WIMY: Chapter 10

218 7 2
                                    

10

"Gabi na, aalis ka?" tanong ni Nanay nang makababa ako ng hagdan.

"Opo, lock niyo nalang po 'yong pinto. May susi naman akong dala." bilin ko sakanya at nagbeso.

Lumabas na ako at nilock 'yong gate. Paalis na ako nang mga oras na 'yon nang may narinig akong humihikbi sa gilid. Sinundan ko ang hikbing 'yon and it leads mo to someone, nakaupo 'to at umiiyak. Tila ba may umaway sakanya at nagtago si gilid ng halaman. Nilapitan ko 'to laking gulat ko na lamang nang makita ko ang mukha n'to. Holy mother cow.

"Anong ginagawa mo r'yan? Okay ka lang? Kanina ka pa ba r'to? Teka ba't nandito maleta mo? Anong nangyare?" Ratatat ko sakanya.

Nababaliw na ba 'to? Mygahd! Ang lamig pa man din sa labas lalo na't gabi na. Tumango lamang 'to bilang sagot. Humatching pa! Naku naman.

"Tumayo ka." Utos ko r'to. Tumayo naman 'to at nagtatakang tinitigan ako. Hayyss! Ano pa ba! Dinala ko 'yang bag niya. "Sumunod ka sakin. Wag ng maraming tanong." Binuksan ko uli 'yong gate at pumasok na.

"Oh? Bilis mo naman ata?" tanong ni Nanay nang makapasok kami.

"Nga e." Napakamot tuloy ako sa batok ko.

"May bisita ka pala. Yuri, ikaw pala. Ba't namumugto 'yang mata mo? Sinong nagpaiyak sa 'yong bata ka. Dali na't sabihin mo ng maaway ko." giit ni Nanay.

Tsk! Kung alam mo lang, Nay. "Nay, magpahinga ka na po. Ako na bahala r'to."

"Aba'y sigurado ka anak? Teka lang at ipagtitimpla ko kayo ng gatas." Wika n'to.

"Nay, ako na po. Pahinga ka na po. Alas dyes na. Kelangan mo ng matulog."

"Osiya. Ako'y matutulog na. Teka, dito ka na matulog, iha. Gabi na't baka mapano ka pa sa labas. Sa kwarto ni Blaire ikaw matutulog. Dalawa lang kwarto r'to, pasensya na't maliit lang 'tong bahay namin." litanya ni Nanay.

"Po? Ahh! Sige po. Salamat po." si Yuri.

"Suotin mo." hinubad ko 'yong jacket ko at binigay sakanya. "Dito ka lang." kako at umalis.

"Drink this." sabay abot sakanya nung tea na ginawa ko. "Inumin mo habang mainit pa. Mas sarap pag mainit." sabi ko at umupo.

"Salamat." Sa mga oras na 'yon nilamon kami ng katahimikan. Maraming akong tanong pero saka na muna pag-okay na siya.

Pagkaraa'y narinig ko 'yong dagundol ng kung saan man or should I say buaya sa tiyan ng nagugutom, "Nagdinner ka ba?" Umiling 'to kahit nahihiya ay wala na siyang nagawa kundi magsabi ng totoo because I glared at her nakinatakot naman niya. "Sumunod ka." Pumunta ako sa kusina to cook for her. I never did this to someone and now I just did. I don't know. Hays. "Anong gusto mong kainin?" Nabigla 'to sa tinanong ko.

"Ipagluluto mo ako?" bulalas n'to. Tumango ako bilang sagot. Ano pa nga ba. "Anything would do. Hindi naman ako mapili, e."

Okay. Nagluto ako while her waiting and watching over me. Nang matapos ay hinain ko na sa harap niya. Gumawa rin ako ng manggo smoothie para saming dalawa. "Enjoy." Nagsimula na 'tong kumain. Base sa expression ng mukha niya ay nasarapan 'to sa luto ko., sigurado ako do'n. Ang gana kung kumain. Napangiti ako dahil do'n. Who would not, I'm the best chef in my previous school.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Where stories live. Discover now