WIMY: Chapter 5

267 9 0
                                    

5

Nagising ako sa ingay sa kwarto ko. May nagbubulungan na iwan. Hindi ko pa naimulat ang mata ko ay nakaramdam akong may umupo sa gilid ng kama.

"I can't believe nandito talaga siya!" someone exclaimed. The voice was so familiar.

Dahan-dahan ko naman minulat ang mata ko. Nagulat pa ako nung mukha nito ang bumungad sakin. Medyo magkalapit na mukha naming dalawa. Ako namay gulat na gulat sa pangyayare.

"Mylabs! Sa wakas nagkita rin tayo." sabi nito at mahigpit na inakap ako.

She's Rain ang close ko sa lahat. Mylabs ang endearment naming dalawa. Niyakap ko rin siya at kumalas narin. Dun ko napansin na nandito pala silang lahat sa kwarto ko. Nahiya naman ako baka kako may muta at panis ako. Nakunaman.

"Kompleto na ang barkada. Ano! Sisimulan na ba ang adventure bukas?" napalingon naman ako kay Shane na nakasandal sa pinto.

"Game!" sabat naman ni Yana.

"Count me in." Si Nicole.

"Me too!" Sang-ayon naman ni Kim at Rain. Sabay pa talaga silang dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at para bang may namumuong tensyon sakanilang dalawa. Hayyy naku. Magka-away parin ang dalawa.

"Sounds great." Ako namay eksayted na sa adventure na mangyayare bukas.

"How about you Ally?" tanong ni Yana sakanya. Napukaw ang diwa ko nang marinig ko ang pangalan niya. Sinundan ko ng tingin si Yana. And there she is sitting on the bed. Nasa likod siya ni Nicole kaya hindi ko siya nakita agad.

Ang ganda niya sa personal. Nag-uusap kami nun through vcall, tinatawagan ko siya na umaabot ng tatlong oras at magkatext rin kami pero ngayon di manlang magawang tignan ako.

"Count me in narin." aniya at ngumiti kay Yana.

"Handa na daw ang dinner guys. Tara baba." sabi ni Shane na pinagkataka ko naman. May iba pa ba bukod samin dito?

Sabi ni Shane walo daw kami. So, ako, Nicole, Yana, Rain, Ally ko (Yes! Akin siya. Kahit ayaw na niya sakin.) Rain, Shane. Ahhh! Sino pa ba? Sigurado akong wala akong nakalimutan. Kulang ng isa.

Bumaba na sila at kami nalang ni Rain ang naiwan.

"Mylabs!" tawag ko naman sakanya. Binaling naman niya sakin ang atensyon nito na busy kakatext kanina lang.

"Hmmm?"

"Sino ang pang walo?"

"Ahh! Yun ba ang iniisip mo kanina pa? " tumango naman ako sa tanong niya. Obvious naman e." Si Yuri. 2 days na yun dito." Plain niyang sabi. " Tara baba nang makilala mo yun. Ang cute nga niya e." Bigla naman itong nagblush.

"Crush mo no?" tanong ko naman na bigla lang lumabas sa bibig ko. Namula siya at tinakpan yung mukha.

"Hindi no!" Deny pa niya. Natatawa ako sakanya. Bigla ba naman busangot ang mukha.

"Mauna ka na. Magbibihis lang ako." Tumango lang siya at lumabas na.

As usual pag nasa ibang bahay ako yung damit ko panay longsleeve at pants yun nadin pantulog ko, comportable naman kase di siya maong parang pajama lang. Bumaba na ako pumunta sa dining area.

Nakaupo na ang lahat at ako nalang ang hinihintay. Katabi ko si Rain kase yun nalang ang vacant. Yung kaharap ko naman which is di ko kilala. Yun ata yung Yuri na medyo familiar ang mukha sakin.

"Onga pala Niya si Yuri. Yuri si Niya." Aniya ni Shane.

Titig na titig ako sa babaeng kaharap ko. Yuri..... san nga ba kita nakita..

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon