XV. My first kiss

2.7K 102 13
                                    

It felt so wrong
It felt so right
Don't mean I'm inlove tonight

Tinawagan ko si mom pagkagising na pagkagising ko upang ipaalam sakanya na di ako makakauwi ngayong sunday. Kailangan pa kasi naming tapusin ni Arch yung sample house model na ginagawa namin, dahil due na yun this week.

Makikipagkita sana ako ngayong umaga kay Thomas, pero may kailangan daw siyang asikasuhin ngayon.

Kaya heto ako ngayon, nagiisang nanunuod ng Net Flix sa dorm. Mamaya pa kasi kaming lunch magkikita ni Arch. Nasa kalagitnaan na ako ng panunuod ng biglang dumating si Alex. Nanlaki naman ang mga mata ko ng nakita ko siya, punong puno siya ng pawis bakat na bakat kasi ito sa white fitted shirt niya. I guess kakatapos niya lang mag workout.

"So just because, were brothers now you think that its okay to watch on my T.V?" Tanong ni Alex

Agad naman akong tumayo at pinatay yung tv, kinuha ko na yung kit ko at towel at saka pumunta sa banyo.

"But, hey I was just kidding." sabi ni Alex

Pero di ko siya pinansin at tuluyang sinara ang pinto ng banyo. Phew. Breath in breathe out. Kaya mo yan Ahliv, dont be bothered by his prescence. I sighed. I need to stop being awkward.

Pagtapos ko magayos, naabutan kong nagpapahinga sa kama niya si Alex.  Patalikod akong naglakad papunta sa may pintuan at patalikod din akong nagpaalam kay Alex.

Tinaas ko lang yung isa kong kamay saka ako nagsalita.

"Uhhh- labas lang ako-- bye." Saka ako dali daling lumabas ng pinto.

Napailing nalang ako. Hay great, too much for not being Awkward.

Itetext ko na sana si Arch ng may biglang magtext sakin

From: Alex Asungot

Weirdo

Napapikit nalang ako sa kahihiyan. Hay. Why is it so hard to avoid him.

---------------------------------------------------------

Tok tok tok!

Katok ko sa pinto ng dorm ni Arch.
Binuksan ito ng karoom mate ni Arch na si Dylan. Kinamayan ko siya, kagaya ko isa din siya sa pinaka bagong miyembro ng A.D.C.

"Si Arch?" Tanong ko dito

"Nasa banyo. Upo ka muna." Alok nito sakin

Umupo naman ako. Maya maya din ay lumabas na ng banyo si Arch. Natawa naman ako dahil naka boxers lang siya pag labas.

"Akala mo ba may abs ka? Magdamit ka, baka lamigin yung buto mo." Pangaasar ko sakanya

Payat kasi si Arch kaya, hindi bagay sakanyang mag topless.

"Mas pogi padin ako sayo." Sabi niya habang nagsusuot ng tshirt

"You wish." Muling pangaasar ko

"Bakit ang aga mo? Magpapalibre ka nanaman ng lunch no?" tanong nito sakin

Napa letter O naman ang bibig ko. "Hoy mas madalas ka pa nga magpalibre no. Tss."

"Eh ano nga?" Sabi niya sabay bato sakin ng towel na ginamit niya.

"Yuck ano ba to, basahan?"

"Pakisampay dyan." Utos niya

I rolled my eyes, at isinampay yung towel sa likod ng pinto.

"Hoy ano nga bakit ang aga mo?" Muling pangungulit ni Arch

"Wala lang? Um, gusto ko lang matapos natin ng maaga yung model?" Palusot ko.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now