Chapter 4

92.8K 962 50
                                    

Chapter 4

"Ja! Manood tayong sine." yakag sa akin ni Nathaniel habang tahimik lamang akong nagbabasa ng Dear John. Mas matanda naman si John kaysa kay Savannah kaso they're both in twenties kaya ayos lang tignan. Hay. Napabuntong hininga nalang ako at tinignan si Nate na kanina pa ako kinukulit. Saturday ngayon kaya naman narito siya sa amin kung minsan naman ako ang nasa kanila.
"At ano naman ang panonoorin natin?" bored kong tanong sa kanya. Hay. Seryoso nababagot na ako dito sa bahay. Hinihintay ko lang mag weekend para naman makasama si Nate tapos sa weekdays sumasama lang ako sa bar ni daddy.

I love liquors though hindi pa ako pwedeng uminom. Bilib lang ako sa ginagawa ni daddy at someday gusto ko din makagawa ng katulad ng 13 Hell Shots na binalik balikan sa bar namin. Natatawa nga ako pag naalala yung kwento nila mommy and daddy. Makikinig nalang ako sa parents. Pagtutuunan ko na lang siguro ng pansin yung studies ko pati kailangan ko ma-enjoy ang teenage life ko sabi ni mommy magsisisi daw ako pag pinalampas ko yun.

"Ikaw bahala. Date tayo?" napanganga naman ako ng kindatan pa ako ni Nathaniel. What?! Seryoso ba siya?

"Baliw! Wala bang maganda sa ECE? Wala ka pa ata nagiging girlfriend since highschool. Bading ka ba Nate?" napa aray nalang ako ng batukan ako ni Nate. Haha. Tumawa na lamang ako habang pinagmamasdan siyang nakasimangot. Madami kasing nagkakagusto sa kanya tapos hindi naman niya pinapansin.

"Hindi ako bading. Baliw talaga 'to. Psh." natawa na naman ako dahil naiinis siya. Ewan ko ba kung may ganito akong ugali, natutuwa ako pag may naiinis akong tao.

"Eh bakit nga hindi ka pa nagkaka girlfriend? Gwapo ka naman at saka andami mo kayang admirers! Nakakatakot nga sila kasi ako yung madalas mong kasama nung highschool pa tayo. Kung nakakamatay lang yung mga tingin nila siguro matagal na kong deadz!" tawa ko pa at sumandal sa balikat niya.

Siguro yung iba pag nakita kami mapagkakamalan kaming magjowa ni Nate. Haha. Komportable ako sa pagsandig sa balikat niya. Para akong may kapatid na lalaki. Lagi siyang nariyan kahit na may pagka masungit siya minsan. Haha. Nagtataka nga sila mommy pati sina Tita Sheila halos kambal tuko na daw kaming dalawa pero hindi kami nagkakadevelopan. Haha. Incest kaya!

"May gusto kasi akong babae kaso may gusto naman siyang iba." sinandal din niya yung ulo niya sa ulo ko at nagbuntong hininga.

"Ay ganun ba? Bakit di mo nakkwento? Hmp. Porke't college ka na naglilihim ka na. Sino ba iyon Nate? Please tell me! Tanga tanga naman nun!" napailing na lamang siya at pumikit. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at niyugyog pa siya. Aba! Iniiwasan ang tanong ko.

"Madaya ka naman Nate! Sabihin mo na! Sino ba yung tangang yun Nate? Please." naririndi na ata sa akin si Nate kaya naman napakamot nalang siya sa kanyang ulo at nakasimangot na humarap sa akin.

"Hindi mo yun kilala Ja wag ka ng makulit diyan." malamig niyang sagot sa akin at pumikit ng muli. Napasimangot na lamang ako at sumandal nalang din sa headboard ng kama ko.

"Sige na nga! Tara nood na tayo ng sine! Kawawa ka naman sige na i-date mo na ko." yakag ko sa kanya. Nagulat naman ako ng mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbangon niya at ang weird pa ay ang kaninang bad mood ngayon ay akala mo batang sabik na sabik.

"TALAGA JA?!! TARA NA!!" hindi pa man ako nakakapag react ay agad na niya akong hinila patayo at tumakbo kami pababa ng sala. Baliw talaga minsan tong bestfriend ko!

"Uy baliw ka talaga! Wait naman! Hindi naman mawawala yung Greenhills!" mas lalo akong na-weirduhan sa ngisi niya. Nang makababa na kami sa sala ay nasalubong namin si mommy na mukhang katatapos lang magpa facial.

"Aalis kayo?" usisa ni mommy.

"Yes Tita! Mag ddate po kami." halos malaglag na ata yung panga namin parehas ni mommy dahil doon sa sinabi ni Nate. Napatango na lamang si mommy at ngumiti.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon