XI. A day in the carnival

2.8K 91 12
                                    

Nagising ako ng umaga ng sunday sa amoy ng nilulutong pagkain ni mom. Hmmm amoy strawberry pancakes. My fav!! Agad akong bumangon upang bumaba sa kusina.

"Goodmorning mom!" Bati ko dito sabay halik sa pisngi.

"Oh anak gising ka na pala. I cooked your favorite." Nakangiting sabi nito sakin

"Yes mom kaya nga ako nagising nasense ng ilong ko yung napakasarap mong luto mom. Hahaha."

"Napaka bolera mo anak, di naman kita pinaglihi sa basketball." Agad naman akong tumawa ng sobrang lakas. Pano ang corny.

"Kelan ka pang natutong maging corny ma?" Pagbibiro ko dito

"Eto naman, di yun corny natawa ka nga eh."

"Kaya nga ako natawa mom kasi corny."

Napa pout naman si mom.
"Ikaw talagang bata ka, sige na't umupo ka na dyan at kumain na."

Habang kumakain kami, nagkwento ako kay mom tungkol sa mga nangyari sa University. Tinanong din nito kung nakakamabutihan na daw ba kami ni Thomas. Halos bumulusok ako kakatawa dahil dun. Sinabi ko naman kay mom na were friends and friends ko na din yung mga kaibigan niya. Nakwento ko din sakanya yung pagkakasali ko sa Dance Club A. Yep! Nag audition ako kahapon at as i expected pasok ako. Laking tulong na din na kakilala ko yung head ng Club na si Nate. Hindi ko pa to nasasabi sa mga kaibigan ko, dahil dumeretso na agad ako ng uwi dito namiss ko na din kasi si mom. Pero tingin ko wala namang magiging problema sa kanila kung kasali ako sa Dance Club A, tutal mukhang si Alex lang naman ang may problema kay Nate. Hayyy. Speaking of Alex.

Flashback

"I'll just go to the rest room" sabi ni Alex sakin. Mag nonod palang sana ako ng bigla siyang mag collapse sa harap ko?

"Oh my gosh!--" napatakip naman ako sa bibig ko. Tiningnan din kasi ako ng bartender, dahil yung tunay na boses ko yung nagamit ko sa pagsabi ng oh my gosh. Hay mapagkakamalan pa akong bakla neto eh. Tss. Pano ba naman nakakagulat kaya, magcollapse
ba naman daw? Sabi na kasing tama na eh ang kulit yan tuloy.

"--Alex?!" Tapik ko dito pero wala talaga siyang malay. Hay lagot na.

Tinry ko tawagan si Thomas pero, cannot be reached ito. Huhuhu. Signal where are you when I needed you? Nagpatulong nalang ako kay kuyang bartender na dalhin si Alex papuntang kotse.

Nang maayos na itong naipasok sa loob ng kotse. Dali dali ko namang kinuha ang susi nito at saka nagmaneho. Nang makarating kami sa dorm, pinark ko na yung kotse at saka inakay si Alex papuntang elevator.

"Hayyyy. Pahirap ka talaga sa buhay Alex Craid!!" Sabi ko dito habang akay akay padin yung mabigat niyang katawan. Wala padin itong malay kaya, malakas ang loob ko na sabihin iyon sakanya. Hehehe.

Pagdating sa loob ng dorm room, dali dali ko na siyang inihiga sa kama niya, ngunit na out of balance ako at napapatong sakanya. Dali dali naman akong umalis ngunit nagulat ako ng biglang dumagan sakin ang braso ni Alex. OH. HOLY FRENCH TOAST! Nakayakap siya sakin.
Inalis ko naman agad ang pagkakayakap nito sakin.

"Tss. Ano kala mo sakin? Unan?" Patayo na sana ako ng biglang. *Burkgdgts* Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin sa braso ko na punong puno ng suka.

End of flashback

Napabuntong hininga nalang ako sa naalala ko. Tss. Bwisit talaga sa buhay yang si Alex eh. Umagang umaga naisip ko nanaman. Buti nalang at di pa kami ulit nagkikita, tulog pa kasi siya nung umalis ako para mag audition tapos dumiretso na ako dito.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now