Chapter 11

74.3K 872 24
                                    

Chapter 11

Napataas ang kilay ko ng makita ang front gate ng Star City at humarap kay Nathaniel na ngayon ay nakayuko lamang at kinakamot ang kanyang batok. Napailing na lamang ako at natawa. Seryoso?! Ni hindi ko nga siya maaya noon sa amusement park tapos ngayon dito niya ako dadalhin? Haha.

"Seryoso ka talaga Nate?" mas lalo pang lumawak ang ngiti ko ng makita ang pagpula ng kanyang pisngi.

"Bakit ba? Sabi nila gusto ng mga babae rito kahit na ang baduy at childish. Tss." ang sungit talaga kahit kailan! Haha. Noong mga bata kami ayaw niya akong samahan sa amusement park pero nagagalit naman siya kapag sinasamahan ako ni Ivan. Hay. Marami na talagang nagbago.

"Napipilitan ka lang ata eh." pang-iinis ko sa kanya na agad naman niyang ikinainis. Ito talagang lalaki 'to ang ikli ng pasensya! Samantalang si Ivan ikaw pa iyong maiinis dahil kalmado lang palagi, hindi mo alam kung iniinis ka ba o talagang cool lang siya kahit intense na iyong sitwasyon.

"Basta gusto kitang i-date! Kinikilig ka lang diyan eh." napanganga na lamang ako ng iwan niya akong amuse na amuse sa kanya at pumasok na sa entrance ng Star City. Palihim na lamang akong napangiti at sinundan na siyang pumasok sa loob ng amusement park.

Namiss ko ring magpunta rito sa amusement park kahit na marami kaming memories dito ni Ivan. Simula ng umalis siya sa buhay hindi na ulit ako bumalik pa rito plus wala namang sasama sa akin dahil para kay Nathaniel ay masyadong chilidish kung pupunta dito. 

Nang magdalaga ako ay naisip ko na tama si Nathaniel, kailangan umakto ako sa edad ko. Kailangan maging sopistikada ako tulad ng ibang ka-edad ko ng sa gayon ay magustuhan din ako ni Ivan. All my life binago ko ang sarili ko para mapansin niya na minsan nakakalimutan ko na bata pa pala ako. I need to enjoy my life. I'm young and free.

"Baka mamaya sukuan mo lahat ng rides ah!" nakapamaywang kong tanong sa kanya habang nasa pila kami ng Viking.

"Hindi ah! Ako susuko sa rides? Tss. Pero pwede wag muna sa extreme? Doon muna tayo oh?" napataas ang kilay ko ng itinuro niya yung Little Mermaid!

"Ano ka bading?" nakatanga kong tanong sa kanya. Hahaha. Pinipigilan ko lang talagang tumawa dahil maaasar na naman siya.

"Hindi ah! Baliw ka ba? Tss. Tara na nga! Gusto lang naman kitang solohin dun." napailing na lamang ako at tumawa.

"Ah? Kasi mamaya hindi ka na makaka damoves sa akin kasi hilong hilo ka na at sukang suka. Hahaha." ang sarap lang talagang mang asar! Para naman kasing may menstruation si Nathaniel.

"Isa pa Champagne Janine hahalikan na kita diyan!" nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa paligid dahil napalakas iyong pagkakasabi ni Nate. Ugh!! Pinagtitinginan tuloy kami tapos yung iba bumubungisngis pa! Sinamaan ko nalang ng tingin si Nate na siya naman ngayong nakangisi.

"Ano? Halikan kita?" inirapan ko na lamang siya at tumalikod na. Ugh! Bakit ba nakangiti pa ko?!!

***

"Kaya pa?" nakangisi kong tanong kay Nathaniel na ngayon ay umiinom ng tubig. Nakakatawa ang hitsura niya! Haha. Halos mamatay matay siya sa Viking.

"Pwede mamahinga muna? Dehydrated na ata ako. Halimaw ka!" mas lalo pang lumakas ang tawa ko sa reaksyon niya. Haha. Kanina pa kasi siya suka ng suka kaya naman dehydrated na siya.

"Teka ibibili kita ng mint candy." tinap ko pa ang likod niya bago ko siya iwan sa kinauupuan niya. Kawawang Nathaniel hindi na ata makagulapay sa sobrang hilo.

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now