Chapter 3 - Princess

750K 13K 2.2K
                                    

Chapter Three

Trish

"Best! Anyare? Bakit gan'yan ang mukha mo? Hindi ko maexplain eh!" sabi ni Steph. Nandito kami ngayong dalawa sa cafeteria at lunch break namin. Para akong pinagsakluban ng langit, ng dagat, ng bundok, ng bulkan at kung ano pang bagay na p'wedeng ibagsak sa akin.

"Best! Patay na talaga ako. Bakit ang malas malas ko ngayon? First day na first day eh.." kanina pa ko nababadtrip. Dala siguro ng mga nangyari kanina. Hays!

"What happened ba? OA mo huh? First day pa lang stress agad?!" pahayag n'ya at hindi s'ya makapaniwala. 

"Oo best.. nakakastress ang araw na 'to.." sabi ko sa kan'ya. Naiisip ko pa rin ang deal ni Dean Albarda sa akin.

"Ano ba kasing nangyari? Kumain ka nga..mangangayayat ka n'yan.." sabi n'ya sa akin at binuksan ang balot ng burger ko. Wala akong ganang kumain, kaya burger lang.

"Nakakapanibago ka best.. ang lakas mo kayang lumamon. Bakit burger lang 'yan?" nag-aalalang tanong n'ya sa akin. 

"Eh kasi naman best.. wag kang maingay? Promise?" tapos tinaas ko yung right hand ko para mag-pinky swear kami. Kinabit n'ya naman yung mga pinky fingers namin at sinabing "Promise best.."

So ayun, wala akong malabasan ng frustation ko. Tutal may best friend ako ay sa kan'ya ko na lang sasabihin. Kahit may saltik sa ulo 'yung isang 'to ay mapapagkatiwalaan ko naman s'ya. 

"Alam mo ba.. late ako ng twenty minutes? Huhuhu.. First subject pa!" daing ko kaagad sa kan'ya. Binigyan n'ya naman ako ng bored na look at tinaasan n'ya pa ako ng kilay.

"Sus! Yaan mo na best.. Yun lang pala eh!" baliw talaga yung babae na 'to. Scholar kaya ako kaya napakahalaga nun. First impression lasts nga diba?

"Gaga! On my part, that was not okay.. You know best, I am scholar.." paliwanag ko sa kan'ya.

"Oo nga noh best? Haha! Sorry naman.. O' s'ya kumain ka pa.. 'yun lang ang reason kung bakit gan'yan ka?" sabay subo n'ya ng chicken fillet na isinawsaw sa gravy.

"Meron pa best.. malas kasi ako ngayong araw." sabi ko. Uminom muna ako ng iced tea bago ako ulit nagsalita.

"Detention ako after ng class.. saya di'ba?" nag form yung lips ko into a bitter smile. Ginanahan naman s'ya at na-amaze sa binalita ko sa kan'ya. 

"At least, maeexperience mo na madetention best. Masaya yan! Suki ako jan eh! Haha!" tumawa pa s'ya. Alam n'yo kasi si Steph, laging nasa detention yan! Madalas. Lagi kasing late 'yan at kung anu anong kagagahan ang ginagawa sa buhay. 

"Sira ka talaga! Sira na nga ang reputasyon ko last week. Ngayon pa din ba?"

"Oh I remember something best.. nandito na pala si Terrence Sy! Oh my gosh best! Kyaaaa~~! Engineering s'ya best like you! Ohmygahd!" batukan ko kaya 'to? Kinilig pa sa harap ko. Ang panget panget ng bias n'ya. Hindi ba s'ya nasusuka sa pagmumukha n'un? 

"Umayos ka nga Stephanie! Pinagtitinginan tayo! Nakakahiya ka!" komento ko kabaliwan n'ya. Umayos naman s'ya ng upo.

"Eh kasi naman best.. akalain mo 'yun? Dito s'ya nag enroll? Sa bagay, pang sosyal ang Guzman University!" nag spark pa yung mga mata n'ya.

"Best..." tawag ko sa kan'ya. Naubos n'ya na pala yung pagkain n'ya. At ako ay hindi pa.

"Bakit best? Another problem?" tanong n'ya sa akin. Tumango naman ako.

"Meron pa? Shocks best! Game na.." Uminom ako ulit ng iced tea tsaka water na din.

"Muntik na mawala scholarship ko.." saad ko sa kan'ya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon