XXX. A recipe for disaster part 2

2.3K 119 10
                                    

Lahat ng nasa garden, including Thomas ay napa nga nga sa sinabi ko.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago magsalita si Thomas.

"What are you talking about Liv? H-how--" Sabi ni Thomas na di makapaniwala habang napakapit ng madiin sa kanyang buhok

"Mali yung nalagay kong gender sa application form ko. I- I was so reckless ni hindi ko man lang dinouble check kung tama ba yung mga nalagay ko. At dahil ang policy lang naman ng University is to pass the application form para maka exam yun ang ginawa ko. Nagexam ako ng walang ka ideidea na hindi pala open para sa female scholars this sem ang Stander University. Nalaman ko nalang ng makatanggap ako ng sulat na inadress ako bilang Mr. I- I didnt want to disappoint my mom. So I came up with a very selfish and stupid decision. Ang magpanggap bilang isang lalaki. I-I know sobrang mali ng ginawa ko. Ngayon ko din ito balak aminin dahil hindi ko na masikmura ang magpanggap sa harapan niyong lahat. E-eto yung gusto kong sabihin sayo Thomas." Sabi ko habang patuloy padin ang aking pagluha.

"Shit." I heard Thomas cursed. "Bakit di mo sinabi agad? At pano nalaman ni Regina? Bakit hindi mo pinagkatiwala sakin na malaman nung una palang Liv." Thomas said, tears were now falling from his eyes.

"I-I couldve done something." Halos pabulong na dagdag ni Thomas kasabay ng pagluha niya

"I- was not planning to tell anyone. Dahil hanggat maari ayokong may madamay sa pagpapanggap ko sa oras na mabuko ako ng University. But Reggie kissed me she thought I was a guy, and she was falling for me kaya sinabi ko sakanya ang totoo. Accidentally nung umaamin ako kay Reggie biglang dumating si Arch kaya nalaman din niya ito." I managed to say despite the heavyness Im feeling in my chest

Everyone turned their gaze on Reggie and Arch.

"You knew?" Di makapaniwalang tanong ni Thomas kay Arch

Arch didnt know what to say kaya isang salita lang ang nasabi niya. "Im sorry."

Pinunasan naman ni Thomas ang luha sa kanyang mata bago bumuntong hininga. "I- I just want to know--" sabi niya sabay pikit tila ba nagdadalawang isip sa gusto niyang itanong. Pag dilat muli ng kanyang mga mata nagpatuloy siya sa pagtanong

"--eto lang ba ang dahilan kung bakit hindi mo matanggap ang proposal ko?" Tanong ni Thomas habang diretso akong tinignan sa mata.

Marahan kong binuksan ang aking labi ngunit taliwas sa gusto kong mangyari, walang lumabas na salita mula dito. Sa halip pumatak lamang muli ang luha sa aking mga mata kung kayat napayuko ako. I dont know what to say to him. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin na mahal ko yung bestfriend niya.

"Shit." Thomas cursed again, running his fingers through his hair

Frustration was visible in his tone.

"You love him, dont you?" Pagpapatuloy ni Thomas kahit na warak na warak ang boses niya

Muli akong tumingin sakanya. Pano niya nalaman ang tungkol dun?

"Thomas I--" di ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ulit si Thomas

"Go to him. He's waiting for you." Sabi niya habang pinipigilan ang mga luhang muling nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata

Bumuntong hininga siya bago siya tumalikod palabas.

"Thomas. Im sorry!" I cried, habang tumakbo upang habulin siya.

Hinawakan ko yung braso niya kaya't natigilan siya. He sighed deeply.

"I- give me some time Liv." He said without even turning to face me at saka tuluyang naglakad palayo

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now