XXVII. Confessions and Misconceptions

2.6K 99 8
                                    

Even if I can't understand
I'll take the pain
Give me the truth,
Me and my heart
We'll make it through
If happy is her
I'm happy for you

"Hi guys." Nakangiting bati ko pagpasok namin sa pintuan ng hospital room ni Reggie.

Naabutan namin si Arch kasama si Lucas at ang ilan pang miyembro ng T.H.O. May mangilanngilan ding miyembro ng SUGDM ang dumalaw kung kayat nakipagkamustahan ako sa kanila saglit. Pagtapos kong makipagusap sa mga ka club members ko, pumunta ako sa couch at umupo sa tabi ni Arch.

"Wala ka bang balak magpahinga? Kami na muna ni Reg ang magbabantay dito kung gusto mo." Nagaalalang tugon ko kay Arch. Kahit kasi ngumingiti siya, pansin mo sakanya yung kalungkutan at pagod. Ilang araw na din kasi siyang sunod sunod na nagbabantay sa kuya niya. Bihira din siyang pumasok, buti nalang at inexcuse siya ni dean sa lahat ng professors niya.

He smiled a little. "Dont mind me. Okay lang ako."

I nodded in response. "By the way, have you eaten?"

"Hindi pa. Parang wala akong gana eh."

"Oh." Sabi ni Reggie sabay abot ng paper bag na pinaglalagyan ng binili nilang pagkain sa cafe.

Arch looked confused for a moment pero kinuha nya padin ito.

"Ikaw bumili ng mga to?" Tanong ni Arch kay Reggie ng makita niya ang laman ng paper bag

"Hindi, yung isa lang. Pinapabigay ng NAGMAMAHAL sayo yung isa." Sabi ni Reggie

Arch's face lightened up. "So? Sayo galing yung isa? Which one?" Excited na pagkakatanong ni Arch

Oh ayan. Bati sila as of now, pero for sure iba nanaman magiging ingay dito sa kwartong to mamaya.

Reggie's eyes widened. "B-bakit?"

Arch smiled genuinely. "Gusto kong kainin yung binigay mo."

"H-ha? Nako, uh- akin na- akin na yan." Nagpapanic na sabi ni Reggie habang sinusubukang kunin ulit yung paper bag

This time it's my eye's turn to widen, himala mukhang iaabort ni Reggie ang pagprank kay Arch. Sabi na eh, deep down may malalim talagang care tong dalawang to sa isat isa eh.

Di ko mapigilang matawa dahil ang cute nilang tingnang dalawang nagaagawan sa laman ng paper bag, ngunit di padin nagawa ni Reggie na makuha yung burger na nilagyan niya ng chilli powder dahil mabilis itong kinuha ni Arch.

"Ha! Got it." Arch said playfully habang nag tounge out na parang bata

Binuksan ni Arch ang balot ng burger, at akmang kakagatin na ito ng mabilis itong agawin ni Reggie mula sa kamay nya. Arch froze sa ginawa ni Reg, at nakanganga pading nilipat ang kanyang tingin kay Reggie.

Kita naman ang pagpapanic sa mukha ni Reggie kung kaya't kumagat siya dun sa burger na binili niya.

I snorted nang makita ang reaksyon ni Reggie habang nginunguya yung kinain niya. Halos maluhaluha na siya at namula ang kanyang mga pisngi.

Napahalakhak naman din si Arch nang makita nya ang naging reaksyon ni Reggie. Siguro ay narealize nya na kung ano ang meron dun sa burger kung kaya't ayaw itong ipakain ni Reggie sakanya.

"Look who got a dose of her own medicine?" Pangaasar ni Arch while still laughing his lungs out

Fuming with irritation, binatukan naman agad ni Reggie si Arch bago tumayo at kumuha ng tubig sa mini ref.

"Ow. Geez. You should not be classified as a woman. I think you're more qualified as a jungle man. Ang bigat ng kamay mo." Pagrereklamo ni Arch

Agad din naman siyang nakatikim ng hampas sa braso mula kay Reggie.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now