WIMY: Chapter 8

245 6 1
                                    

8

"Hi!" napalingon ako sa gilid ko. Si Kim lang pala. Ngumiti lamang ako bilang tugon. "May I?" tumango lang ako at binalik ang tingin sa langit. Ang ganda talagang pagmasdan ang kalangitan. Kumikislap ang mga bituin at nagrereflect ito sa tubig.

Pagkaraa'y tinawag ako n'to, "Nia!"

"Hmm."

"Shot tayo." Nakangisi nitong sabi. Inabot ko 'yong beer na hawak niya and took a sip on it.

"May problema ba Kim?" tanong ko. Kita ko ang lungkot sakanyang mga mata. Good thing ay maliwanag ang buwan ngayon. Tumango 'to. "Need a shoulder to cry on?"

Pagak 'tong tumawa. "No need." Kinain kami ng katahimikan nang mga sandaling 'yon.

Maya-maya ay nagsimula 'tong magkwento sa nangyare. "Alam mo, Nia. Ang sakit.... Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon nagawa sa 'kin." tinungga niya 'yon beer na hawak niya. "Naging mabuti naman akong partner sakanya pero bakit nagawa niya parin ang bagay na 'yon. Akala ko... akala ko'y sapat na ako para sakanya." ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Kim, Inakbayan ko 'to at inalo. "Ang sabi niya pa I will never let you go. I will always love you. Pero tanginang yan. Iniwan niya parin ako. Napaka." Dahil do'n humagulgol 'to ng iyak.

Hindi ko man alam kung sino at kung bakit sila naghiwalay ng partner niya—siguro ay may rason kung bakit iyon nangyare. Yinakap ko siya ng mahigpit.

"Hush now. You deserve better, Kim." She pull slightly away from me and look into my eyes.

"Thank you, Nia. Gumaan 'yong pakiramdam ko." Ginulo ko 'yong buhok niya.

"Tara na! Maaga pa tayo bukas." sabi ko.

Pumasok na kami sa kanya-kanyang tent namin. Walong tent lahat, by partner parin. Rain and Yuri. Me and Ally. Kim and Nicole. Yana and Shane. Pagkapasok ko nadatnan kong mahimbing na natutulog si Ally. Pinagmasdan ko muna 'to bago matulog. Siguro naman hindi niya malalaman kapag hinalikan ko siya. Nagdasal pa ako bago ginawa 'yon. Sana hindi magising.

Pagkagising ko si Ally lang ang nadatnan ko sa labas. Nagdalawang isip pa ako kung tatanungin ko ba siya o hindi. Well, I'll choose the 'o'. Tsk.

"Ahhh—" hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko.

"Asa bundok sila. Kukuha lang daw ng prutas." aniya na hindi manlang ako tinapunan kahit isang tingin manlang.

Nilakasan ko ang loob ko. Kinakabahan akong tumabi sa kinauupan n'to. Tanging maririnig lang ay ang pag-agos ng tubig mula sa talon at ang pintig ng puso ko, sana naman ay marinig niya 'yon.

"Ally!" banggit ko sa pangalan niya.

"Nia, please. Magmove on ka na! Hindi na maibabalik 'yong tayo na sinayang mo no'n." awtomatiko akong napatingin sakanya. Bakas sa mukha nito ang pagkainis sa 'kin.

"Please Ally! Give me a chance." Lumuhod ako sa harap n'to. Ang sakit. Kasalanan ko rin naman 'to e. Ang duwag ko.

"Kung minahal mo talaga ako Nia, hindi mo dapat ako iniwan. Pero anong ginawa mo? Sinaktan at iniwan mo ako." giit nito at naluluha na. "Napakaduwag mo. Nangako ka sakin na hanggang huli ay tayo parin. Please, tantanan mo na ako, pwede ba?!" tumayo ito at aalis na sana nang pigilan ko 'to.

"Tell me you don't love me anymore. And I promise after this day I'll never bother you anymore." Every words I uttered were so hard... for me. She remained silent. "Please Ally. Para hindi na ako umasa pa." And because of that humarap 'to sakin.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon