Chapter 12

72.5K 874 36
                                    

Chapter 12

"Diba sinabi ko sayo na manliligaw ako?" napamaang na lamang ako ng mabungaran si Ivan na nasa harapan ng gate namin at nakasandal sa red ferrari nito.

"Hindi mo ako mauuto Ivan Clar! Humanap ka ng ibang mapaglalaruan mo. Ano? Kaya mo lang naman ako gustong ligawan dahil gusto mo ng challenge diba?" napapailing kong tanong sa kanya na siyang nakapagpatahimik sa kanya ng ilsang segundo.

"Bakit hindi ba ako pwedeng magseryoso?" mataman ko lamang siyang tinitigan at pilit na inaabsorb kung sincere ba siya sa mga sinasabi niya o hindi, sa huli nagpatiuna na akong sumakay sa kotse niya habang siya naman ay napa 'Yes' nalang. Tss. Naalala ko na naman yung sinabi ni Elaine sa akin noong gabi na inaya ako ni Ivan na mag-date.

Flashback

"Really? Inaya ka niyang makipag-date? Sincere naman ba ang hitsura niya noong sinabi niya 'yon?" tanong sa akin ni Elaine habang magka-usap kaming dalawa sa telepono in the middle of the night.

"I think so! Kinikilig ata ako!" narinig ko naman ang pagpalatak ni Elaine sa kabilang linya kaya naman natigil ako sa pagkakilig ko.

"Para namang hindi mo kilala ang kakambal ko no! Pinaglalaruan lang niya ang feelings mo dahil alam niya na matagal ka ng may gusto sa kanya at ngayong nababaling na ang pagtingin mo kay Nathaniel saka ka niya susuyuin?" bahagya naman akong napaisip sa mga sinabi ni Elaine. Hay. Sabagay may point naman talaga siya. Asa pa kasi ako.

"Pahirapan mo siya! Kung totoo yang nararamdaman niya sayo kahit anong pahirap ang gawin mo hindi siya titigil. Haha. Tignan lang natin kung hanggang saan ang galing ng lalaking iyon. Hahaha." nakakatakot naman iyong paraan ng pagtawa ni Elaine akala mo siya kontrabida sa isang teleserye.

"Iyon naman talaga ang plano ko ang pahirapan ayokong matulad sa ibang mga babae niya na isang kindat lang nai-kama na niya no." siyempre hindi naman ako papayag na maging katulad ng mga babae niya. Iba ako! Ibibigay ko ng kusa ang sarili ko kapag sa tingin ko'y seryoso na siya sa akin.

"Hindi rin magtatagal yang kalokohan ni Ivan. Tsk." napakunot ang noo ko sa way ng pananalita ni Elaine. Hindi ba ako yung tipo ng babae na seseryosohin ng isang playboy na katulad ni Ivan? Minsan naiisip ko kung concern ba talaga siya sa akin o talagang hindi niya ako gusto para sa kapatid niya.

"We'll see." tamad ko na lamang na sagot sa kanya. Kung may pinaka pessimist man iyon na siguro si Elaine Ronquillo.

 

"Alam kong gwapo ako Ja pero kailangan ba talaga titigan mo ako ng ganyan? Huwag kang ganyan at nagpapaka gentleman ako dito. Wala namang ganyanan aba." natauhan lang ako ng bumanat si Ivan kaya naman kahit matangkad siya ay binatukan ko siya.

"Siraulo! Tara na nga at baka mahuli pa ko sa duty ko."  Kahit na seryoso ang panliligaw niya hindi pa din mawawala ang pang-aasar niya mukhang kailangan ko ng masanay sa kanya.

"Saan ka ba naka-assign ngayon?" tanong niya habang nakatutok ang mga mata niya sa pagmamaneho.

"Sa cocktail bar sa restaurant." tipid kong sagot sa kanya.

"Bakit hindi ka nalang ulit sa front desk?" pinaningkitan ko lamang siya ng mga mata kaya naman natawa siya.

"Woah? Bakit na naman po? Hahaha." ano ba 'to! Bakit ba ang hot niya pag tumatawa? Yung way niya ng pagtawa akala mo nang-aakit!

"Siyempre maririndi na naman ako sa babaeng hanap ng hanap sayo. Srsly araw-araw ka ba talaga nakikipag err alam mo na? Grabe ka! Ginawa mong exercise ha!" eksaherada kong reaksyon sabay halukipkip pa.

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now