Chapter 17

64.3K 796 103
                                    

Chapter 17

Ilang linggo na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil malapit na ang Finals namin na sinabayan pa ng OJT namin. Hindi na ako masyadong nakakatulog sa gabi dahil sa pagrereview at sangkatutak na requirements sa school. Naniniwala na ako sa sinabi ni Ivan na ang 3rd year college ang pinakamahirap. Hay. Thank you nalang talaga at tinutulungan ako ni Ivan kapag may projects ako. Gosh! Wala pa nga akong matinong tulog tapos ngayon kailangan ko pang gumising ng maaga para sa OJT. Huhu.

"Wake up beautiful!" itinakip ko pa ang unan ko sa mukha ko dahil antok na antok pa ako. Gosh! Ayokong pumasok ngayon sa hotel.

"Inaantok pa ko eh." ungot ko kay Ivan habang hinahatak pa pataas sa akin ang kumot ko.

"Ano ba Janine alas seis na! Dali na Janine." natatawang untag ni Ivan habang pilit hinihila pababa ang kumot ko. Ugh! Tamad na tamad akong bumangon at ginulo gulo pa ang buhok ko. Thank God talaga at pinayagan na ako nila daddy na mag condo unit kaya naman malayang nakakatulog dito si Ivan kung kailan niya gusto.

"Pwede ba kasing hindi na pumasok? Antok na antok pa ako!" hindi na ako nakapalag pa ng hilahin ako patayo ni Ivan patayo. Bahagya ako nawalan ng balanse dahil sa biglaang pagbangon kaya naman naramdaman ko na umikot ang paningin ko.

"Are you okay Ja?" tanong ni Ivan habang inaalalayan niya ako papunta sa bathroom.

"Yep nahilo lang ako kasi naman ikaw bigla mo akong hinila patayo." natawa na lamang siya ng inirapan ko siya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bathroom.

Kainis naman kasi! Nahihilo ako! Mas lalo kong naramdaman yung hilo ng pakiramdam ko ay bumabaligtad ang sikmura ko kaya naman agad akong nagduduwal sa lababo. Ano ba 'tong nangyayari sa aki-- para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ideya na pumasok sa akin. Naghilamos muna ako ng mukha at inayos ang sarili ko at tinignan ang kalendaryo na malapit sa walk in closet. No. It can't be!

Bigla akong kinabahan sa naiisip ko ngayon. I'm two weeks delayed! Ilang beses lang kaming gumamit ni Ivan ng contraceptives. Gosh! No! Hindi maaari ito!

***

Para akong lutang habang nasa klase dahil sa nangyari kaninang umaga. Ilang beses din akong nagduwal kanina ng makaamoy ako ng lemon. Paano ba ako magtatrabaho nito?! Ayokong mag assume pero iyon lang talaga ang naiisip ko. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ivan? Anong gagawin sakin ni mommy and daddy?! Mas lalo akong hindi makapag concentrate sa pag-aaral. Malapit na ang Finals at masama ang pakiramdam ko.

"Janine ayos ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?" sita sa akin ni Nathalia ng matapos ang klase namin sa minor subject.

"Oo." mahina kong usal at tumayo na. Gosh! Bigla na naman akong nahilo dahil sa pagtayo ko, agad akong bumalik sa pagkakaupo sapo ang ulo ko. Nananalangin ako na hindi ako magduwal ngayon dahil ayokong magkaroon ng chismis.

"Ayos ka lang ba talaga?! Gusto mo ba dalhin kita sa clinic?" nagpapanic na tanong ni Nathalia. Hindi kami nagpapansinan ni Nate pero dahil sa pagkahilo ko ngayon ay nakita ko na natuon sa akin ang atensyon niya. Napapikit na lamang ako lapitan niya ako at alalayang tumayo.

"Ano bang nararamdaman mo Janine?" kahit cold ang way niya ng pagtatanong ay ramdam ko na deep inside ay nag-aalala siya sa akin.

"Kaunting hilo lang. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa review ayan bangag ako. Huwag ninyo akong intindih---"

"Baka naman buntis ka?" napalingon kaming lahat sa babaeng nakatayo sa may pinto at prenteng pumasok sa loob ng classroom na akala mo isang reyna. The Evil Witch. Yvette Villena. Lihim akong nagpapasalamat na break namin kundi ay maraming makakarinig sa kanya. Bitch! Anong ginagawa niya dito?

TVFN 6 : Between The SheetsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant