WIMY: Chapter 3

252 7 0
                                    

3

Aba! Ang hambog di parin umaalis. Kanina pa to dito sa harapan ko ah. Bosena siya ng bosena. Gago. Napairap pa tuloy ako.

Maya-maya bumuba yung may-ari ng sasakyan. Papunta siya sakin at inakbayan ako. Aba! Chansing to ah. Sinapak ko nga. Pangiti-ngiti pa e. Asar talaga. Nakakahiya, pinagtitinginan na kami rito.

"Aray naman cous. Ang sakit nun ah." Sabi nito at hinimas-himas yung dibdib niya. Dun ko nakilala kung sinong bakulaw to.

"Leshe ka Nat. Maypa car show ka pang nalalaman sa harap ko." irita kong unas sakanya.

"Sorry naman. Malay ko bang di mo ako nakilala. Tara na nga. Saka ba't ang laki-laki ng bag mo? Mag-hahiking ka ba?" Kinuha niya sakin 'yon at nilagay sa likod ng kotse. Gentlemen parin ang bakulaw nato.

"Pake mo sa bag ko? Saka bago ata tong kotse mo? Pinilit mo na naman si tito no?" tanong ko sakanya.

"Hindi ahh. Bigay niya yan. Pasok ka na nga. Alis na tayo." pinagbuksan niya ako ng pinto. Good. "Ngiti-ngiti ka diyan? Para kang tanga." Usal niya at nagdrive.

"He! Dami mong napapansin. Saan tayo pupunta?" tanong ko na lamang. Wari ko si lola ang nagpadala sakanya dito. Well, ayaw talaga ni lola na magtaxi ako.

"Sa bahay. Saka ba't nagpakulay ng buhok?" Sulyap niya sakin at bumalik na naman sa daan yung mga tingin niya.

"Hm! Gusto ko e. Bagay ba?"

"Hindi e." Sabay tawa ng bakulaw. Asar. Humalukipkip ako. Kainis e.

"Joke lang. Ito naman di mabiro. Mas gumanda ka nga e. Bagay naman sayo lahat ng kulay e. Gusto mo pa rainbow e." Yun na yun e. Kaso tawang-tawa naman siya. Inaasar talaga ako nito."Cous! Pag ako bumulagta dito bigla, pati ikaw damay."

Tsk. Ang talim kase ng tingin ko sakanya. Kala ko di niya napansin. Di na ako umimik pa.

"Nga pala. May tanong ako." Bigla kong sabi. Ngumiti lang. Meaning go na.

"Ilang babae na ang naisakay mo dito?" Halos lumuwa ang mata niya sa tanong kong yun. Tsk. Sabi na. Babaero talaga.

"Pinsan naman. Ikaw pa kaya nakakasakay nito. Diba nagpromise ako nun sayo." Sulyap siya ng sulyap sakin.

"Tse. Reaksyon mo palang alam ko na. Idlip muna ako. Gisingin mo nalang ako pagnandun na tayo." Kako sakanya.

"Cous. Dito na us." Tatawa-tawang sabi niya. Paidlip palang e.

"Ulol" tumawa lang siya. Di na ako nagsalita at umidlip na lamang. Antok na talaga ako.

Nagising nalang ako nasa isang kwarto na ako nakahiga. Lambot ng kama. Siguro si Nat nagbuhat sakin. Bumangon na ako at nag-unat. Lumabas ako ng kwarto.

"Gising ka na pala. Gutom ka na ba little sis?" Napamulat ako bigla. Little sis? Si kuya Owen lang tumatawag sakin nun. Kapatid ni Nathan, short for Nat.

"Kuya?" Patakbo akong lumapit sakanya at inambagan siya ng yakap.

"Aba! Namiss mo ata ako sobra a." Kiniss niya ang tuktok ng ulo ko. Lagi niya iyong ginagawa kapag nagkikita kami.

"Oo naman. Kailan ka pa dumating?" Kako nang nakatingala sakanya. Ang tangkad e.

"Kahapon pa. Nasa kwarto mo na mga pasalubong ko sayo. Tara kaen." Inakay niya ako pababa. Yesh! May pasalubong ako galing USA.

"Tsk! Ang daya. Nung nakita niya si kuya, yakap ang sumalubong. Samantala sakin sapak." Padabog na umupo si Nat. Natawa tuloy ako sakanya. Parang bata e.

Nag-uusap kami habang kumakaen. Ang saya lang. Nagkukulitan at nagtatawanan kami. Kala ko hindi na mauulit ang ganto e.

"Nga pala little sis. Ba't napasugod ka ata dito sa Manila?" tanong ni kuya Owen with accent. Sumang-ayon naman si Nat. Ang alam kase nila bawal ako magpunta rito, sa Manila.

LGBTQ Series #2: You [Revising (gxg)]Where stories live. Discover now