Chapter 16

64.8K 766 31
                                    

Chapter 16

"Nathaniel I have to go kailangan ko pang sundan si Ivan. Maiintindihan mo naman diba?"

Sa huli ay hindi ko din matiis si Ivan. Hindi ko ata makakaya na magalit siya sa akin ngayon pa nagkakamabutihan na kami. Ang kaibigan hindi ako iiwan pero si Ivan iiwan niya ako anumang oras. Hindi ko kayang iwan niya, ibinigay ko ang lahat lahat sa kanya. Ikamamatay ko pag nawala siya sa buhay ko.

Hindi ko na ininda pa ang pagtatampo ni Nathaniel, maiintindihan naman niya hindi ba? Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Kahit na nag I love you na sa akin si Ivan feeling ko isang pagkakamali ko lang iiwan na niya ako, feeling ko mawawala na lang siya sa akin basta basta. Ganoon ba kapag ikaw iyong mas nagmamahal? Ikaw yung mas takot? Ikaw yung hindi makatulog tuwing gabi na baka paggising mo hindi na siya iyo? Ganoon ang nararamdaman ko.

Natatakot din ba si Ivan na mawala ako? Natatakot din ba siyang maagaw ako? Mahal ba niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya? I need an assurance. Naiinis ako sa mga naiisip ko. Lagi nalang ako nag-iisip ng kung anu-ano gayong akin na ang lalaking pinakamamahal ko.

"Janine, ako ng bahala kay Nathaniel." hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa pagpiprisinta ni Nathalia para alagaan si Nate habang hindi pa dumadating ang kapatid ni Nathaniel na si Arsean. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon pero hindi niya ako tinatawag na ate.

"Hindi na kailangan." malamig na tugon ni Nate habang iniiwasan ang mga mata ko. Hay. Pinasadaan ko ng nagdududang tingin si Nathalia kaya naman yumuko na lamang siya. May gusto na ba si Nathalia sa bestfriend ko? Hindi ba't ayaw nila sa isa't-isa dahil sa nakaraan ng magulang nila. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko, malabong magustuhan ni Nathaniel si Nathalia. Malabong malabo! Hangga't nariyan si Arsean hindi niya magugustuhan si Nathalia. Ugh! Ano bang pakialam ko?!! Nababaliw na ata ako! Kaibigan ko si Nathalia at pinsan ko pa siya! Hindi naman ako nagseselos no!

"Pwes hintayin mo nalang si Arsean na dumating, siya nalang ang tinawagan ko kaysa si Tita Sheila. I'm so sorry Nate but I have to go. I think nagselos si Ivan." malungkot kong untag sa kanya. Nagbuntong hininga na lamang ako ng hindi siya umimik.

"Hindi malalim ang nararamdaman niya sayo Janine sana naman makita mo yun. Tss." ayokong intindihin lahat ng sinasabi ni Nate dahil masyado ng marami ang pumapasok sa utak ko. Ayoko ng ma-stress dahil lang hindi ako sure kung mahal ba talaga ako o hind ni Ivan. Hindi naman niya siguro bibitawan ang salitang 'I love you' kung hindi iyon bukal sa loob niya.

Nang mahalin ko si Ivan hinanda ko na sa sarili ko na anytime pwede niya akong saktan at pwede niya akong balewalain tulad noon. Ganoon naman sa pag-ibig di ba? Hindi palaging masaya, hindi palaging matamis dahil kailangan ng kaunting pait. Ayoko ng ganitong isipin, ayoko ng ganitong pakiramdaman. Nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ako dahil mahal na mahal ko siya. Minsan lang maging tanga bakit hindi ko pa lubusin. Ano naman kung hindi niya kayang tapatan ang pagmamahal ko atleast alam ko sa sarili ko na hindi ako iyong nagkulang at hindi niya maisusumbat sa akin na hindi ako sapat.

Ivan's POV

Tangina! Mas pipiliin pa niya ang lalaking iyon kaysa sa boyfriend niya? Akala ko ba nagkakaintindihan na kami tapos ganoon pa?!! Ayoko talagang sumali sa basketball game na iyon kung hindi lang ako sabik na makita at makasama si Janine tapos iyon lang maaabutan ko?!! Nakikipag-halikan sa bestfriend niyang matagal siyang kursunada! Hindi ako iyong tipo ng lalaki na manunugod! For Pete's sake ako si Ivan Ronquillo! Kailanman hindi ako nakipag-agawan para sa iisang babae!

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon