Chapter 1

160K 1.4K 59
                                    

Chapter 1

"Elaine, hindi ba makakarating si Ivan sa graduation ko? Diba nangako siya sa akin na pupunta siya?" nagtatampo kong tanong kay Elaine habang inaayos niya ang toga ko.

"Ay nako Champagne Janine! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tawagin mong Kuya at Ate sila Elaine? Ano yan kasing edad mo sila? Oy limang taon ang tanda nila sayo no. Ikaw gagraduate ka pa lang ng elementary sila first year college na. Tinuruan ba kita niyan ha? Sabihin mo nga?" nagkatinginan na lamang kami ni Elaine dahil nagsimula na namang maging armalite ang bibig ni mommy.

Ako si Champagne Janine D. De Vera. 12 years old. Ang panganay na anak ni Jacques at Stanley De Vera. Opo para nga pong pinaglaruan at pinagtripan ng mga magulang ko ang pangalan namin ng kapatid ko kaya ang gusto ko tawagin nalang ako na Janine kaysa Champagne.

Ngayon ang elementary graduation ko. Hay. Parang hindi ko na ata mahahabol si Ivan. First year college na siya samantalang ako mag first year highschool palang. Ano namang laban ko sa mga nag gagandahang babae sa college? Habang sila magaganda't sexy ako naman kakasimula ko palang mag menstruation last February at baby bra palang ang gamit ko. Bakit ba kasi late akong pinanganak at mas matanda sakin ng limang taon sina Elaine at Ivan?

"Hayaan niyo na Tita. Pasensya ka na Janine, may pasok kasi si Ivan ngayon." sabi sa akin ni Elaine.

Sinimangutan ko lamang siya. If I know nakikipag date lang yun. Noong grade 5 ko lang naging crush si Ivan kasi naman napaka bait niya sa akin, pinagtatanggol niya ako pag binubully ako ni Yvette kaso highschool na noon si Ivan. Gwapo, matalino, basketball player at lapitin naman talaga ng mga babae. Mapapansin ba niya ang isang batang may gatas pa sa labi na tulad ko?

Kaya naman pilit akong humabol sa mga babaeng kaedad niya. Make up, baby bra kahit wala pa naman talaga akong boobs at kung anu ano pa pero sa huli tinigilan ko din. Pinagalitan kasi ako ni mommy.

"Wag ka ng magtampo sa Kuya Ivan mo anak. Alam mo naman busy sa college e. Inabala mo pa tong Ate Elaine mo." sinimangutan ko nalang si mommy na kahit kailan napaka kontra sa akin. Kontrabida ng buhay namin nila daddy. Hehe. Joke lang. Kasi naman napaka loud niya mana sa kanya si Vodka samantalang ako nagmana naman kay daddy na tahimik lang.

"Bestfriend ko naman si Elaine kaya pupunta siya talaga. Diba Elaine?" ngumiti lang si Elaine at tumango.

"Hay nako wala ka talagang respetong bata ka. Sinabi na ngang Ate Elaine! Hay nako kung hindi lang original Gucci 'tong bag ko pinukpok ko na sayo." isa pang ayaw ko kay mommy ay masyado siyang bayolente! Nagmana siya kay lola. Kung ano yung madampot ng kamay niya siyang ipupokpok sayo.

"Mommy! Si Ate Ja kasi crush si Kuya Ivan! Yung picture nila ni Kuya nasa wallet niya!" agad ko namang sinamaan ng tingin ang sumbungera kong kapatid na isang taon lang ang agwat sa akin. Ugh.

"Oy Champagne kabata bata mo pa! Saka yang Kuya mo marami ng naging girlfriend yun. Naku! Kukurutin kita!" panggigil sa akin ni mommy habang iminumwestra pa kung paano niya ako kukurutin.

"Mommy! Sham-peyn po pronunciation ng pangalan ni Ate hindi CHAM-PEYN!" napailing na lang kami ni Elaine habang nagsisigawan este nag-uusap si Vodka at mommy. Hindi ko alam kung bingi ba sila o kung ano.

"Akala ko pa naman darating si Ivan." bulong ko nalang sa sarili ko.

Naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Elaine kaya naman nilingon ko siya kahit nakasimangot pa din ako. Kung si Elaine nga 5 years ang tanda sa akin naging bestfriend ko, bakit si Ivan hindi ko pwedeng maging boyfriend? Age doesn't matter naman diba? Sana makahabol pa ako sa kanila. I wanna grow up so fast!

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now