WIMY: Chapter 7

255 8 0
                                    

7

Nakaupo ako ngayon sa bato while watching them na naliligo at nagkakasayahan. Nagmumuni lang ako. Masaya ako habang pinapanood sila.

"So, what's the plan?"

Napahinto ako sa pagmumuni at napabaling sa taong tumabi sakin. Kuno't noo ko 'tong tinignan. 'What's with her?' Tanong ko sa isip ko na alam ko naman hindi 'to sasagot.

"What plan?" I asked at binalik ang tingin sa harap kung saan nakikita ko si Rain at Yuri na naghaharutan. Biglang may naramdaman ako.... Idk what is it. Hindi ko maiintindihan ang sarili ko, napakuyom ang mga kamao ko na hindi ko naman ito inutusan na gawin 'yon. May sarili ata itong pag-iisip. Hayyyss.

Napabaling ang tingin sa kabila, kay Ally na— nakatitig sa'kin. 'Totoo ba 'to? Hindi ako namalikmata diba?' Umiwas 'to ng tingin at kita ko kung paano namula ang makinis niyang mukha. Napangiti tuloy ako.

"Mukha kang timang." komento ng katabi ko. I just laughed. "Niya, I know what you are feeling right now. So, may plano ka ba?" Naguguluhan akong lumingon sakanya. Sinundan ko ang mga tingin n'to at doon ko nalaman kung anong ibig sabihin ng tanong niyang 'yon.

"Shane, pinangungunahan ako ng takot na baka ay mareject na naman ako." I paused and let out a heavy sighed. "Talong talo na ako. Ako 'tong nakipaghiwalay pero ako parin 'tong tanga at hindi makamove on." Nakikinig lang siya sa aking drama lines na ngayon ko lang kweninto sakanya and I know she's waiting for so long to hear this. Kapag nagchachat 'to sa akin at nangungumusta ay panay 'I'm fine' lang ang sagot ko. Alam ko namang gusto niya akong magkwento about sa nangyare samin ni Ally pero I'm not ready to tell her.

Shane and I are like buddies. We're both lazy chef, fond of coffees, loves to eat, makulit, and so on. But, kung may similarities kami meron din kaming pagkakaiba na dalawa, she's good at giving free advice while me nganga. Nagbibigay din naman ako ng advice but angat yung kanya. Nung una ko silang nakilala siya 'yong pinakauna kong naging close— I mean laging ka pm. Ganern. And then there's Carrie, Ally, and Rain. Mas naging close ko 'tong si Rain. But Carrie is nowhere to be sight, sabi nito sa 'kin she doesn't have time to meet and hangout with us. Busy din kase ito sa business.

"I know you have your reason kung bakit mo 'yon ginawa, Niya. I've been there, done that." Napalingon ako sakanya, I saw her broad smile. "If you really love her, then pursue her. No matter what happen." She patted my shoulder, tumayo ito at tumalikod sa 'kin. "But— if something struggling you.... and your feeling something odd for someone.. then, stop what you are planning to.." Pinasok nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants n'to. 'Okay? Ang cool niyang tignan.'

"You might unintentionally hurt two person in one decision. Ayokong magkawasak ang binuo nating samahan. I hope you understand." Aniya at naglakad patungo sa kinaroroonan ng lahat, bigla 'tong tumigil at lumingon sa'kin at ngumiti.

'Binabalaan niya ba ako? What's with her, anyway? I don't even understand what she said.'

The whole time, nakatulala lang ako sa kawalan. Iniisip ko parin 'yong sinabi sa'kin ni Shane. 'Anong ibig sabihin nun? Hindi ko maintindihan. Nabobo na ba ako?' Napabuntong hininga ako.

"Woah! That was deep." Kahit hindi ko 'to lingonin, boses palang niyo kilala ko na. "Care to share?" dagdag pa n'to.

Hindi ko alam kung bakit ako kinausap ng batang 'to. Kanina lang ay kung makairap sa akin wagas. Ngayon naman ay feeling close na naman 'to. Bipolar ata ang babaeng 'to. I just shrugged and ignored her.

"Can someone gather some pile of woods? May ginagawa pa kase ako rito." Rinig kung pagmamaktol ni Yana.

Tatayo na sana ako para magpresenta na ako ang kukuha ng biglang tumayo itong katabi ko.

"I can do it." magiliw na wika nito.

"You sure?" Tumango ito at ngumiti. "Okay.... pe—" I cut her off.

"Samahan ko na Yana." sabi ko at deretso sa kakahuyan. Naramdaman ko naman ang pagsunod nito. I have this feeling na she's afraid alone. And for some reason, nasa gubat kami. All cute girls were afraid of wild animals, am I right?

Nag-umpisa akong pumulot ng patay na kahoy. Nang marami ay tinali ko 'to gamit ang balat ng buhay na kahoy. Pagkaraa'y nakarinig ko ang pagbagsak ng kung sino man. Palinga-linga ako, hinanap ng aking mata si Yuri. Hindi naman ako na bigo, nakita ko siyang nakaluhod at nakatukod ang dalawang kamay sa lupa. 'Bakit ito nakaluhod?' Tanong ko na naman sa sarili ko. Agad ko 'tong nilapitan. Nabigla ako sa nakita ko nung umupo 'to.

"What happened?" Tarantang tanong ko. Sheyt! Feeling ko kasalanan ko 'to. I felt so guilty.

"O-kay lang ako." Nakatungong sagot nito. Pero hindi ako magpatinag sa sagot niya.

"Anong okay?" I exclaimed in disbelief. "How can you say you're okay? Dumudugo na nga 'yang tuhod mo." Lumuhod ako and lift her chin up using my right hand. Napakurap ito at kita ko ang pangingilad ng luha nito. "Come on. Lilinisan natin 'yang sugat mo." Hindi na ito sumagot at dahan dahan ko siyang inaalayan.

Nang napagtanto kong hindi niya talaga kayang maglakad ay walang anu-anong binuhat ko 'to, bridal style. Napayakap ito sa leeg ko. And because of that— my heart was starting to skipped a beat. 'Ano yun?' Pinagsa walang bahala ko muna ang bagay na 'yon. Kinuha ko 'yong isang bigkis na kahoy at bumalik na sa camp.

"What happened?" Eksaheradang sigaw papalapit samin ni Nicole.

Kinuha niya yung dala ko. At nag-alalang tinignan si Yuri. Buhat ko parin si Yuri ngayon at naluluha parin ito. Siguro, masakit talaga 'yong sugat niya.

"Gagamutin ko muna 'tong batang to." Sabi ko nalang at dinala si Yuri sa tent ko.

Pansin ko naman ang pag-alala nila kay Yuri. Maybe, she's a friendly one. Bago pa sila magkakilala ay close na niya ang mga 'to.

"Anong ngiti-ngiti mo diyan?" Puna nito sa'kin. Kuno't noo ko siyang tinignan. Hindi ko nalang 'to pinansin at inumpisahan ang paglinis sa sugat nito.

"Siguro ay masaya ka dahil nasaktan mo ako." dahil sa binitiwan niyang salita ay marahas ko itong tinignan.

"At bakit mo iyon na isip?" galit na tanong ko.

Oo, galit ako. Ano sa tingin niya, masaya ako dahil nasaktan ko siya? Ganun ba ang tingin niya sa 'kin? Na isa akong masamang tao? Na masaya ako kapag may nasasaktan akong tao?

Napakagat ito sakanyang labi. Magsasalita pa sana ito but I cut her off, ayokong makarinig ng masakit na salita galing sa isang katulad niya na hindi naman niya ako lubos nakilala. "Just shut up and let me cure you." Matigas na sabi ko. Pagkatapos nun ay iniwan ko siyang nakatanga.

Nang makalayo, kinapa ko ang puso ko. Ang sakit— bakit ako nasasaktan?

Siguro dahil first time kong masabihan ng ganun. I was so wrong about her. Sino siya para sabihin sa akin 'yon. Wala siyang karapatang akusahan ako.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang