Chapter 31

44K 653 54
                                    

Chapter 31

Magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Ivan habang tinatanaw ang Taal Volcano. Ibang contentment ang nararamdaman ko. Ang malamig na hangin na na humahaplos sa aking balat at ang init ng kamay ni Ivan na dumadaloy sa aking katawan. This is so perfect. Wala kaming ginawa kung hindi ang mag-kwentuhan sa maraming bagay. Sa ngayon ay hindi namin minamadali ang mga bagay at ninamnam ang bawat sandaling magkasama kami.

"May balita na ba sa kaso ni Elaine?" tanong ko kay Ivan. Naalala ko na tatlong taon na noong magkaroon ng scandal si Elaine. Sa hinagap ay hindi ko naisip na papasok sa ganoong bagay ang isang Elaine Ronquillo. High class prostitution?!

"Wala pa ding lead kung nasaan ngayon si Patricia. Pag nakita ko ang baklang 'yon ay babasagin ko ang mukha! Ilang buwan ding dumaan sa therapy ang kapatid ko dahil sa depression." hindi ko masisisi ang himagsik ni Ivan dahil babae ang kapatid niya at protektado niya ito. Malimit man silang mag-away ay mahal naman nila ang isa't-isa.

"Sana'y mahuli na si Patricia. Good thing hindi siya nanggugulo." ano kaya ang motibo niya at bakit niya ginugulo ang mga Ronquillo? Kaibigan siya ni mommy kaya bakit siya gumagawa ng ganoong bagay?

"Anong hindi? Ilang beses siyang nanghihingi ng pera aniya'y may ilalabas daw siyang video ni Elaine. Tss. Sinabi ni Elaine na si Grant lang ang naging lalaki niya kaya hindi niya kami maloloko. Muntik ng bumagsak ang negosyo namin dahil sa eskandalong 'yon." wala na ako sa Maynila ng mangyari ang bagay na 'yon kaya naman ibinalita lang sa akin ni mommy na nagpulasan ang ilang negosyante sa pag iinvest sa kompanya ng mga Ronquillo at ngayon lamang sila nakakabawi.

"Saan ba at mahahanap din ang kriminal na 'yon. Ang mahalaga ay masaya na si Elaine." nagbuntong hininga muna siya at pilit na ngumiti. Masuyo niya akong hinalikan sa noo at niyakap.

"Hinding hindi ka na mawawala sa tabi ko Janine." tumango lamang ako at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Nanunuot ang pabango niya at ang natural niyang amoy sa akin na mas lalong nakakagaan ng loob. Napahiwalay ako kay Ivan ng marinig ang marahang palakpak kung saan.

"Bravo!" she smirked while walking towards us. She's really getting on my nerves!

"Long time no see, Lil Janine?" she winked at me and gave Ivan a flirty smile.

"What the hell are you doing here Yvette?" matigas na ingles na tanong ni Ivan. Halata ang irita sa tono ng kanyang boses ngunit nagkibit balikat lang si Yvette.

"Bakit pa lagi nalang siyang sumusulpot kung saan?" bulong ko kay Ivan at alam kong narinig rin 'yon ni Yvette.

"Bakit? Nabili mo na ba ang Tagaytay?" maarteng tanong ni Yvette at humalukipkip ito. Maganda si Yvette at talagang umuusok siya sa sex appeal, siya ang babaeng version ni Ivan.

"Wala ka bang duty?" tanong ko. Umismid lamang siya na para bang ayaw pag-usapan ang bagay na 'yon. Hindi ako makapaniwalang nurse ang isang tulad niya. Napaka arte niya kaya paano niya natapos ang kursong 'yon. Nakakapagtaka talaga. Geez.

"I resigned from my work kaya nga ipinatapon ako ng daddy ko sa Batangas. Tss. Oh! Naalala ko nga pala, last Friday nagpunta ako sa unit mo Ivan para makipag flirt and makipag makeout sana but unfotunately kasama mo pala si Janine." sinamaan ko ng tingin si Ivan na ikinaputla naman niya? So, nag mmake out sila noong wala ako?

"Hahahaha!! Hindi mo alam Janine? Two years din tayong nag-date Ivan diba? Anyway, so much for that. As I said awhile ago nagpunta ako sa unit mo and I found a guy na nakaupo sa labas ng unit. He's fucking gorgeous but he's also look kawawa." naiirita ako sa way ng pananalita ni Yvette. Conyong conyo! Nakakainis.

TVFN 6 : Between The SheetsOnde histórias criam vida. Descubra agora