X. The story behind the snow globe

3.1K 85 6
                                    

AN: Yikes! Sorry sa mga nakapagbasa na up to this chapter or yung mga umabot na sa chapter 18. Sorry talaga guys. Binasa ko uli yung story and ngayon ko lang napansin na yung first version yung napublish on this chapter. So medyo magulo dahil sabi dito walang nanay si Alex pero sa chapter 18 meron. Okay, so eto na nga. Nung una talaga ganun balak ko pero I decided na why not give him a mother instead then put some major plot twist in the story. Kaya sorry talaga if may na confuse man. Anyway, this version has been edited already so you can just re-read it if you like. Again, sorry uli.

"A-alex?" Sabi ko habang nakatitig ang pantay naming mga mata. Doon ko lang din narealize na onting dikit nalang ay magdidikit na ang aming mga labi, tatayo na sana ako ng bigla akong itulak ni Alex paalis sa katawan nya.

"Aray ah!" Sigaw ko sakanya. Ang lakas kaya ng pagtulak niya.

Sinimangutan niya ako.
"Napaka clumsy mo, no wonder di ka nakapasok sa team!" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Teka, di ako nakapasok. Hay. Well ano pa nga ba ineexpect ko. Medyo expected ko na din talaga to. I sighed. Pero di padin ako maniniwala hanggat di ko nakikita yung listahan bukas gamit ang sarili kong mga mata, mahirap na mamaya nang aasar lang pala to eh.

"Hindi naman sayo nang galing ang desisyon, kaya sa listahan sa bulletin board lang ako bukas maniniwala" pagmamalaki ko dito.

He smirked. "You're really that naive aren't you?" May pailing iling pa siyang nalalaman. "40% ng evaluation niyo sakin nanggaling. And since i wont be giving that to you, goodluck makapasok dahil for sure di full 60% ang ibibigay sayo ni coach." Saka siya tumalikod at naglakad papuntang shower room.

Namumuo na yung luha ko sa mga mata ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. Pero pinigilan ko padin yung sarili ko na umiyak dahil ipinaalala ko sa sarili ko na di dapat nagpapatalo sa mga kagaya ni Alex. At dahil pikon na pikon na ako kumuha ako ng bola at binato ito papuntang direksyon niya,

'TUG!'

Nanlaki naman mata ko nang nakita ko na tinamaan si Alex sa ulo. Tsk, hala wala naman talaga kasi akong balak mapalakas yun saka hindi dapat sa ulo yun. Hala, pano na ko neto? For sure kakatayin na ako ng buhay ni Alex neto. Think Ahliv think! Kailangan mong magisip ng paraan.

"Ahhhh!-" sigaw ni Alex at humarap sa direksyon ko. "You stupid son of a bi-"

"Ops ops! Teka teka.-" pag aattempt ko na pakalmahin siya. "Di ko sinasadya, sa paa lang dapat yun- hehe- ano kasi- ah-" sabay kuha dun sa paper bag "-eto kasi oh may nagpapabigay sayong chic kanina."

Nagbago naman agad ang expression ng mukha niya from super galit to annoyed.

"You're really full of trouble aren't you? Hawakan mo muna, kung gusto mo sayo nalang." Sabi niya sabay pasok sa boys shower room.

"Pero--" hay salbahi talaga

----------------------------------------------

Nang matapos maligo ang buong team nagtungo na kami sa cafe upang kumain. Katabi ko si Tyler at Lyroi kung kaya't kinwento ko yung sinabi sakin ni Alex kanina na di daw ako pasok sa varsity team.

"What?!" Nakakunot na tugon ni Lyroi sa kinwento ko.

"Tsk. Kung ganun isang choice nalang ang meron tayo." Dagdag ni Tyler.

Lyroi sighed. Then he patted my shoulders. "Hey man, sorry kung di ka nakapasa sa team. But were still brothers! We'll make sure na sa frat pasok ka na."

Nginitian ko naman si Lyroi. Sobrang bait kasi nito at malaking tulong din yun pag napasok nila ako sa frat nila. Di lang sa pangbubully ni Alex kundi sa academic grades ko na din.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now