WIMY: Chapter 11

243 6 7
                                    

11

"Miss Blaire ito na po 'yong mga kailangan n'yo." sabi nung sekretarya ko. Inabot ko naman 'yon at tinignan.

"So far, you're doing great. Keep up the good job, Anna." I smiled.

"Thank you, Miss." she bow down her head. "And, you have a meeting at 3 pm." she added.

"With whom? I thought that was the last one for today?" I wonder what hotel or company would be.

"I'm sorry, Miss, but this is urgent they said."

Tinaasan ko 'to ng kilay, "Ang dali naman ata nilang nakapag sched, Anna? Somehow you knew them, aren't you?" tinaas baba ko 'yong kilay ko.

"Yes Miss and you knew them very well. It's already 2:55. Let's go." Sabi n'to ang ngumiti ng nakakaloko.

What's with that girl? Napa iling nalang ako. She's really like me, no wonder. Napaka seryoso nito sa trabaho. Sinundan ko 'to na pumasok sa isang glass room. And there I saw the three ladies nakaupo sa swivel chair na nakatalikod at dahan dahan 'tong humarap sakin na akala mo ay isa akong contestant ng 'the voice'. Napa poker face ang expression ko, "Ginagawa niyong tatlo?"

"Wala man lang 'I miss you' Blaire?" Malungkot na wari n'to.

"I miss you, Blaire." Nang-iinis na tugon ko na ikinatawa naming apat.

"Hug!" They chirped in unison.

"Pasalubong namin." Karen blurted.

"Pasensya na girls pero wala akong nabitbit galing M."

"Tsk! Ayan! Di mo manlang kami na isip." Si Love. "Hindi mo alam 'yong pinagdaanan naming tatlo nung wala ka." Hinanaing niya pa. "Iniwan mo kami sa ere, ni hindi ka manlang nagpaalam. Saka alam mo naman ang size ko. Same size lang tayo ng paa. I hate you." Ngawa niya.

"Ulol mo, Love." I chuckled. Nagdrama pa talaga.

"Huyyy Nia, wala man lang chocolates? Di mo nga kami tinext na nandito ka na sa Cebu. Kung hindi namin nakita 'yong magazine mo, aba! Hindi namin malalaman." Si Jen, dinuduro pa ako ng bruha.

"Dami niyong alam. Busy kase ako. Sorna girls. Kaen tayo sa labas, my treat."

"Naku! Di mo kami madadaan sa ganyan, Niana Blaire!" si Jen.

"Okay! Madali lang naman ako kausap" I said at umupo.

"Joke lang. Tara! Mmm, gusto ko sa... saan ba masarap?" Si Karen.

"Sa Larsian! Na miss ko ang bbq nila." natatakam na sabi ni Jen.

"So ano girls, tara lets?" si Love.

Ayun nga, wala akong nagawa. Ang kukulit kase pag hindi ko pa pinagbigyan ode world war 3 ang labas. Pano, napaka nagger ng tatlo, daig ko pa nag-alaga ng mga makukulit na hampaslupang bata. Sa sobrang miss nila ako halos marape ang wallet ng lola niyo. Bente nalang ang naiwan, hype yan. Nahiya pa sila sa lagay na 'yon. Ukinam yan, ganun pala makamiss ang mga hype nato, dat nagtago na ako nung una palang. Ang galing din nilang mag-imbestiga. Alam kong wala sa magazine 'yong tungkol kung asan ako ngayon, walang nakalagay ro'n. Confidential yun e.

Buti nalang talaga sa Colon kami nagpunta kung hindi aba! Pati cards ko magagamit ko pa ng wala sa oras. And good thing hindi maarte ang mga 'yon. Okay na sila sa mumurahing damit. Hahahaha.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें