WIMY: Chapter 17

151 3 0
                                    

17

Loving is the only way thing in this world that covers up all the pain and makes us feel wonderful again.

-unknown

~~~

"Nga pala, saan ka pala galing noong isang araw? Ginabi ka yata?" Nasa salas kami nanonood ng random movies.

"Sa downtown. Looking for part time job."

Napalinngon 'to sa akin. Tinignan ko rin siya."Bakit ka naghahanap ng part time?"

"Hmm, gusto ko lang. Saka nabobore ako dito, e, lalo na pag wala ka." Nagpout pa ako nun.

Lumungkot ang boses n'to,"Sorry. Sorry kase wala ako dito lagi."

Na alarma naman ako nun. Ayoko siyang nakikitang malungkot. Hinawakan ko ang kamay niya,"Hindi. Okay lang naman sakin. Basta ba sakin ka uuwi. Gusto ko rin naman e try mapart time nang sa gayon ay matuto akong magtrabaho at kumita ng pera. Hindi ko pa kase naranasan kumayod, asa lang ako sa mga magulang ko. Ang totoo nga niyan, mas pinili kong gumala kesa e takeover ang kompanya namin. Only child lang kase ako kaya sakin lahat ipapasan." Natawa ako sa sinabi ko.

Ngayon lang ako nag-open up kay Nia about sa sarili ko. Hindi rin naman niya ako tinanong.

Hindi pa ako handa sa lahat ng mamanahin ko. Natatakot ako baka mabankrupt ko lang, na baka mafail ako. Ayoko ng failure.

Ngumiti 'to sa akin na nagpatunaw na naman ng puso ko,"If that's what you want. Susuportahan ko ang gusto mo. Pero kung hindi mo na kaya just tell me okay?" Tumango ako bilang sagot.

Marami pa kaming napag-usapan. Madalas tungkol sa akin. Nagkusa akong magkwento kase naman baka nahihiya lang siyang tanungin ako.

Hinayaan lang namin 'yong pinapanood namin. Mas gusto kong kausapin siya kesa manood.

Hindi na naman namalayan ang oras gabi na pala at kakarating lang ni nanay galing probinsya nila. Dalawang araw nga siya do'n e. Kaya solo namin ang buong bahay.

Kulitan, asaran at landian ang nangyare sa amin. Kilig na kilig parin ako pag naalala ko 'yong ginawa niya kahapon. Pano kase, sobrang sweet niya. Akala ko nakalimutan niya 'yong promise niya sakin. Hindi pala. Binigyan niya ako ng kwintas na may initials naming dalawa at siya pa ang nagsuot sa leeg ko.

Sinabi niya pang wag na wag kong hubarin. Pag ginawa ko ra 'yon meaning ay wala na kami. Meron din nga siya, e. At hinding-hindi niya huhubarin. Na takot naman daw si ako.

Pano kung maputol lang edi wala na kami. Huhuhu. Wag naman sana, no.

"Nay naman. Sana tinawagan niyo ako para masundo kita. Dami mo pa namang bitbit." Tinulungan niya 'tong dalhin ang mabigat na bitbit ni nanay.

"Naku anak, kaya ko naman. Ako pa. Malakas kaya 'tong nanay mo. Ayokong maabala ka." Natatawang tugon n'to.

"Kahit na nay. Ni kahit kelan hindi ka naging abala sa akin. Magpahinga po muna kayo ako na ang magluluto." Sabi n'to at pumunta sa kusina.

Napagsabihan pa ng wala sa oras si nanay.

"Kamusta po kayo nay? Namiss po kita." Niyakap ko 'to ng mahigpit.

"Ayos lang, anak. Nga pala may pasalubong akong kakanin. Nasa bag ko. Teka lang at kukunin ko." Ayon nga't kinuha niya 'yong kakanin na sinasabi niya.

Inabot niya sakin. Agad ko namang tinikman 'to,"Masarap 'yan. Gawa iyan ng nanay ko."

"Nanay mo po?" Gulat kong tanong. May nanay pa si nanay Adele!

"Oo naman." Nakangiti n'tong sagot.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon