Chapter 10

79.5K 815 28
                                    

Chapter 10

Napahilot na lamang ako sa aking sentido ng pumitik na naman ang ugat nito. Ikaw ba naman ang gising magdamag hindi sumakit ang ulo mo. Hay. Nakakainis! Kada naiisip ko yung nangyari kahapon sa amin ni Ivan sa unit niya ay parang gusto ko ng lamunin ng lupa! Nakakahiya talaga! Baka sabihin naman niya easy to get ako! Tss. Nadala lang naman kasi ako. Gosh! To think na first kiss ko yun! Hindi ko akalain na ganoon ka-intimate ang first kiss ko! Goodness!

Nagulat ako ng makita ang sarili ko sa salamin. Mukha akong white lady! Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko. Thank you nalang talaga at dito ako sa bar umuwi dahil hindi ko alam kung paano magpapaliwanag kay mommy pag umuwi akong tulala. Haha. Buti na lamang at may sariling kwarto ang bar na ibinigay ni daddy. Maliit lang ang silid at may sariling banyo ito sa loob, pahingahan lang talaga sakaling abutin ako ng umaga dahil sa pagpaparty. I really love my dad!

Mabilis akong naligo at naghanda papasok ng school. Naalala ko na may flairing exam nga pala ko sa HRM207! Hindi ako masyadong nakapag practice kagabi dahil nililipad ang utak ko sa nangyari sa amin ni Ivan. Halos magkatapon tapon na nga iyong mga alak dahil sa paulit-ulit kong pagkakamali. Well, goodluck nalang sa akin! Ugh. Kasalanan ito ni Ivan! Ginulo niya ang sistema ko. Nakakabaliw! Kada naiisip ko iyong nangyari ay nararamdaman ko na naman iyong mainit na boltaheng dumadaloy sa ugat ko. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at inayos ang tie ng uniform ko.

Pagkalabas ko ng silid ay tumambad agad sa akin si Elaine na umagang umaga ay umiinom sa bar counter. Kilala siya ng security guards dito kaya naman nakapasok siya agad. Ang aga naman ata nitong uminom.

"Ang OA mo naman girl! Alas otso ng umaga nandito ka sa bar?!!" gulat kong tanong sa kanya. Bahagya lang niya akong tinapunan ng tingin at ibinalik ang tingin sa iniinom nitong alak.

"Wala ka bang trabaho?" dagdag tanong ko sa kanya pero inirapan lang niya ako. Haha. Isa sa maganda ngayong dalaga na ako ay akala mo magka-edad na lamang kaming dalawa. Haha. Isa pa'y isip bata din pala itong si Elaine. Seriously, ngayon pa siya nagkakaganito sa magulang niya if kailan twenty four na siya.

"Gusto ko pag nagka-trabaho ako yung kwarta na agad! Ayokong ma-stuck sa opisina lang no." sagot niya sa akin na kasalukyang abala sa paghahalungkat sa counter ng maiinom.

"Hoy bayaran mo yan baka malugi na ko sayo! Ang lakas mo uminom!" pabiro kong sita ko sa kanya.

"Pumasok ka na nga baka ma-late ka pati ba't ba nandito ka? Umuwi ka naman sa bahay niyo." Haha. Kahit talaga minsan may pagkabaliw 'tong si Elaine lumalabas pa din ang pagiging ate niya.

"Kasi naman nag-practice ako. May Flairing exam ako mamaya ayun nagpuyat ako para mag-practice. Haha. Wag kang mag-alala 8:30 pa pasok ko pero babye na din!" bumeso na ako sa kanya at nagpaalam na.

"Wag kang magpapakalasing ha? Bye!" napailing na lamang ako ng inismiran pa niya ako sa paalala ko at uminom na lamang sa beer niya.

"Oo na! Kuripot ka talaga mana kay Tita Jackie!" pahabol pa niyang asar ng palabas na ako ng bar. Haha. Kinawayan ko na lamang siya at tumakbo na para mag-abang ng taxi.

8am na at 8:30am ang class ko. Saktong sakto lang ang dating ko kung makakahanap na agad ako ng taxi at kung suswertihin na hindi traffic. Dapat inagahan ko pa ang gising ko kaso hindi ko talaga kaya gawa ng pagpupuyat ko kagabi. It's all Ivan's fault! Goodluck naman sa flairing exam ko mamaya! Nagpapadyak na lamang ako ng limang minuto na akong walang mahanap na taxi. Patay talaga ako pag na-late ako sa exam! Nakasimangot na ako ng may tumapat sa aking isang Honda Civic at bumusina, dahil tinted ang salamin nito ay hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Hindi naman ito ang kotse ni Nathaniel.

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now