XXI. Puzzle

2.6K 76 6
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula ng makita namin ni Tommy si Alex sa mall.

Hanggang ngayon, hindi niya ako pinapansin. Nasanay na din ako tuwing nagkakasama kami sa frat house at pati pag lumalabas kami nila Lyroi, he's acting like I dont exist. Well, siguro mas okay na din yun atleast I wont have to worry about falling for him anymore. Pero theres a part of me na nalulungkot dahil, umasa ako na magkaibigan na kaming dalawa.

Well, how naive of me.

At dahil sa kung ano ano ang iniisip ko di ko namalayan na may nabangga na pala ako. Si Lee.

Nahulog yung mga librong dala ko kaya tinulungan niya akong pulutin ito.

"Sorry Blue." Sabi nito with his korean accent

"No, I should be the one to say sorry. I was the one who's not looking anyway." Sabi ko

Inabot nya sakin yung mga libro at saka tumayo. Tumayo na din ako.

"Salamat."

"Hey bro." Biglang sulpot ni Tyler. Lumapit siya sakin at kinamayan ako

"Hey." Bati ko

"Tara lets chill."

Nginitian ko naman si Tyler. "Um I have class, but pagtapos pwede naman akong dumaan san ba kayo?"

"Cafe lang."

Nag nod naman ako.

"Sige sunod nalang ako." Kinamayan ko na muli sila at saka pumunta sa klase ko.

Pagpasok ko agad akong umupo sa tabi ni Arch.

"Hi bestfriend." Bati ko sakanya nang malawak yung ngiti, alam niya yung meaning ng ngiting yun. Hanggang ngayon kasi nagbblush silang dalawa ni Reggie tuwing inaasar ko sila.

He frowned at me. "Ahl-- Blue stop. Geez. It was a total accident. Ilang beses ba namin ipapaliwanag sayo."

Hehe. Pikon.

"Fine fine. Pero ako bridesmaid sa kasal ah?" Bulong ko sakanya

Kaya napapalo nalang siya ng mahina sa noo niya.

I chuckled.

Lumipas ang buong klase na nakikinig lang kaming dalawa ni Arch. Malapit na kasi ang exams kaya kailangan namin mag focus.

Nang madismiss na ang klase. Inaya ko si Arch na tumambay sa cafe.

Tumanggi siya dahil baka nandun daw si Alex.

Napaisip nanaman ako. Ilang linggo na din kasi ang nakalipas, at mukhang di padin nakukuha ni Alex yung explaination na gusto niyang marinig from Nate and Chloe. Bumuntong hininga ako. Well, kung hindi niya kaya ako ang gagawa ng paraan para sakanya. Kasi alam ko deserve niya yung explaination na yun. At para magkaron na din ng katahimikan ang lahat, mahirap kasi pag yung dalawang side ng kaibigan mo nagiiwasan. Kahit na Alex dont consider me as his friend, I still consider him as my friend kaya gusto ko padin siyang tulungan.

Friends? or more than friends?

Just a friend.

Napakagat nalang ako ng labi sa naisip ko. Oo, tama kaibigan turing ko sakanya. That's why I care. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Hinabol ko si Arch.

"Wait up."

Tumigil si Arch sa paglalakad.

"Samahan mo ko kay Chloe."

Tila nagulat naman si Arch sa sinabi ko.

"Uh why?" Nagtatakang tanong nito

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now