XVIII. Clark

2.9K 95 5
                                    

Naalimpungatan ako ng marinig ang pagungol ni Alex.

Tumayo ako at binuksan yung lampshade sa bedside table ko pagtapos ay nilapitan ko si Alex, na balot na balot ng kumot at tila nanginginig.

Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang noo nya.

"Ang taas ng lagnat mo. Tsk."  Napabuntong hininga ako at agad na nagtungo sa banyo upang kumuha ng plangana nagtungo din ako sa cabinet ko upang kumuha ng bimpo.

Idinampi ko yung basang bimpo sa noo ni Alex.

Bumuntong hininga ako habang pinupunasan ang noo ni Alex. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha nyang payapang natutulog.

Naramdaman ko nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit di ko mapigilang mapalapit kay Alex, natatakot ako sa nararamdaman ko dahil ngayon ko lang ito naramdaman at alam ko din na masasaktan lang din ako kapag nagpatuloy ito. Pero iba kasi yung sayang nararamdaman ng puso ko tuwing magkasama o nagkakalapit kami, kaya kahit alam kong hindi pwede I cant help but to fall for Alex.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Alex ang braso ko dahilan kung bakit napatigil ako sa pagpunas sa noo niya.

"What are you doing?" Nanghihinang tanong sakin ni Alex.

I sighed. "Inaapoy ka ng lagnat. Tingin ko lang makakatulong to."

Binitiwan nya yung braso ko at ilalagay ko na sana uli yung bimpo sa noo nya ng iwasan nya ito.

"Stop." Ma autoridad na sabi niya.

Napalunok naman ako ng bahagya at saka bumuntong hininga.

"Fine. Kung ayaw mong gumaling fine." Sabi ko saka ako tumayo ngunit muli nyang hinawakang ang braso ko dahilan upang ako ay matigilan

"Thankyou." Sabi ni Alex

Nginitian ko siya at kinuha ang pitaka ko sa bag saka ako lumabas ng dorm. Naisip ko kasi na bilhan ng mineral water at noodles si Alex, para makainom siya ng gamot.

Pag dating ko sa convinience store, nakasalubong ko si Nate at isang lalaki na may pag ka arab yung itsura.

"Oh hey Blue. What are you doing here at this hour?" tanong ni Nate while wearing his dazzling smile

I smiled back. "Um, wala nagutom lang, Im just gonna buy some cup noodles." Palusot ko

Nag nod naman siya. "Umm, I see. Btw, this is Vince. The vice president of T.H.O." pagpapakilala ni Nate sa kasama niya

Ngumisi naman yung lalaki. Sabay abot sakin ng kamay niya. Inabot ko ito at nakipagkamay.

"Blue Smith." Pagpapakilala ko

"Yes, Ive heard alot about you Blue. Nice to finally meet you."

Nginitian niya ako at ganun din ako. Pero ewan ko ba hindi magaan ang pakiramdam ko sakanya.

Medyo nailang din ako ng titigan nyang mabuti ang mga mata ko.

"Your eye color's different." Pagpuna nito

Napasara ako bahagya ng aking kamao. Wala nga pala akong suot na contacts. Pero, teka ngayon nya lang ako nakita ah? Pano niya nalaman na iba ang kulay ng mga mata ko ngayon?

"Uh, youre probably wondering, how I noticed. Uh, I saw you when you saved Alex back at the T.H.O. party."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. At saka nag smile ng tipid. Parang ang defensive kasi ng dating niya, di pa nga ako nagtatanong may sagot na agad.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ