WIMY:Chapter 13

181 6 1
                                    

13

"Nay, si Nia po?" Pagmulat ng mata siya agad 'yong hanap-hanap ng puso ko. Charoot.

"Umalis, saglit lang daw 'yon. Magmeryenda ka muna." Pinaghanda ako ni Nanay ng masarap na strawberry cake.

"Omo. Ansarap po n'to, Nay. Saan mo po 'to nabili?" tanong ko at kumuha pa ng isang slice ng cake.

"Binake 'yan ni Sharina. Kapatid ni Blaire. Hinatid 'yan kagabi kaso tulog na kayong dalawa kaya naman hindi ko na kayo ginising pa." tugon n'to habang nakatuon ang mga mata sa bulaklak na nasa vase. Ito 'yong bulaklak na bigay ni Nia nung nakaraan na akala ko ay para sa akin.

"Sayang, sana ay nakilala ko siya." Naghihinayang kong pahayag. Ang antukin ko kase, e. I'm probably sure na kasing ganda ni Nia 'yong kapatid niya.

Nagawa ko na lahat—paglilinis ng kwarto kahit malinis at wala namang alikabok, nagwalis sa loob at labas ng bahay, naglaba, naghugas ng pinggan at lahat-lahat pero wala paring Nia ang dumating. Where the hell is she? Naiinis na ako. Dalawang araw ng hindi umuuwi ang babaeng 'yon. Wow ha! Epektib ang pagpapamiss ng loka.

I sighed,"Uuwi din 'yon. Ganun talaga ang batang 'yon, Yuri. Biglang nawawala at bigla namang lilitaw parang kabute. Masasanay karin sa ugali niyang 'yon." Pahayag ni Nanay habang nanonood ng paboritong niyang teleserye. I sighed again.

'Tss, saan naman kaya nagsusuot ang isang 'yon? Nakakamiss kaya siya.'

Maya-maya nagring 'yong phone ko. Excited akong kinuha 'yon pero nawala din ng makita ko sa screen kung sino ang tumatawag. 'Tsk, akala ko naman siya na.' Bugnot ko 'tong sinagot, "Hello?"

"Ohhh? Ayaw mo ba akong kausap?" sabi nung nasa kabilang linya.

Umiling ako kahit di naman 'yon makikita, "Hindi naman. Pagod lang. so, kamusta?"

"Mmm, ito okay lang. Kelan balik mo r'to? Saka asan ka ba? Naku Yuri, ha! Pag talaga nalaman ni Mama na pinabayaan kita malalagot talaga ako n'to. Lalo na sa Mama mo." Litanya niya sakin. Si Shane talaga para ko ng kapatid, sobrang maalalahanin at napaka caring pa n'to sakin.

Maalala ko 'yong alibi ko sakanya, e, maglalakwatsa lang ako na lagi ko naman ginagawa. Di nga sana 'to papayag ngunit dahil sadyang makulit ako at cute pa plus pretty pa, she can't resist my cuteness and charm.

"Opo. Alam ko po. Okay naman ako r'to. Saka babalik din ako diyan. Don't worry."

Marami narin kaming napag-usapan tungkol sa kung anu-anong bagay. Yung mga nangyari sa bahay habang wala ako at marami pa. 10 pm na ng napagpasyahan naming matulog na. Inaantok narin ako sa mga oras na 'yon.

Nagising ako sa ingay—isang pamilyar na boses ang narinig ng aking tenga. Parang may tinatawag 'tong.... ewan ko. Kusot ko ang mga mata at dahan dahan binuksan 'to. Isang kilalang piguro ang naaninag ko, "Nia?" Tumingin 'to saglit sakin at ngumiti.

"Gising ka na pala. Good morning, kamahalan." Masiglang sabi n'to at biglang dumapa na para bang may hinahanap.

"Good morning, may hinahanap ka?" Tinigna ko rin 'yong nasa ilalim ng kama, naka upside down 'yong katawan ko at magkalapit ang mga mukha naming dalawa na hindi ko naman sinasadya.

"Nawawala si Namnam. Kanina lang andito yun, e. I'm sure hindi 'yon lumabas kase close naman 'yong pinto." Amoy ko 'yong mabango niyang hininga. Heaven.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Where stories live. Discover now