XVII. Closer

2.6K 89 7
                                    

I rolled my eyes nang madaanan ko yung tarpaulin ng Dance Club A, na nakabalandra sa pinaka malaking building sa University. Meron din katulad nito sa mismong gate ng University.

CONGRATULATIONS FOR WINNING THE NATIONAL HIPHOP DANCE COMPETITION, SUGDM! WE ARE PROUD OF YOU.

Basa ko sa tarpaulin. SUGDM stands for Stander University Golden Dance Movement, eto yung pangalan ng Club namin.
Well, they couldve used a better photo.
Yung nilagay ba naman nila eh yung kuha nung huling part ng sayaw namin yung nakasplit ako?
Hay. Kaya tuwing napapadaan ako dito di ko mapigilang mahiya. Kung pwede ko nga lang tanggalin yan, matagal ko nang ginawa.

Halos isang linggo na din akong pinagtritripan ng mga kaibigan ko dahil sa nangyari.
Hay. I just wish that they could already forget what happened.

Dumiretso na ako sa loob ng building upang sunduin si Reggie. Netong mga nakalipas na araw, mas naging ka close ko si Reggie. Hindi ko nga inexpect na ganito kagaan ang magiging pagtanggap niya sakin. She's like a sister that I never had.

Pagpasok ko sa loob agad ko din naman siyang nakita, well hindi naman siya mahirap hanapin since lutang ang kulay ng buhok niya.

"Reg." Tawag ko dito

Sumenyas naman siya ng sandali, habang may kausap sa telepono. Bilang student volunteer, naka assign siya ngayon sa front desk ng building at tumatanggap siya ng mga tawag galing sa labas ng University.

Ilang saglit pa ay pumunta na din siya sakin.

She smiled. Saka ako inakbayan.

"Tara?" Nakangiting aya niya

I smiled and I nodded.

Pumunta kami sa may field at doon umupo habang hinihintay namin si Arch. As usual, late nanaman dumating si Arch.

"Sorry madami pa kasing akong tinapos." Pagpapaliwang nito ng pagkalapit nito samin.

Halos isang oras niya kaming pinaghintay.

Hinubad ni Reggie ang suot niyang sapatos at saka ito binato kay Arch.

Sumimangot naman si Arch. "Hoy! Ano ba? Etong amazonang to."

Pinandilatan naman siya ng mata ni Reggie. "Wala na, di na tayo nakaabot sa schedule nung movie!!" Inis na tugon niya

"Mas lugi padin ako, di mo ba alam na pwede akong mawalan ng malay sa amoy ng sapatos mo?"

Nanahimik nalang ako dahil sanay na ako sa araw araw ko ba naman silang kasamang dalawa, ganito palagi ang nagiging eksena. Hay. Di nga ako magtataka kung magkadevelopan tong dalawa eh. You know, theres a thin line between love and hate.

Naramdaman ko namang may bumatok sakin. Si Reggie.

"Yuck ha. Anong sinasabi mong theres a thin line between love and hate? Ang baduy mo. Itataya ko lahat ng yaman ko no bago ako pumatol dyan. Yuck." Sabi niya while eyeing Arch from head to toe.

Oops. Napalakas ata yung pagsabi ko kanina. Tinawanan ko lang sila. Pagtapos ng ilang palitan ng pangaasar napagdesisyunan na namin pumunta sa Mall na malipit sa University.

Dahil medyo gabi na din, last full show na yung pinanuod namin.

Sa bandang gitna kami pumwesto, para sentrong sentro kami.
Pasimula na yung pelikula at masarap na din ang pagkakaupo ko ng may dumaang apat na tao sa harap namin at matapakan ng huling dumaan ang paa ko.

"Aray!" Sigaw ko

"Sorry miss." Sabi neto. Wait. I know that voice.

I cleared my throat. "Alex?"

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now