WIMY: Chapter 6

229 9 0
                                    

6

"Nia! Wait up." Yuri shouted in a distant.

"Whatda! Why are you still there? Ang bagal mo." Sigaw ko. Mga ilang dangkal lang naman ang layo namin. Oa lang talaga ako mag-react.

"L-let me..... rest first." Hinihingal na sabi niya. Naka tukod ang dalawang kamay sa tuhod nito.

"Guys! pahinga muna tayo." Shane announced it to the group. Tumango naman sila at nagsi-upuan.

Mahigit isang oras narin kaming naglalakad dito sa loob ng gubat. Ang sabi ni Shane may hidden falls daw rito. At we decided na mag-overnight.

"Hey, you okay? Here. Drink this." Inabot ko sakanya ang bottled water ko.

"Thanks." she seems thirsty, halos maubos niya na 'yon."I'm fine, anyway." she smiled sweetly that I felt my both ears...... hot.

"Jeeeezzzz! What was that?" I asked myself— confused.

"Y-your welcome." sabi ko nalang at tumayo sa kinauupuan namin.

"Uyyy. Ano yun ahh!" nakangiting asong tanong ni Rain.

"Anong ano?"

"Yung kanina."

"Nakita mo?" Gulat na tanong ko. Syet, akala ko busy siya kakaselfie.

"Yap. Nakita namin." She gave me the look na maiinis ka talaga.

Teka! Bakit nga ba ako maiinis? Wala namang nangyare ah?

"That was nothing." I shrugged my shoulders. Di parin siya na tinag at sinusundot ang tagiliran ko. Pinalikihan ko siya ng mata and mouthed shut up.

"Fine. Titigil na. Ito naman pakaseryoso." At inirapan pa ako ng loko. Napailing nalang ako.

"Tara na. Mas maaga mas maganda." Aya ni Yana.

Sumunod naman ang lahat sakanya. Shane and Yana ang naglelead samin sa daan. Nalalanghap ko ang fresh na hangin na never kong nalanghap sa city, pano polluted na dahil sa mga iba't ibang factory. Napaka peaceful mg lugar which I like the most. Maririnig mo ang huni ng ibon at mga iba pang insekto. Green na green ang kapaligiran, may nahahalo ring kulay tsokalate— mga tuyong dahon.

Pa-akyat na kami ng hagdan nang mapansin kong huminto si Ally sa kinaroroonan niya. Parang ayaw niyang umakyat, kitang kita ko sa expression ng mukha niya. Nagtama ang aming mata as expected siya ang unang umiwas.

"Mylabs!" tawag ko kay Rain na mabilis namang lumapit sakin. "Paki-hawak naman nito." Inabot ko sakanya ang ang bag. Naguguluhan siyang tumango at umakyat na. Kasama niya si Yuri.

Bumaba ako at lumapit sakanya. I smiled at tumalikod sakanya at nagsquat, "Come on! I'll carry you upstairs."

"No thanks. Kaya ko naman e." aniya. For the nth time, rejected na naman ako sakanya.

I sighed. Humurap ako sakanya,"I know you can pero mahihirapan ka lang." Tumalikod ako ulit at nagsquat. "Come on. Time is flying." Maybe, In the gang, I'm the only one knows about her condition. Hindi niya kayang umakyat sa matataas na lugar even sa hagdan ay nahihirapan siya. Yan ang sabi niya sakin no'n. Her uncle always gave her a piggy back ride everytime na aakyat sila ng bundok. Akala ko ay erereject na naman ako, nang naramdaman ko ang init ng kanyang bisig na yumayakap sa leeg ko. Dahan-dahan akong tumayo at sinimulan ang pag-akyat. Medyo mabigat siya sa kadahilanang may dala pa 'tong camping bag sa likod.

'Kaya mo 'to, Niya. Magpakitang gilas ka. Si Ally na 'yan ohh! Ang babaeng mahal mo.' Napangiti ako sa kalokohang tumatakbo sa isip ko.

Pagkaraa'y nagsalita 'to na muntik na akong maestatwa dahil sa init ng hiningang binuga paroon sa aking batok. Para akong nakuryente sa mga sandaling 'yon. Muntik ko pa siyang nabitawan, buti nalang ay nahawakan ko 'tong mahigpit. "Baba na ako. Malapit namana e."

"Niyaaaa! Ang tagal niyo— oww?" Si Rain. Nagtap pa ito ng bibig.

"Malapit na tayo." Sabi ko nalang at nagpatuloy sa pag-akyat. Tinignan ko nang masama si Rain. Kung anu-anong iniisip e. Sumensyas pa 'tong mag-usap kami mamaya.

Pagkarating namin ay agad namang bumaba si Ally KO. Nahihiya itong nagpasalamat sa'kin. Bakas sa mukha ng mga kasama namin ang pagkabigla. Alam naman kase nila ang past namin ni Ally. At naging cold na 'to sakin simula nung naghiwalay kami.

Habang naglalakbay ay pansin ko ang nakaw tingin sa akin ni Yuri, kada tagpo ng aming mata ay iirapan ako. 'Problema nun!'

"Anyare nga kanina, mylabs?" Pangungulit n'tong kasama ko. Sino pa ba, si Rain. "Ang sweet niyo pa tignan. Enebe! Kinikilig eke!" Abnormal talaga ang babaeng 'to. Natawa nalang ako sa reaction niya.

"Tinulungan ko lang. Yun lang 'yon."

"Tulong? Bakit? Di niya kayang maglakad? Napilay ganern?" Eksaheradang wika nito.

"Maiba tayo, anong problema nun?" Nginuso ko kung saan si Yuri.

"Si Yuri?" Tumango ako. "Bakit?"

"Err, kanina pa ako iniirapan niyan. Problema nun?"

Napahinto sa paglalakad si Rain at impit na sumigaw. 'Hala! Nabaliw na.'

"Omygash!" Paypay nito ang kamay sa mukha. "Omygash!" Pulang-pula ang mukha n'to. "Mylabs! Nagseselos ang baby Yuri ko." nakanguso niyang sabi. Napa-ohh naman ako. 'Is there something between the two of 'em?' Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib, hindi ko mawari kung bakit at anong rason. 'It's a delusion..... hindi maaari 'yong iniisip ko.' Pinaksil ko 'to sa isipan ko at patuloy na sapag lakad.

Naririnig ko na ang agos ng tubig mula sa falls. Sa tingin ko ay malapit na kami.

"Wow! Ang ganda r'to. Napaka refreshing." Sambit ni Yana, manghang-mangha ito sa nakikita niya ngayon. Sumang-ayon naman ang lahat sakanya.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Where stories live. Discover now