Chapter 8

78.1K 870 32
                                    

Chapter 8

Hindi ako sigurado kung nasaan ngayon si Ivan pero ang alam ko may sarili siyang penthouse sa kanilang hotel kaya doon ko siya unang naisip puntahan. Dahil sa kanya nag skip pa ko ng World Lit! Bahala na nga next week kung ano man ang iisipin ni Sir. Ugh. Umibis ako agad ng taxi ng makarating sa La Formosa at hindi na hinitay pa ang sukli kay manong driver.

Maganda talaga dito sa La Formosa, hindi biro ang five star hotel na ito dahil sa karangyaan nito. Kahit mayaman ka pa at milyonaryo ay manghihinayang ka na mag stay dito ng kahit isang gabi. Kadalasan na kanilang kliyente dito ay diplomats, politicians at businessmen. Hindi ko maiwasang mapanganga ng makapasok pa ako sa loob ng hotel siguradong hindi birong halaga ang bawat furnitures at paintings na naroon. Buti na lamang at naka summer dress ako ngayon kundi ay hindi ako papasukin. Ipinilig ko ang ulo ng mapansing naaaliw na ako sa kagandahan ng hotel at nakalimutan na ang pakay ko.

"Good morning Ma'am. How can I help you?" formal na bati sa akin ng receptionist sa aral nitong ngiti.

"Good morning. I'm looking for Ivan Clar Ronquillo." matipid kong saad sa kanya. Napataas ang kilay ng receptionist at tinignan pa ako simula ulo hanggang paa kaya naman napataas na din ang kilay ko sa halatang halatang pag check out niya sa akin.

Okay! Ikaw ba naman ang makakita ng isang babaeng halatang teenager palang at hinahanap ang notorious playboy mong boss hindi ka magtaka? Kahit ano namang tanggi ko ay 18 years old palang ako! Kung hindi lang sa boobs ko at sa sopistikadang pagkilos ay baka mapagkamalan pa akong highschool!

"Sorry po Ma'am pero hindi po pwedeng maistorbo si Sir Ivan ngayon. Uhm? Isa din po ba kayo sa girlfriends niya?" napakunot naman ang noo ko sa tanong ng receptionist.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya pero may ideya na ako kung ano ang iniisip niya. Ang manyak na yun! Playboy talaga!

"W-wala po Ma'am. Napakabata niyo po para maging girlfriend ni Sir. Hehe. Tatawagan ko lang po siya sa penthouse niya. Ano nga pong pangalan niyo?" napailing nalang ako. Heto ba talaga ang receptionist nila? Bawal yun ah! Pakelamera!

"Champagne De Vera." naiirita kong sagot sa kanya. Graduate ba talaga ng HRM ang babaeng ito? Tsk. Narinig kong binanggit ng receptionist ang pangalan ko sa telepono at puro uh huh nalang ang sumunod nitong sinabi.

"Ma'am nasa huling floor po ang pent house ni sir pindutin niyo nalang po ang PH button sa elevator. Ito nga po pala yung spare key." kumunot ang noo ko ng iniabot niya sa akin ng spare key ng pent house ni Ivan. Ako pa ang magbubukas? Ugh. Nagkibit balikat na lamang ako at padabog na naglakad patungong elevator.

Ano nga bang gagawin ko at bakit ko pinuntahan si Ivan? Ano bang dapat kong gawin? Sampalin siya sa kabastusan niya o sigaw sigawan siya? Nadala ako ng inis ko! Hindi naman pwedeng umurong lang ako dahil alam na niyang papunta ako sa unit niya. Iinisin lang ako lalo ng lalaking iyon kapag nalaman niyang umurong ako! Pagkalabas ko ng elevator ay bumungad agad sa akin ang pinto ng kayang unit. Wow! So buong floor ay pagmamay-ari niya huh? Mayaman talaga!

Hindi na ako nagdalawang isip pa at binuksan na ang pinto ng kanyang unit. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ni Ivan at mukhang ayaw pa-istorbo. Napataas ang kilay ko ng walang Ivan ang bumungad sa akin bagkus ay ang tahimik nitong sala. Nasaan kaya ang mokong?! Luminga luminga muna ako sa kabuuan ng pent house niya. Malaki iyon at simple lang, black and white ang kulay mapa furnitures man o haligi nito. Perfect para sa isang bachelor na katulad niya.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon