XXXIV. Late night visit

2.4K 105 14
                                    

Suddenly I'm inlove with a stranger
I can't believe she's mine
and now all I see is you
with fresh eyes


Everyone in the room laid their eyes on us. Parang lahat sila nakakita ng multo when their gaze landed on Alex's hand na nakahawak sa aking kamay.

Ang kulit kasi ni Alex ayaw niyang bitiwan ang kamay ko simula nung umalis kami ng Airport kung kaya't heto kami ngayon magkaholding hands sa harap ng mga kaibigan namin.

"OH. MY. GOSH!!" Reggie squealed

Naramdaman ko naman ang paginit ng aking mga pisngi. I bit my lips. Im sure Im as red as a tomato right now.

Nakita ko naman si Chloe na napatayo mula sa kinauupuan niya sa tabi ng hospital bed ni Nate.

She smiled. "You've been really sneaky Blue." Sabi niya sabay lapit sakin at niyakap ako.

Wait. How did she--

"I told her." Sabi ni Alex ng makita ang pagtataka sa aking mukha

Nag nod ako at ngumiti na lamang. Di ko maiwasang mailang tuwing naiisip ko yung nasaksihan ko sa pagitan ni Alex at Chloe kahit na pinaliwanag na ni Alex ang tungkol dun kanina.

Bumaling ang tingin ko kay Nate na nakangiting sinalubong ang aking mga mata. Alam na din kaya niya?

"They've told me about it. I should've believed you when you joked about being a ballerina when you were younger!" Pabirong sabi niya

I laughed at lumapit ako sakanya upang yakapin siya.

"We missed you Nate. I'm glad you're finally back!"

"Yaaa." Pagsita ni Alex bago pa man makasagot si Nate.

Hinatak ni Alex ang braso ko, dahilan kung bakit napabitiw ako sa pagkakayakap kay Nate.

My eye widened. "B-bakit?" Nagtatakang tanong ko dito

"Ako lang ang pwedeng yumakap sayo." Sabi niya and then he pouted

My jaw dropped instantly ng marinig ito. Nagtawanan naman ang mga kaibigan namin dahil sa sinabi ni Alex.

"A little too possessive aren't we Mr. Craid?" I teased him, while raising an eyebrow at him

He rolled his eyes and pulled me upang yakapin.

"Agh. Ang sakit sa mata guys. Di bagay sayo maging clingy Alex." Pangangantyaw ni Reggie

I blushed at saka muling tumawa ang aking mga kaibigan. A smile formed in my lips. Ang saya lang isipin na nagtatawanan kami ng ganito ngayon. Magkakasama at masaya.

-

Napabalikwas ako ng biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa tabi ko. Tumaas ang balihibo ko sa aking katawan habang iniisip kung sasagutin ko ba ang tawag sa aking cellphone. Magisa lang kasi ako sa sala at nanunuod ng Scream at nasa part na ako kung saan tinatawagan nung serial killer yung biktima. Lagpas alas dos na din ng madaling araw ngayon kung kaya't mas lalo akong kinilabutan. Kung bakit ba naman kasi eto ang natripan kong panuorin ngayon eh tss.

Ngayon kasi ang huling araw bago dumating si mom galing Japan kaya minabuti ko na enjoyin ang pagpupuyat.

Nagkataon naman na lumipad si Alex patungo sa Ireland noong isang araw upang samahan sa isang dinner ang mommy niya. Lol. Ikr. Dinner at Ireland. How fancy can their life get? But it was not news to me though, alam ko naman na saksakan ng yaman ang pamilya nila. Minsan nga naiisip ko kung ano ang magiging reaction ng pamilya niya kung ipakilala ako ni Alex bilang girlfriend niya. Iniisip ko palang parang gusto nang mamutla ng aking katawan.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now