WIMY: Chapter 2

326 8 0
                                    

2

Nasa airport na ako naghihintay sa flight ko. Nakaupo lang sa waiting area while naka-earphones. Hilig ko talagang makinig ng music when I'm alone. Hindi na ako nagpahatid kina Mommy kase busy sila.

I'm wearing my favorite outfit. Black plain shirt na v-neck, black leggings na uso ngayon, black nike shoes and black snow cap. Hindi naman ako mahilig sa black ano? I know I look like a jeje on my outfit.

Maya't maya may babaeng lumapit sakin. She's kinda sexy and look pretty in her pink dress. Nakapaskil sa mukha ang mayumi niyang mangiti—she looks so charming and cute, too.

"Hi!" she waved at me. I intently look at her, confused.

"I'm Yuri and you are?" she extended her hand para makipagshakehands. Tinanggap ko naman ito. I am not that rude anyway.

"Nia." Plain kong sagot. Even if she's pretty and sexy di parin ako nakikipag-usap sa mga estrangherong kagaya niya.

"Anyway, kanina pa kita pinagmamasdan." she smiled brightly. "Saan pala ang punta mo? May kasama ka?" umupo siya sa tabi ko.

Is she flirting with me? Mygad. Ayoko na sa mga gantong scenario. Nadala na ako. Tama na yung first and that would be the last. Ayoko ng maulit yun. Nakakakaba. Nakakatakot.

"Manila. Ako lang mag-isa." Walang ano kong sagot. Can't she tell na ayokong makipag-usap sakanya? Tinatanggal ko pa talaga iyong isang earphones ko kapag nagsasalita siya.

"I see. Same pala tayo." Di na ako nagsalita pa. Nang bigla na naman siyang nagsalita.

"Pwede bang sumama ako sayo? Wala kase akong kasama dito sa Pinas e. Gumagala lang ako kung saan-saan." She pouted.

Sheyt. Nagpapacute ba ito sakin? Ang lapit pa ng mga mukha namin. Maling galaw lang naming dalawa ay magkakahalikan na kami.

"All passengers blah blah blah...."

Flight ko yun ah. Buti nalang. Save by the bell. Woohh! Muntikan na. Kinuha ko na yung backpack ko.

"Hindi pwede e. Pasensya ka na. Bye." Paalam ko sakanya at umalis na.

Pagdating ko sa Manila. Sumakay agad akong taxi. "Manong! Sa SM po yung malapit dito." Utos ko dito.

Habang nasa byahe nag-open ako ng messenger. Pinindot ko iyong message ni Love nakaka-send niya lang sa akin. Tinawagan ko agad siya, mas trip ko ang makipag-usap kesa sa mag-text lang.

"HUYYYY! NIA! Ba't nasa Manila ka? Di ka manlang nagpaalam samin. Kailan balik mo? Babalik ka pa ba?" Natawa nalang ako sakanya. Loka to. Namiss agad ako.

"May pupuntahan lang. Babalik din ako. Miss mo ako no?"

"Mukha mo." Na-iimagine ko na yung expression niya ngayon.

"Maganda"

"Utot mo."

"Mabango."

"Paksyet ka talaga Nia. Arghhh."

"Labyou :* don't miss me to much. It will kill too much. Hahahahaha."

"Ewan ko sayo." Ayun na. Nagalit na ata. "Basta ahh. Pagbalik mo kita tayo." dagdag pa niya.

"Syempre naman. Ikaw na mag-explain sa dalawa. Tulog pa ata ang mga yon."

"Okay. Ingat ka dyan. Labyoutoo :* (muuuaaah)" Matapos no'n ay binababa ko na, sakto naman ang pagdating namin  

"Ma'am, dito na po tayo." Nagbayad na ako at bumaba na. Ayaw niya sanang tanggapin iyon kase sobra daw iyon at wala rin siyang barya kaso nagmamadali ako kaya binigay ko nalang.

Pagpasok ko ay agad akong naghanap ng salon. Gusto ko sanang magpakulay ng buhok, matagal ko ng gusto iyon, pero hindi pwede kase nag-aaral pa ako noon at mahigpit na pinagbabawal sa kurso namin ang dye na buhok. At ngayon pwede na dahil graduate na ako at wala nang makakapigil sa akin. Pati nga piercings ko ay bawal kaya ngayon ko nalang ulit nasuot.

"Goodmorning Ma'am. How may I help you?" Tanong nung binabae na sa tingin ko ay manager nila.

"I want to dye my hair. Make it red with a touch of purple." Tumango-tango naman iyong kausap ko at ginaya ako sa harap ng salamin at pinaupo.

Mga ilang oras din ang proseso hanggang matapos 'yon.

"How was it? Do you like it?" Malanding tanong niya. Pinaharap niya ako sa salamin. Cool. Bagay naman pala sakin.

"Yes."

"Ang ganda niyo naman po Ma'am. May boyfriend po kayo?" Malisyosong wari niya.

"Wala." Nanlaki pa ang kanyang mata na parang luluwa na ang eyeballs sa sagot ko. Ano naman kung wala akong boyfriend. Di naman yun big deal e.

"Ayy. Bakit te? Sa dyosa mong yan wala kang papa?" Natawa naman ako sa reaction niya. Gash. He's pretty. Una palang kita ko sakanya alam kong beki siya. Ako pa ba? Isang tingin na alam ko na kung anong uri mo?

"Wala talaga." Lumapit ako sakanya at bumulong,"Hindi ko type ang machong lalaki, mas trip ko ang babaeng sexy na gaya mo." Nakita kong namula siya sa sinabi. Aba! Nagbblush si ateng. Baka kinikilig na are. Pagtalaga may nakikita akong something sa isang tao towards sakin umaandar yung pagkakwan ko. Sornaman.

"Thank you nga pala." Sabay kindat sakanya. Nagbayad na ako at umalis. Si ateng? Ayown! Tulala parin. Aba! Lakas kaya ng charisma ko. Mababae man o lalaki, mapatibo man o beki. Hindi sa pagmamayabang sikat ako sa school nung araw, sa dyosa kong to? Naku! Malalaglag talaga ang dapat malaglag. Ang hangin ko na masyado.

Lalakad na sana ako papuntang exit ng may biglang tumawag sakin. ~~~calling Lola ganda~~~ sinagot ko to agad at nag-umpisang maglakad palabas ng mall.

"Hello La? Napatawag ka po?"

"Saan ka ngayon apo? Nasa manila ka na ba?"

"Opo. Asa manila na ako. Nasa mall ako ngayon. Saka nagpakulay ako ng buhok La. Yung sinasabi ko sayo nun." Pagkwento ko sakanya. Close kami ni Lola. Siya iyong laging nandyan para sa akin, nakakaintindi. Alam niya ang lahat tungkol sa akin, at mahal na mahal ko siya. 

"Mabuti naman at nakarating ka na. Ahh! Yung ano? Yung nakita mo sa facebook? Ayun ba yun?" at syempre dahil sakin updated siya sa facebook.

"Opo La. Send ko po mamaya yung picture sa inyo. Mwah. Labyou La." Ngiti-ngiti kong sabi sakanya.

Pag si Lola talaga kausap ko lagi akong napapangiti. Ganun ko lab si Lola ko.

"Aasahan ko apo. Osiya. Mag-ingat ka diyan. Labyoutoo din apo. Ayy. Oo nga pala. Saan ka na ngayon?"

"Sa exit na po ako La. Bakit po?"

"Diyan ka lang. Wag kang aalis. Maliwanag?" Kako niya. Bakit naman kaya. Don't tell me nandito si Lola? Impossible naman.

"Opo." Nalilito kong sagot. Saka binaba niya na yung tawag. Ano kayang meron at ayaw niya akong umalis sa kinatatayuan ko ngayon? Napakamot nalang ako sa kilay ko.

Maya maya may sports car na huminto sa harapan ko. Tse! Yabang ah. Dito pa talaga hihinto sa harap ko. Sapatusin ko kaya tong kotse niya.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Where stories live. Discover now