Chapter 7

82.7K 812 27
                                    

Chapter 7

"Christmas is coming and my bed is empty."  unti-unti kong nilamukos ang maliit na card na hawak ko at itinapon iyon sa basurahan. Jerk! Ilang beses ko ng binasa ang laman ng card still naiinis pa din ako! Kinikilabutan ako sa mga ginagawa ni Ivan. Nakakatindig balahibo talaga to think na ganoon siya kabastos sa akin.

"Kairita!" ala una na ng madaling araw ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. Patay! Alas siyete pa naman ang pasok ko. Bakit kasi kailangan guluhin ni Ivan ang isip ko?

Napapitlag ako sa pagkakahiga ko ng marinig na nag ring ang cellphone ko. Tamad na tamad ko itong inabot mula sa side table at kunot noong pinagmasdan ang unknown number na naka register sa cellphone. Napa-irap na lamang ako ng maisip kung sino ang posibleng tumatawag. Tss.

"Hello?" nagkunwari akong naalimpungatan sa pagtulog dahil ayokong bigyan siya ng kasiyahan na hindi ako nakatulog dahil sa simpleng card na iyon! Babaero talaga! Kinilabutan na naman ako ng marinig ang mahina niyang pagtawa. He's seducing me!

"Sino ba 'to?" natatawa ako sa sarili ko. Simula pagkabata ko kilalang kilala ko na ang boses niya tapos ngayon tinatanong ko kung kanino iyon. Great!

"Hey. Still up eh? It's me Ivan." alam kong siya ang kausap ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang mapasinghap. Aasahan ko na na mapupuyat talaga ako ng bongga ngayon!

"Oh bakit napatawag ka sa dis oras ng gabi?" nakakapanlambot ang baritono niyang boses! Pakiramdam ko boses palang niya nakakapang akit na! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?! Ang bata bata ko para makaradam ng ganito.

"Hindi kasi ako makatulog. Haha. Kaya naman pala kasi iniisip mo ako." binigyan niya pa ako ng nanunuyang tawa. Tss! Talagang siguradong sigurado siya.

"At bakit naman kita iisipin ha? Nocturnal lang talaga ko no!" giit ko naman. Humugot pa ako ng malalim na hininga para lamang kumalma ako. Alam niya namang may gusto ako sa kanya tapos ginaganito pa ako. Ugh.

"Hindi siguro. Ang lamig na ngayon ano?" pinanlalamigan ako sa mga sinasabi ni Ivan. Ano ba kasi ang nangyari sa kanya?! Kung tratuhin niya ako ay parang ni minsan hindi niya ako itinuring na nakababatang kapatid. Ang awkward sa pakiradam.

"EDI MAGKAPE KA!!" inis na inis kong sagot sa kanya.

Ano ba 'tong ginagawa sa akin ni Ivan. Ginagalit niya ko at same time pinapamahal sa kanya. Hinding hindi talaga ako makakamove on sa infatuation ko sa kanya. Never. Kahit ilang taon pa ang lumipas hindi iyon nababawasan kundi mas lalo pang lumalala. Narinig ko pa ang pagtawa ni Ivan sa kabilang linya. Tss. Inaakit na nga niya ako tapos gustong gusto pa niya akong iniinis.

"Wala naman akong sinasabi ah? Ayokong magkape may alam akong mas mabisang pampainit ng katawan." ramdam na ramdam ko na lumalamig na ang klima dahil malapit na ang pasko pero bakit nag-iinit naman ngayon ang katawan ko. Ivan!!

"Bakit lahat nalang ng sinasabi mo double meaning?!!" paasik kong tanong sa kanya. Naku! Wag sana maririnig sa kabilang kwarto ang pagsigaw ko. Nakaka frustrate na kasi 'tong ginagawa ni Ivan!

"Tsk. Tsk. Kabata bata mo pa Champagne kung anu-ano na ang pumapasok sa utak mo." aba't! Magsasalita pa sana ako ng mabilis lang siyang nag goodnight at ibinaba ang tawag.

"Tumawag lang talaga para mang-inis!! I hate you!!" sigaw ko sa cellphone ko at padabog na nahiga. Paano pa talaga ako makakatulog ngayon?!!

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon