IX. Try-outs and Layouts

3.1K 89 14
                                    

Excited na akong bumangon dahil ngayon ang official start ng classes! Oo nga pala. Isang araw na din ang lumipas ng mangyari yung tanungan namin ni Alex. So far, wala pa naman siya uling ginagawang nakakainis dahil magpahanggang ngayon wala padin siya sa higaan niya. Kinabukasan kasi after ng encounter namin di siya dito natulog ni di ko nga siya nakita maghapon kahapon eh. Ayyyyyy saya!! Kung alam nyo lang, stress free ang buhay. Nag gayak na ako para masimulan ang araw ko, 8am kasi ang una kong class so may isang oras pa ako para kumain dahil 7 am palang. Naisipan ko din palang bumili ng bagong sim kahapon you know para may contacts ako sa mga new friends ko dito sa school, buti nalang at dual sim yung flippy phone ko. Kailangan kasing iba ang ibigay ko na number sa kanila dahil alam niyo na baka makadating kay Thomas, magkanda loko loko pa diba. Better be safe.
Agad akong nagtext kay Lyroi.

To: Lyroi Jackson

Hey man! What's up? Im heading at the cafe. Where are you?

Then i pressed send. Lumabas na ako para pumunta ng cafe. Nang nasa shuttle na ako nag vibrate ang phone ko.
New text message

From: Lyroi Jackson

Kinda just woke up man. Thank God you texted me, nagising ako. Baka di na ako makadaan ng cafe Im running late 7:30 class ko. Hehehe. Seeyou man!

Hay si Lyroi talaga. San nanaman kaya yun galing kagabi, ang alam ko kasi madalas silang lumabas ng mga ka team niya. I sighed. Wala pala akong makakasabay kumain ngayon, okay lang sanay naman ako. Yuck! Ang drama lang?
Pagdating ko ng cafe, sa isang maliit na table lang ako pumwesto yung pang 2 seaters tutal magisa lang naman ako. Umorder na din ako sa waitress na ngiti ng ngiti sakin. Pagdating ng order kong strawberry waffles, agad ko itong kinain. PG lang ganern. Bakit ba? Gutom ako eh. Habang kumakain ako nagulat ako ng may umupo sa harapan ko. Pasubo na sana ako kaya nakanganga ako at naka angat ang kamay ko para sana isubo ang waffle sa bibig ko kung kaya't nanlaki lang ang mata ko at nag stay yung katawan ko sa ganung position dahil nagulat ako sa pagupo ni Tommy sa harapan ko. Grabe bakit ba ang hilig niyang mang gulat ng ganto? Tss.

I shrugged.
"Para ka namang nakakita ng chicks niyan pare." Pagbibiro nito sakin

"H-ha? Magugulatin lang talaga ako, nagulat ako sayo eh." Palusot ko

He chuckled. Hay namimiss ko na si Tommy, sobrang kwela kaya niya kasama di nga kami nauubusan ng pinaguusapan nyan eh. "So kelan ka gagawa ng move bro?" Tanong nito sakin na tataas taas ang kilay.

Move? Pinagsasabi neto?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Move?"

Nag chuckle uli siya. "Come on man, we all know about your thing for Regina Miller." Medyo pabulong na sabi niya sa part ng pangalan ni Reggie. Parang gusto nang matunaw ng sinabi niya yan.
Humanda ka talaga Alex Craid!!

Flashback

"It's simply because I HATE NATE RIVERA." Walang emosyong pagkakasabi ni Alex.

Hala bakit naman? Mukha namang mabait si pogi ay este si Nate ah? Tss lahat nalang ayaw nitong lalaking to.

"B-bakit?" Tanong ko naman dito.

"Isang tanong bawat isang tanong." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya, fine! Di ko na tatanungin kung bakit, mamaya kung ano pa tanungin neto sakin eh.

Lalabas na sana ako ng banyo ng bigla nanaman siyang lumiyad sa may pinto upang pigilan ako, nagka tinginan uli kami mata sa mata.

"Now, tell me bakit ka nag cocontact lens? Are you gay?" Agad agad akong umiling. Hay grabe nakaka tense naman yung position namin, di ako makapagisip ng maayos.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now