Chapter 3

95.6K 1K 66
                                    

Chapter 3

"Summer vacation na Ja! Wag ka nga magmukmok diyan!" I groaned ng gisingin ako ni mommy. Hindi ba niya nakikitang broken hearted ako?! Huhu. Aayain pa niya ako kung saan saan.

"Ayaw kong pumunta kahit saan mommy!" padabog kong sagot sa kanya at itinalukbong ko nalang sa sarili ko yung kumot.

"Wala talaga akong aasahan sainyo ni Vodka. Ikaw wala man lang kaarte-arte sa katawan. Look at you! Ang plain mo masyado nak. Dapat nag-aayos ka na kasi college ka na. Neneng nene ang hitsura mo. Tsk. Ito namang si Vodka tomboy ata! Naku po! Nagkaka wrinkles ata ako sa inyo!" eksaheradang sabi ni mommy. Napailing nalang ako at pinilit na matulog na lamang muli.

"Gusto ko lang yung ganito mommy. Parang si Aunt Brooke? Diba? Si Vodka di tomboy yun." sagot ko nalang sa kanya. Knowing her hindi din ako patatahimikin ni mommy dahil para siyang armalite kung magsalita minsan nakakahiya na nga lalo na pag maraming tao pero ang sabi ni dad yun daw ang nagustuhan niya kay mommy.

"Mom, can I ask you a question?" na-curious lang talaga ako at saka matagal ko na talaga 'tong gustong itanong kay mom.

"Sabi ng wag mag english nak e. Hindi makeri ng powers ko yang mga ganyan. Ano ba yun?" huminga pa muna ako ng malalim bago maisipan na magsalita na.

"Mommy. Yung totoo aminin mo sa akin. Ginayuma mo ba si daddy? Kasi I can't believe it! What ginawa mo kay dad? ARAYYYY!! MOM! STOP IT!" bigla ba naman niya kasing piningot yung tenga ko. Mangiyak ngiyak na ata ako sa sakit. Tignan niyo naman! Sinong di magtataka?! Huhu.

"Ako ba talagang bata ka e inaasar mo! Kailangan pa bang itanong yan nak?! Nakikita mo naman 'tong ganda ng mommy mo diba? Ang katawan ah-ah-ah BET NA BET! Ang boobs oh kitams mo ba yan anak?! Gandang lahi diba? Kaya ikaw wag ka na magtaka diyan. Etong bata na'to medyo bastos eh! Kaloka! Sige if ayaw mong umalis diyan ka nalang." nakangisi na lamang ako ng sinukuan na ako ni mommy. Hahaha! Naasar ko na naman siya.

Mag-iisang linggo na din matapos ang graduation ko. Mag-iisang linggo na din akong nagmumukmok dito sa bahay. Hay. Hindi ko feel umalis o magpakasaya. Usually doon ako Puerto Azul nagbabakasyon pag ganito pero ngayon wala akong gana. Si Nathaniel busy sa summer classes niya samantalang si Nathalia naman nagbabakasyon kasama ang parents niya. Bored na bored na ako pero ayoko namang lumabas dito sa bahay.

Sana pala hindi nalang bumalik si Ivan kasi nasanay na din naman ako na wala siya. Ngayong nandito na ulit siya bumalik lang yung feelings ko for him. Alam ko masyado pa akong bata para mag drama ng ganito about sa love pero iba ako. Matured ako. Hay. Ilang beses na akong pinagalitan ni Elaine pero hindi ako nakikinig.

Bumangon na lang ako at nagpasya na magpunta nalang sa mall. Maglilibang nalang ako! Bakit nga ba ko magmumukmok?! Dapat hindi ako ma-down! Bwahaha. Nababaliw na ata ako.

"Bata ka pa kasi Ja kaya ayaw pa sayo ni Ivan. Wait mo nalang na maging ganap ka ng dalaga." usap ko sa sarili ko habang tinitignan ang sarili. Mom's right neneng nene pa nga ako. Yung panjama ko Minnie Mouse pa! Haha. Bigla na naman akong nabuhayan ng loob.

"Mag-bbreak din si Ivan at saka yung girlfriend niya." para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Haha. Kailangan ko lang maghintay. Ang taong may tiyaga may Ivan!

Masigla na ako ng lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa dining table kung saan kumakain sila daddy at mommy. Madalas wala si Vodka sa bahay dahil batang kalye yun hindi tulad ko na bahay-eskwelahan lang at kung bakasyon ay puro indoors lang ang pinagkakaabalahan. Naupo na ako sa upuan ko at nagsimula ng kumain.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon