Chapter 6

90.6K 978 61
                                    

Chapter 6

"HAPPY BIRTHDAY CHAMPAGNE! WOW! ELAINE'S RIGHT! OOHHH! OOZING HOT!" hihiwalay na sana ako kay Nate ng makita kung sino ang nasa gilid namin ngunit agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"No Janine." mariing saad ni Nate ng nagtangka akong bumitaw sa kanya. Hindi ako makapaniwala kung sino ang nasa harapan namin ngayon. Gosh! It's been a year and I can't believe it na mahal ko pa din siya. Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko.

"Ivan." mahina kong usal sa pangalan niya.

"Happy 18th Birthday sweetheart." nakangising bati sa akin ni Ivan. Lahat ay napasinghap sa sumunod na ginawa ni Ivan samantalang nanlaki naman ang mga mata ko. Gosh! He gave me an open mouth kiss! That was my first kiss!!

"GAGO KA AH!!" natauhan ako bigla ng maramdaman na nawala na sa kamay ko ang mga kamay ni Nathaniel at dumapo na ito sa nakangisi at nanunuyang mukha ni Ivan.

"BASTOS KA!! Sinong nagsabi sayong halikan mo si Janine?!! Kahit mas matanda ka sakin wala akong pakialam!" hinawakan ko si Nate sa braso ng makitang dadaluhungin niyang muli si Ivan na nakasubsob na ngayon sa sahig.

Ugh! Bwisit! Sirang sira na ang birthday ko! Lahat na ata ng bisita ay nakapalibot sa amin at pinanonood kami. Agad kong niyakap si Nathaniel at sabay naming hinarap si Ivan na ngingisi ngisi lamang habang tumatayo. Kung sa ibang pagkakataon baka kiligin pa ako sa paghalik niya pero yung nawala siya ng 1 year at babalik siya ngayon na bigla nalang manghahalik?! Nakakairita!!

"Wow! Meron ba akong hindi alam? Kayo na ba nitong kalaro mo ng bahay-bahayan noon? Tsk. Ayos ah!" napakagat ako sa labi ko sa pagpipigil ng inis ko kay Ivan. Hambog!! Gusto kong isigaw iyon sa kanya. Hinigpitan ko nalang ang hawak ko sa braso ni Nathaniel ng maramdaman na mag flex iyon.

"Ivan!! What the hell is wrong with you?!! Kailan ka pa nakabalik huh?!" sa wakas ay pumagitna sa amin si Elaine na siyang pinaka matanda sa loob ng bar ko.

"Elaine I think kailangan ko munang lumabas. I've had enough. Thank you Ivan for ruining my day." hindi ko na sila hinintay na makapagsalita pa o makapag react sa sinabi at mangiyak ngiyak na akong nagpatiuna palabas.

Marahas akong nagbuga ng hangin pagkalabas ko ng bar at tumingala. Ayokong maiyak! Ang saya ko na! Perfect moment na! Gosh! I admit mahal ko pa siya pero wala siyang karapatang sirain ang araw ko! Ang galing galing niya talagang saktan ang damdamin ko pero hindi naman niya magawa gawang mahalin. That ass! And what he did just call me?!! Sweetheart?!! Jusko. If hindi niya ako binigla baka kami na ngayon! Haha. Napairap na lamang ako ng maramdaman ang presensiya niya sa likuran ko.

"Sorry sa kanina Ja. I didn't mean it." mahina niyang usal.

"Sinaktan mo ko 2 years ago Ivan Clar tapos ngayon babalik ka na may pa-sweetheart at kiss pang nalalaman? Diba nga "You will always be my Little Girl"?" patuya kong tanong sa kanya. Napansin kong bumuka ang bibig niya ngunit isinara rin ito. Magsasalita siguro siya pero pinili nalang manahimik.

"Ang laki na talagang pinagbago mo Janine." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakahawak pa sa labi niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko! Nanunuot sa kalamnan ko ang maiinit niyang mga titig.

Ang mga mata niya ay parang agila na ngayon ay mukang nakahanap na ng bagong biktima. Ibang iba na ang paraan niya ng pagtingin sa akin. Kung noon ay pinagmamasdan niya ako ng may warmth at protectiveness ngayon ay akala mo inaakit niya ako. Pakiramdam ko hindi siya narito para protektahan ulit ang 'Little Girl' niya kundi saktan ito.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng mapanukso sa kanya. Kung may natutunan man ako sa college ay iyon ang kilalanin ang tunay na takbo ng buhay. Hindi lahat fairy tale. Hindi lahat gusto ka at hindi lahat ay totoo.

TVFN 6 : Between The SheetsOn viuen les histories. Descobreix ara