XXIII. Greentea and strawberry syrup

2.7K 101 7
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa amoy ng green tea at strawberry syrup.

Hay sarap gumising pag ganito ang maamoy mo. Ang sarap naman ng breakfast ng kabilang dorm, makadaan nga mamaya ng cafe. Nakangiti kong sinalubong ang umaga at idinilat ko nang tuluyan ang aking mga mata.

Patayo na sana ako ng kama ng mapansin ang lamesang nakaharang sa tabi nito. Laking gulat ko din ng may nakahanda nang pagkain dito.

Napakagat ako ng labi ko at di na nagisip pa kung pano ito napunta sa harapan ko. At dahil paborito ko yung mga pagkaing nasa harap ko, kinuha ko agad yung tinidor at titikman na sana yung pancake na may strawberry syrup when I heard someone talked.

"Tsk. Tsk. What if that food has poison? Di ka man lang nagalinlangang kainin. Such a pig wimp. Tsk tsk." Sabi ni Alex na kakalabas lang mula sa banyo ng dorm

I froze nang makita ko siya. Nananaginip padin ba ako?

Pinikit ko uli yung mga mata ko at saka ko muling binuksan. Nandun padin siya.

Oh no this is not good I need to wake up. He's hunting me even in my dreams.

I closed my eyes again and pinched myself.

"What are you doing?!"

Binuksan kong muli yung mata ko.

"Uhhh--" nagaalangan na sabi ko sabay lapit sakanya

I poked his cheeks. "Youre real?"
Di makapniwalang tanong ko

Kumunot naman yung noo niya.

"Offcourse I am silly." Sabi niya while smiling saka niya ginulo yung wig ko

My eye widened in realization. Totoong nasa harap ko si Alex. Totoong dinalan niya ako ng paborito kong pagkain. Totoong pinapansin niya na ako uli.

Nang marealize ko lahat, I kicked his legs.

Napahawak naman siya agad sa legs niya. "What the-- what was that for?!"

Agad ko din naman narealize yung ginawa ko. Oh no Im so dead.

"Uh-- kasi-- kala ko ayaw mo na akong maging kaibigan." Sabi ko sabay yuko

Nagkaron ng ilang segundong katahimikan bago siya nagsalita.

"Um--look Im sorry. I-I-- did that because I--I--" He sighed heavily before talking again

"Thankyou for talking to Chloe, thankyou. Everything's cleared now and it's all because of you. It's because of your courage Blue. I can't thank you enough."

Napabuntong hininga ako and then I smiled.

"It's good to hear that. Im so happy for you."

Parang gustong tumalon ng puso ko sa saya dahil finally nakamit na din ni Alex yung pinakahihintay niya na explaination. At alam kong masaya siya, kaya ibang saya din ang nararamdaman ko.

Nagulat ako ng mabilis siyang lumapit sakin at saka niya ako hinila papalapit sakanya at niyakap ng mahigpit.

TUG TUG TUG TUG

Nanlaki ang mga mata ko habang mahigpit akong niyakap ni Alex. This has got to be a dream, anong nakain nitong mokong na to at bigla biglang nangyayakap? Tss. Mahuhulog lang ako lalo neto eh.

"Maraming salamat talaga Blue. You don't know how happy I am. Damn, I missed you." Muling pagpapasalamat niya habang nakayakap padin sakin

Tinapik ko naman yung likod niya.

"Wala yun. Ano ka ba--" "--Wait, what? You missed me?"

Tama ba yung narinig ko?

Dali dali din naman siyang kumawala sa yakap niya. I saw him gulped. Is he nervous?

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora