Chapter 28

45.6K 739 45
                                    

Chapter 28

"May dalawang silid dito, maaari ninyong gamitin ni JC ang isa." mangha ko na lamang pinagmasdan ang loob ng unit ni Ivan. Hindi ko alam na lumipat na pala siya ng building, mas malaki ito kumpara noon. Dati ay isang silid lamang ang mayroon siya ngayon ay dalawa na. Marami pa rin kaya siyang babaeng dinadala rito?

"Bakit ka lumipat?" usisa ko habang isa-isang tinitignan ang picture frames na naka-display malapit sa may sofa.

"Nalulungkot ako sa dati kong unit kaya lumipat ako. Nasa isip ko na din kasing mag settle down kaya bumili na ako ng unit na pampamilya hindi tulad noon na para sa akin lang." bahagya akong natahimik roon. Marami na ngang nagbago lalo na si Ivan, hindi siya easy go lucky tulad noon at mukhang mas seryoso na siya sa buhay niya.

"Good for you." hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-komento roon. May girlfriend kaya siya at naisipan niyang mag settle down na? O dahil nasa edad na din siya? Sa pagkakaalam ko ay nasa late twenties na siya.

"Baka manibago si JC sa klima rito sa Maynila kaya mabuti pa ay hindi ko nalang iiwan ang aircon kahit na aalis pa tayo." sumang-ayon nalang ako sa kanya at iginala pa ang aking mga mata sa kabuuan ng kanyang unit. Simple lang ang loob niyon at nag-aagaw lang ang kulay puting pintura nitong wallpaper at ang itim na furnitures, tamang tama para sa isang binatang katulad niya.

"Mama play kami daddy." kumakawala sa pagkakarga ko si JC habang pilit na bumababa, nakita ko ang pagsilay ng tuwa ni Ivan at mabilis na kinarga ang anak namin.

"I will show you my toys JC, madami akong collections." aliw na pagyakag ni Ivan sa anak namin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti, they're cute together kaya naman inilabas ko ang cellphone ko upang kuhanan sila ng litrato.

Ito ang pinangarap ko noon, kami ni Ivan at ng anak namin ay perfect family but life hasn't turned out quite the way I wanted it to be. Sinundan ko ang mag-ama hanggang sa makarating kami sa isang silid na sa tingin ko ay kay Ivan. Manghang-mangha si JC sa dami ng koleksyon ni Ivan ng laruan. Ayaw ni Ivan na pinahahawakan sa iba ang mga laruang iyon ngunit ngayon ay ipinagamit pa nito ang maliliit na kotse sa anak namin.

Naramdaman ko ang init sa puso ko, ang sarap nilang panoorin at narerelax ako sa bagay na iyon. Bahagya kong nakalimutan ang pagod ko sa mahigit anim na oras na biyahe ng makita ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Hinayaan ko na lamang silang mag-bonding, palabas na sana ako ng silid ng mahagip ng mga mata ko ang ilang picture frames sa may tukador at halos malaglag ang panga ng makita kung ang naroon.

Stolen and candid shots ang mga iyon, kinikilig ako! Hindi ko akalain na may ganitong mga larawan ko si Ivan. Sa unang larawan ay graduation picture ko noong highschool, pangalawa ay itinatali ko ang aking buhok at ang huli ay natutulog ako. Gosh!

Siguro sa sobrang pagmamahal ko kay Ivan ay hindi ko na napansin na kapantay lang din ng pagmamahal ko ang mayroon siya sa akin. Dahil nasaktan ako ng husto akala ko ay ako na ang mas nagmahal, hindi pala ganoon iyon.

"Creepy ba?" paglingon ko kay Ivan ay minamasahe niya ang kanyang batok at sa tingin ko ay nahihiya siya na makita ko ang mga larawang ito.

"I find it sweet. Obssessed ka pala sakin." pabiro kong saad at humalakhak lamang siya.

"Highschool ka palang ay gusto na kita, hindi lang kita malapitan dahil bata ka pa nagkaroon lamang ako ng lakas ng loob ng mag dise-otso ka na." hindi ko na maramdaman ang ilang taong pagitan namin ni Ivan. Sa tingin ko  ay perpekto na kami para sa isa't-isa ngayon pa at nakikita kong tuluyan na siyang nagtino.

"Hahahaha. Talaga? Halata nga. Siguro ay gandang ganda ka sa akin. Ang ganda ko pala kapag stolen shots. Hahahaha." wala na ang pagka-ilang ko kay Ivan at pinalaya ko na ang sarili ko na maging komportable sa kanya. Napatigil lamang ako sa pagtawa ng maramdaman ang mainit at masuyo niyang pagtitig sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?" ngumiti lamang siya at umiling.

"Namiss ko yang pagtawa mo ng carefree. Mas lalo kang gumaganada kapag ngumingiti, lately kasi lagi ka nakasimangot kapag nakikita mo ako." muli ay natawa na namana ko sumimangot siya na para bang nagtatampo.

"Sorry na po. Hahaha. Tara baby gusto mo kumain sa Jolibee?" aya ko kay JC na pinagugulong ang laruang kotse sa balikat ng kanyang daddy. Napalunok naman ako sa bagay na iyon, hindi ko makakalimutan ang matapinong balikat at dibdib na yan. Nag-iinit ang pinsgi ko sa kaisipang iyon, gosh diyan ako nakasandal kapag natutulog kaming dalawa. Ugh! Ano ba 'to! Hormones?

"Jobee!!" sigaw ng anak ko na ikinatawa namin ni Ivan. Habang nandito kami sa Maynila ay gusto kong pasayahin ang sarili ko, maramdaman na buo ang pamilya namin nila JC. Matagal ko ng pangarap ito.

Kinagabihan ay hinayaan kong si Ivan ang maglinis kay JC. Mukhang taga-picture lang ang magiging role ko dito. Haha. Basang basa si Ivan dahil sa kakulitan ng anak namin, sa huli ay hinila na rin niya ako sa may bathtub at pinagka-isahan nila akong mag-ama. Hahaha. Nagpatianod na lamang ako sa kasiyahang iyon at tuluyang nakalimutan kung ano ang iniwan ko sa Baguio.

Hindi ako maaaring sumagwan sa dalawang bangka, tinanggap ni Joseph ang desisyon ko. Ayokong saktan siya, ayokong mabaliw siya kakaisip kung ano ang ginagawa ko rito sa Maynila at kung gaano kalaki ang posibilidad na mahulog akong muli kay Ivan.

Hindi mahirap mahalin si Ivan, ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na ayoko na ngunit kapag lumalapit siya'y wala na akong kawala. Iniwan ko ang lalaking umagapay sa akin ng tatlong taon, maraming magsasabi na pinairal ko ang katangahan ko, na hindi na naman ako nag-isip mabuti at hibang ako. Well, ano bang magagawa ko kung ikinulong ni Ivan ang puso ko sa kanya, three years ago ay kinuha niya iyon at umalis akong walang lamang ang dibdib ko. Hindi ko masabi kung pag-ibig ba ang namagitan sa amin ni Joseph o gratitude lamang. Ngayon ko nalaman ang kaibahan ng pag-ibig sa gratitude.

“Hindi ka pa matutulog? Abot ko sa kanya ng kape habang nanonood siya sa ng t.v sa may sala.” Para bang naglalaro kami ng bahay-bahayan at hindi ko maiwasang kiligin. Ayoko na ngang magpaka-KJ at emo. Kung kinikilig akoedi go! Hindi ko na pipigilan pa.

“Tulog na anak natin?” kinikilig talaga ako sa “atin”. Goodness! Ano ba ‘to Janine! Ganitong ganito ang napapanood ko sa T.V. Something na nakakakuntento sa buhay. Kung ganito sana araw-araw.

“Hmm. Oo.” Tumabi ako sa kanya at nakinood na lang din ng T.V. Para kaming mag-asawa na naghihintay makatulog ang makulit naming anak ng sa ganoon ay magkaroon kami ng quality time. Hihi.

 Magsasalita na sana ako ng mamatay ang ilaw at dahil sa gulat ay napakapit ako sa braso ni Ivan. Kulang na nga lang ata ay kumandong ako sa kanya sa takot. Gosh! Hormones tumigil ka naman. Ramdam ko ang mainit na hininga ni Ivan sa may pisngi ko, katunayan na malapit talaga kami sa isa’t-isa. Damn! Napapikit ako dahil may kung anong kumiliti sa isipan ko. Natetempt akong halikan siya. Ilang taon na din, nakalimutan ko na ang lasa ng labi niya.

Hindi ko alam kung fertile ba ako o talagang may tinatago akong manyak sa sarili ko para mag-isip ng ganoong mga bagay. Bago pa ako makapag-isip ay idinampi ko na ang aking mga labi sa kanya. I just want to feel it. Iyong pakiramdam na ibinigay niya sa akin noon, iyong halik na akala mo dinadala ako sa langit. Marahan at masuyo ang paraan ng kanyang paghalik na para bang ninamnamnam ang bawat segundong magkalapat ang aming mga labi. Naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang kamay sa aking baywang at mas lalo pa niya akong inilapit sa kanya. Nasa ganoon kaming posisyon ng sa gitna ng dilim ay may humihila ng damit ko.

“Mama! Mama! Takot ako. Huhuhu.” Nagpapasalamat na lamang kami ni Ivan na blackout kung hindi ay aabutan pala kami ni JC sa hindi kaaya-ayang posisyon. Bago daluhan si JC ay bumunghalit kami ng tawa ni Ivan.

to be continued...

Follow me on twitter : @BonitaBabyy

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon