breakdown sometimes Liv. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong sarilihin lahat ng nararamdaman mo. Breaking down is not a sign of weakness but it's a sign of strength." She sighed

"Naiintindihan ko kung ayaw mo munang ikwento kung anong problema mo, pero tandaan mo lang na nandito lang kami palagi para sayo. You're a wonderful and strong person Ahliv, he's lucky enough that you love him that much."

Pinigilan kong tumulo ang luha na nagbabadyang tumulo mula sa aking nga mata saka ko siya nginitian. "Thankyou Reg."

Tahimik ang naging biyahe namin ni Reggie pabalik ng University. Madalas ay nakatingin lang ako sa bintana, iniisip ang mga nasaksihan ko kanina. Bahagya akong napaisip sa sinabi ko kay Alex tungkol sa paglilihim. Alam kong nasaktan ako sa nakita ko pero wala ako sa posisyon para sabihin sakanya yun. Sino nga ba ako para sabihan siya ng ganun? Who am I kidding? Ni hindi ko nga magawang aminin sakanila ang tungkol sa totoo kong pagkatao. Nasaktan ako dahil sa paglilihim nila ni Chloe pero heto ako at pinaglilihiman ang karamihan sa kanila. I feel like a hypocrite. Pakiramdam ko wala akong karapatang makaramdam ng ganito dahil ako mismo ay naglilihim sa mga taong malapit sakin at sa mga taong mahal ko. Naramdaman ko ang walang tigil na pagpatak ng mga luha ko pababa sa aking pisngi.

Niyakap naman ako ni Reggie ng mapansin niya ang aking pagiyak.

"Reg--I cant take all of this anymore. Im withdrawing my scholarship as soon as this semester ends. I cant lie to all of them anymore." I said in between sobs, my voice breaking.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن