Chapter 13

71K 865 53
                                    

SPG

Chapter 13

"Ipinasara mo itong bar mo?" nagtatakang tanong ni Ivan sa akin ng makapasok kaming dalawa sa walang katao-tao kong bar. Ipinasara ko talaga 'tong bar ng isang gabi para lang masagawa ang plano ko. Oras na para mahalin mo ako Ivan. Alam kong mapusok ang gagawin ko pero anong magagawa ko? Isa lang din ako sa mga teenager na kapag nababaliw sa pag-ibig.

"Well wala naman kaso kahit kailan ko buksan 'tong bar since hindi naman ito ang priority ko sa ngayon. Haha. Maupo ka sa bar magpapalit lang ako ng damit sa kwarto ko." matamis na lamang akong ngumiti sa nagtatakang si Ivan.

Gosh! Paypay ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Ngayong nag-iisa nalang ako sa kwarto saka ako nataranta ng husto. Ano ba 'tong ginagawa ko? Pipikutin ko ba si Ivan?!! No! Hindi ko siya pipikutin gusto ko lang mahalin niya ako. Iyon lang! Nababaliw na ata ako! Bakit ba kailangan kong magpaliwanag sa sarili ko? Hay. Ito na ata ang pinaka impulsive na gagawin ko at paniguradong mapapalo ako ni mommy pag nalaman niya ang kahibangan ko.

Ito nalang ang paraan para makuha ng tuluyan ang puso niya. Somehow gusto naman niya ako hindi ba? Simula pagkabata ko siya na talaga ang gusto ko, siya lang ang nakikita ko at kahit gaano man siya kagago ngayon ay siya pa rin. Wala ka ng kawala ngayon Ivan Clar A. Ronquillo. Huminga muna ako ng malalim at mabilis na nagpalit ng hindi naman ganoong ka-sexy na damit.

"Kumuha na ako ng beer dito sa counter ah?" inagaw ko sa kanya ang noon ay iinumin pa lamang niya na beer at itinabi ito. Iyon na naman ang nakakainlove niyang pag ngisi.

"Huwag ka ngang ngumingiti ng ganyan!" napataas naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko at naroon pa rin ang nakakaloko niyang mga ngiti.

"What's wrong?" he chuckled. Kunwari pang hindi niya alam ang dahilan. Tss. Alam naman niya na simpleng ngiti lang niya ay nagwawala na ang puso ko. Wala sa sariling ininom ko ang beer na hawak ko.

"Indirect kiss. Swerte ng beer." nilalandi pa ata ako ng bwisit! Kitang kita mo kasi sa mukha niya na inggit na inggit siya sa hawak kong beer. He even licked his own lips! Ako nga dapat yung lumalandi sa kanya diba?!! Ang galing talaga niyang magmanipula pero not this time! I want him. No, I love him! Ano nga ulit ang tawag dito 'pikot'?. Kahit ano pa iyon walang makakapigil ng plano ko.

"Later Ivan, huwag kang masyadong atat." ako naman ang napapangisi ngayon sa naging reaksyon ni Ivan. Napalunok siya at halatang hindi naging komportable sa way ng pananalita ko. Kahit na bata lang ako sa paningin niya ay kayang kaya ko naman siyang i-flirt.

Ngayon na ang pagkakataon para ipakita ko kay Ivan na hindi na ako ang dating batang binabalewala lang niya. Hindi na ako ang batang pinagtatawanan niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Crush lang ito? Crush lang ba talaga itong nararamdaman ko?!! Ano ba talaga ang definition ng crush ngayon?!! Kung crush lang ito edi sana hindi ko siya minahal ng anim na taon! Sana noong umalis siya parang bula lang din na nawala 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Wala eh! Akala mo cancer na palala ng palala! Akala mo AIDS na wala ng lunas ang nararamdaman ko para sa kanya!

Hindi ako iyong tipo ni Yvette na straightforward, mas gusto ko lang sinasarili lahat ng thoughts ko hanggang sa sasabog na lang. Siguro'y namana ko kay daddy ang pagiging composed ko sa lahat ng pagkakataon. Ako si Janine ang dalagang hindi makabasag pinggang kung tawagin nila. Ngayon lalabas na ako sa comfort zone ko para makuha ang puso ng lalaking noon palang minamahal ko na.

Mataman kong tinitingnan si Ivan habang isa-isa kong inilalagay sa harap niya ang siyam na shot glass. Alam kong hindi gaanong matapang ang 9 Shots at alam ko ding hindi malalasing ang isang Ivan Ronquillo roon. Actually wala naman akong pakialam kung manalo o matalo siya ang gusto ko lang siya. Para sa iba mapusok at wala sa tamang katinuan ang gagawin kong ito. Ito nalang ata ang magagawa ko para patinuin si Ivan. He's too playful oras na para awatin siya.

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now