Chapter 27

47.7K 759 89
                                    

Chapter 27

Parehas kaming nakatingin sa may kisame ni Joseph habang nakikiramdam sa paghinga ng isa't-isa, hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa nangyari kanina at masasabi kong mas tumaas ang respeto ko para kay Seph. Humarap ako sa gawi niya na ngayon ay nakahiga pa rin at malalim ang iniisip.

"Bakit hindi mo itinuloy?" halos pabulong lang ang pagkakatanong ko ngunit sapat na iyon upang marinig na. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nakangiting humarap sa akin. Ngayon ay magkaharap na kami habang nakahiga at pinagmamasdan ang mukha ng bawat isa.

"Hindi ako gagaya sa lalaking nang-iwan sa iyo Janine. Kahit na gustong gusto ko hindi ko gagawin, gusto ko pagkatapos ng kasal. I respect you so much." I was so touched ng bumangon siya at lumuhod sa may gawi ko. Saglit akong hindi nakapagsalita at pinigilan ang sariling maiyak.

"Gusto kong malaman mo na nirerespeto kita ng sobra. Nandito ako ngayon at lumuluhod sa harapan mo, patawarin mo ako sa ginawa ko kanina. Nadala lang ako. I'm sorry because I have crossed the line. Pinapangako ko na hindi na mauulit ang insedenteng iyon, not after our church wedding." hindi pa rin ako makahanap ng salita sa ginawang akto ni Joseph, mas lalo pang uminit ang puso ko ng hinalikan niya ang kamay ko.

"Sa lahat ng lalaki ay ikaw lang ang nag-sorry dahil sa bagay na iyon. Hahahaha. Mas lalo akong naging proud sa iyo mahal ko." binigyan lamang niya ako ng isang matamis na ngisi at muling hinalikan ang kamay ko.

"Humanda ka ng kiligin dahil sooner or later magpopropose na ako. Haha." sabay kaming bumunghalit ng tawa ni Joseph at nakuntento na lamang siya sa paghalik sa aking kamay.

"Mas lalo akong nainlove sayo. Haha." ikinurap ko na lamang ang ilang luhang namuo sa aking mga mata, hindi ko ba alam kung sa sobrang saya iyon o dahil masyado akong kinilig sa mga sinabi ni Joseph. One thing for sure, I found my Prince.

"Nakatulog ka ba? Hinahanap ka kanina ni JC." bungad sa akin ni Ivan habang karga ang anak namin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mag-ama na mukhang nagkakasundo na.

"Mama. San Papa?" matamis akong ngumiti sa aking anak. Hindi maipagkakailang ama nga niya si Ivan kahit na kaunti lang ang naman niya rito.

"Nasa work si Papa mo, look who's here oh? Si daddy? Nag play ba kayo ni daddy?" tumango tango lamang si JC habang pinaglalaruan ang tsokolateng sa tingin ko ay ibinigay ni Ivan. Nang magtapo ang mga mata namin ni Ivan ay pabulong siyang nagpasalamat.

"Nakausap ko na nga pala ang doktor maaari daw muna nating i-uwi si JC dahil nasalinhan na siya ng dugo saka nalang daw gawin ang bone marrow transplant kung kailan handa ang bata." nagpapasalamat talaga ako at ligtas na ang anak ko at kahit papaano ay nagkakulay na ang maputla nitong mga labi.

"Bakit hindi natin dalhin si JC sa Maynila? Mas maganda ang mga hospital roon." kanina ko pa naisip ang bagay na iyon at balak ko na ding sabihin iyon sa kanya. Masarap at magaan sa pakiramdam ang may katuwang sa pag-aalaga sa sarili mong anak at hindi ko maitatago ang kasiyahan ngayong kilala na ni JC ang daddy niya.

"Yan nga din ang sasabihin ko sa iyo. Kami nalang siguro ni JC dahil may trabaho ka pa r---"

"No! Sasamahan ko kayo. Hindi naman pwedeng maiwan ako dito habang ang anak ko ay nagpapagamot. Janine, marami akong pagkukulang sa anak natin please hayaan mo akong makabawi sa kanya, sa iyo." hindi ako makapagsalita.

May parte ng puso ko ang natatakot, ayokong magkasama kaming muli ni Ivan, natatakot akong mabuhay na naman ang nararamdaman ko sa kanya. Aaminin kong simula ng dumating siya ay hindi na ako kampante sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon at kung ano ang mayroon sa amin ni Joseph. Natatakot akong isang kalabit lang niya sa puso ko ay muli na naman iyong bibigay at masisira ang pader na ilang taon kong itinayo.

Hindi pala ganoon katatag ang pundasyon na ginawa ko sa loob ng tatlong taon, kulang pa ang panahon na iyon upang maging immune kay Ivan. Nakakatakot ang sumugal, siguradong masasaktan ako, siguradong masasaktan si Joseph. Bakit ganito ang tadhana? Kahit anong pilit kong pag-iwas ay lagi pa rin kaming pinagtatagpo.

"Sige, sa mansyon kami tutuloy ng anak ko." gumuhit ang pagkabigo sa itim na mga mata ni Ivan. That eagle eyes, naalala ko kung paano ang pagtitig niya sa akin gamit ang mga matang iyon, kung paano niya nakita ang kabuuan ko.

"Gusto kong makasama ang anak natin Janine, alam kong sobra na ang pabor na hinihingi ko pero maaari bang sa bahay ko na kayo tumuloy?" mas lalo akong hindi nakapag-isip ng maayos lalo pa ng titigan niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata. Ipinikit ko ang aking mga mata at minumura ang sarili kong kahinaan. Now paano ko ito ipapaliwanag kay Joseph? Ang malaman nga lang niya na kasa-kasama ko rito sa hospital si Ivan ay halos mabaliw na siya paano pa kaya kapag nalaman niya na ikinokonsidera ko tumuloy sa bahay nito.

Ngayon ko nais hanapin ang prinsipyong matagal ko ng sinasabing mayroon ako. Isang titig lang sa akin ni Ivan ay gusto ko ng bumigay. Para bang hipnotismo ang kanyang mga mata na kapag tumitig ka ay mapapasunod ka na lamang sa kung ano ang iniuutos nito. Damn! Hindi ko malabanan! Hindi na ako nadala. Ilang taon ko ng kilala si Ivan, ilang beses ko na rin ‘tong sinubukang labanan ngunit hanggang sa huli ay bigo pa din ako.

“Please Janine, gusto ko kayong makasama ni JC. Gusto kong ipakita na gusto ko talaga ang magka-anak tayo. Please.” Huminga muna ako ng malalim bago naisipang sumagot.

“Hindi mo na sa akin kailangan patunayan iyan Ivan, ang mahalag ay maging mabuti kang tatay sa anak natin. Tapos na tayo matagal na.” Para bang bakal ang mga salitang binitiwan ko dahil napakabigat niyon sa akin.

“Alam ko naman na tapos na tayo Janine, matagal na kitang gusto! Matagal na kitang mahal! Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang sarili ko. I know I hurt you. I was a fool!”

“Yes, you are.” Matipid ngunit maakusa kong pag sang-ayon sa kanya.

“Give me a chance Janine. Kahit wala kang gawin, kahit tumayo ka lang riyan basta gusto kong ipakita sa iyo na mahal kita. Hindi kita kinalimutan Janine, in fact mas tumindi pa nga ang pagmamahal ko sayo. I will show you how much I love you, just let me.” Sa mga sinasabing ito ni Ivan mas lalo lamang nabubuhay ang apoy na matagal ko ng pinatay. May baga pa palang natitira na ngayon ay nagsisimula na namang magliyab!

"I won't ever give up on you. Not today, not ever again." Masuyong saad ni Ivan. Hindi ko magawang magsalita. Gusto ko nalang pumalahaw ng iyak sa realisasyon. This is so, so unfair. I’m still inlove with him.

to be continued...

Ang napapala kapag BOOM PANES ang background song. If sino una mag comment sa kanya ko nalang idedicate yung chapter.

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now