Chapter 18

62.6K 855 43
                                    

Chapter 18

"Tissue pa?" himas-himas ni Nathalia ang likod ko habang ako naman ay hirap hirap na nagduduwal sa sink. Hirap na hirap talaga ako sa morning sickness ko. Pagbangon ko palang sa umaga ay bumabaligtad na ang sikmura ko. Hay. Pinagmasdan kong mabuti ang basa kong mukha sa salamin at hindi na napigilan pa ang pag-iyak. Ilang gabi na akong hindi pinatutulog ng problema ko sabayan pa ng finals namin ngayong week. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa maitatago itong pagbubuntis ko. I can't. Iiwan ako ni Ivan oras na malaman niya na buntis ako. Hindi ko kaya.

"Sabihin mo na sa parents mo yan Ja. Hindi mo maitatago yan ng matagal, magigising ka nalang isang araw nakalobo na yang tiyan mo." malungkot kong tinignan si Nathalia at muli akong napahagulgol. Ang tanga tanga ko! Ilang beses na akong sinasaktan ni Ivan pero bakit hindi ko pa rin siya magawang iwan? I really love him! Bakit ayaw niyang magkaanak kami? Hindi pa ba siya sigurado sa aming dalawa?

"Hindi ko alam Nathalia. Naguguluhan ako." kada napag-uusapan namin ito ay napapaiyak lang ako. Fvck hormones! Napakasensitive ko ngayon. Madalas akong antukin lalo na sa tanghali at hirap namang gumising tuwing umaga.

"Huwag ka ng umiyak Janine, nandito naman ako for you kahit na alam kong ayaw mo sakin for Nate." nakangiting tugon ni Nathalia. Bakas sa maganda niyang mukha ang sinseridad. Hay. Alam ko hindi maganda ang trato ko kay Nathalia dahil nagseselos ako. Nagseselos ako kasi bestfriend ko si Nathaniel, sanay akong nasa akin ang atensyon niya tapos ngayon nagkakalapit silang dalawa ni Nathalia. Wala akong karapatang magselos lalo pa't sinaktan ko ang damdamin ni Nathaniel.

Kung sana si Nathaniel nalang iyong tinitibok ng puso ko para naman hindi ako nahihirapan ng ganito. Bakit kung sino pa iyong minamahal mo siya din iyong mananakit sa iyo ng sobra sobra? Bakit kailangan maging kakambal ng pag-ibig ang masaktan? Hindi ba pwedeng lahat nalang ay masaya? Ibinigay ko ang lahat sa kanya. Lahat naman ginagawa ko to please him pero bakit kailangan niya akong saktan ng ganito? Gusto kong magalit sa kanya at sumbatan siya sa lahat! Pero hindi ko yun magawa, ang pagmamahal ko para sa kanya ang siya ding kahinaan ko. Ang kahinaan ko na inaabuso niya.

Kung sana ganoon na lamang kadaling talikuran siya. Iyong tatalikod lang ako at lalakad palayo ay mawawala na din itong sakit na nararamdaman ko.

"You don't deserve him Janine. Hindi nababagay sayo ang jerk na iyon! Mabait ka at maganda, lahat mamahalin ka. Hindi lang si Ivan ang lalaki sa mundo. Huwag mong sirain ang buhay mo para sa isang lalaki na kailanman hindi ka pinahalagahan." napakagat labi na lamang ako sa mga sinasabi ni Nathalia. Kailan ba kasi ako matatauhan?

"Kailan mo ba kasi maiisip na hindi fairytale ang lovestory ninyo ni Ivan? You can't have him! Ginawa mo na ang lahat lahat Janine. Fix yourself little girl. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong lumaban, may pagkakataon na kailangan mo ding isuko ang isang bagay na hindi para sa iyo."

"Paano naman ang baby namin Nathalia?! Hindi naman ganoon kadali iyon! I won't stop! Hindi ako susuko hangga't hindi ako napapagod. Hindi ako pwedeng tumigil ngayon." gusto kong magkaroon ng buong pamilya. I admit nasaktan ako ng husto sa ginawa ni Ivan. Isa lang ang napatunayan ko hindi tugma ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya. Ang unfair diba? Ibinigay ko naman lahat sa kanya, puso ko at kaluluwa pero ano? Gosh! Nakakabaliw!

"Ang tanga mo! Sana naman mauntog kana ng tuluyan diyan sa kabaliwan mo Janine. Sex won't make him love you and having a baby won't make him stay. You're better than that Janine!" pinanghinaan ako ng mga tuhod sa huling sinabi ni Nathalia. Iyon naman ang plano ko diba? Bakit hindi umaayon iyon sa lahat ng gusto kong mangyari.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon