Chapter 19 -- New Beginning

66.2K 808 84
                                    

Chapter 19

After 3 years

“"Nagtulpeng ka met ten Joseph Clar!” ang hirap pala ng may anak jusko. Kanina pa ko habol ng habol dito sa anak kong napakalikot. Palibhasa ay dalawang taon na kaya naman lakad ng lakad. Nandito kami ngayon sa Burnham Park at nagpipicnic kasama ang lola niyang si Jacques na grabe kung i-spoil ‘tong baby ko.

"Uungtam man ata anak mon Janine.Babay-am man latta.” See! Ang dami pa namang tao ngayon dito sa Baguio dahil na rin sa baba ng temperature ngayon dito kaya naman kaming mga taga rito ay nakikisiksik din sa dami nila. Buti nalang talaga at masaya rito. Sobrang peaceful na malayong malayo sa kinalakhan kong siyudad.

"Ingka paylang agay Ayam.Makauunget ti inam nga napintas.” pinanliitan ko na lamang ng mata itong isa pang nag-iispoil sa anak ko. Ugh! Seph!

I met him 3 years ago noong bagong salta pa lamang ako dito sa Baguio City. Isa lang naman ang kilala ko dito tapos si Lola Loleng pa. Haha. At first hindi naging magandang yung impression namin sa isa’t-isa tapos ngayon heto kami na. Haha. Siya yung umako sa responsibilidad ng iba. Siya ang tunay na lalaki! Ang tunay na lalaki hindi magdadalawang isip iyan na gampanan ang responsibilidad na siya mismo ang may kagagawan. Minsan napapangiti nalang ako sa mga kagagahan na nagawa ko noon. Bata pa ako noon at naniwala sa lahat ng mga sinabi niya, inabuso niya iyong kaalaman na mahal na mahal ko siya. Pwes, hindi na ngayon. Masaya at kuntento na ako sa buhay ko ngayon. I found my happiness.

Siyempre hindi pa ito yung happy ending ko, simula palang ng bagong kabanata sa buhay ko. Pangit man ang nakaraan ko ay tinanggap iyon lahat ni Joseph, hindi niya ako hinusgahan sa pagiging disgrasyada instead tinanggap niya ng buong buo si JC.

“Sorry na mahal! Haha. Ikaw naman kasi ang istrikto mo sa anak natin kitang aliw na aliw maglaro. Ano baby ko?” wala sa loob na napangiti na lamang ako ng makitang giliw na giliw si Joseph na nilalaro si JC. Hindi ako magsasawang panoorin sila na ganito araw-araw.”

“Anak kalian naman ba kayo magpapakasal ni Seph?” biglang tanong ni mommy ng tumayo si Joseph at sinamahan na mag bike ang 2 years old kong anak. Haha. Nagkibit balikat lamang ako sa tanong ni mommy. Hindi pa ata ako handang magpakasal though gusto ko na maging legal ng ama ni JC si Joseph di nga ba’t ipinangalan ko pa siya rito. Unfair din siguro iyon kay Joseph.

“Gusto ko mommy yung sure na si Seph sa responsibilidad niya para sakin at sa anak ko.” Nakangiti kong sagot kay mommy na every other week ata kung dumalaw sa akin dito sa Baguio. Naalala ko na naman yung iyak niya kapag nakikita ako noon. Iyong unang taon ko dito sa Baguio ang pinaka miserable para sa akin. Hindi ako makapag-adjust kahit na Pilipinas lang din naman ‘to. Haha.  Idagdag mo pa yung sugat na iniwan niya sa akin. Wasak na wasak ako noon! Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Napakasakit pala na magising sa isang pangarap, noon ko lang narealize na ginagago lang niya yung feelings ko. He took it for granted!

Hindi ko kayang banggitin ang pangalan niya. Kada naririnig ko ang pangalan niya parang isinasampal sa akin ng paulit-ulit kung gaano ako naging tanga. I was madly in love that I forgot to love myself. I have gone through so much pain and now I am trying to move on.

Lahat naman siguro ng tao ay may kapaguran diba? Pagod na pagod na akong umiyak para sa isang taong hindi ako pinahalagahan. Kung nasaan man siya ngayon sana nagsisisi siyang pinakawalan niya ang isang katulad ko.

“You’re idling!” sita sa akin ni Seph habang inaabot sa akin si JC na ngayon ay natutulog na. My angel. Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam ko noong inilapag sa tabi ko si JC noong pinanganak ko siya, lahat ng sakit at paghihirap ko nawala noong makita ko ang mukha niya. Halu-halo ang nararamdaman ko noon, naiiyak sa kagalakan at naiiyak din dahil sa sawi kong puso.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon