Chapter 4 - Detention

623K 11.9K 1.6K
                                    

P. Trish Lua on the side

*****

Chapter Four

Ano ng gagawin ko? Detention ako ngayon! Paano ako lalabas dito sa detention room? Kainis talaga 'yung monster na 'yun. Tama monster ang itatawag ko sa kanya! Isa s'yang halimaw! Wala s'yang awa! 

Pagtingin ko sa wrist watch ko. One minute na kaagad ang nakakalipas? Shocks! He just gave me five minutes. Naalala ko na naman yung nangyari sa Dean's Office.

"Mr. Sy meet your tutor Ms. Lua.." Yung totoo? Kanina pa 'ko nabubwisit nung marinig ko palang 'yung name ng manyakis na yun. Isa s'yang halimaw! 

"What? Seriously po? S'ya yung tuturuan ko?" di ko makapaniwalang tanong kay Dean Albarda. Mas tanggap ko pa kung yung mga low I.Q ang turuan ko kesa sa halimaw na 'to.

"I think. . it's fine with me Dean Albarda.. Are you sure that she can teach me well? Well, I don't think so.."— he places his index finger on his chin —"based from her reactions? Hmm.. I think she can't.." sabi n'ya ng pacool. Grabe, halimaw talaga s'ya. Nakuha n'ya pa akong insultuhin sa harap pa ng mismong dean?! Di ko 'to palalampasin.

"Do you know what you're talking about Mr. Sy?" pinandilatan ko pa s'ya ng mata na parang sinasabi ko matakot-ka-sa-tingin-ko-look. As expected, he shows his famous smirk. This guy is really getting on my nerves! On my neurons, on my brain cells, somatic cells, red blood cells, white blood cells and reproductiv--- Nevermind guys.. 

"If you can't teach me. I think there's someone else out there. ." tumayo na s'ya sa prenteng pagkakaupo n'ya sa couch. Pacool talaga? Nakakairita s'ya!

"The only way to compensate with this problem Ms. Lua is to teach him. Beside, Mr. Sy is very kind and good looking. He is famous and for sure, you'll be honor to teach him.."

WHAT? SERIOUSLY, FANGIRL DIN SI DEAN? I CAN'T BELIEVE NA S'YA DIN AY NANINIWALANG MABAIT YUNG HALIMAW NA 'TO!

            Very kind?! Alam ba ni Dean ang sinasabi n'ya. Kung makatingin nga nakakairita na eh. Mabait lang 'yan sa harap ng mga fans n'ya. Pero yung totoo, masamang masama talaga ang ugali n'ya. Nakakainis na manyakis!

Good Looking?! I can't believe this.. por que artista? Good looking na? That's a misconception! Hindi s'ya gwapo sa paningin ko. Isa s'yang bulate na masarap ibaon sa lupa. Period!

Famous?!  Famous daw? Eh hindi ko nga s'ya kilala. Like hello? Famewhore kamo!

 I'll be honor to teach him?  Seriously, gusto ko ng magcollapse at tumama 'yung ulo ko sa bato at macomatose. Never akong magiging honor na turuan s'ya.

Kung hindi lang talaga sa scholarship ko. Hindi ko 'to gagawin, "Fine Dean Albarda. . I'm gonna teach him.."   Napangiti naman sa akin si Dean. As usual, yung halimaw nag smirk lang na parang iniinis ako.

            "Good Ms. Lua. By the way, Mr. Sy will pay you 5k per week. Actually, three days every week yung pasok n'ya due to his shedule. Kaya three days lang. And If he needs an extra time, incase na kailanganin ka n'ya. Magdadagdag s'ya ng 5k. Yung schedule nya ay WTF. Incase na kailanganin ka n'ya 'pag Monday or Tuesday, mag-aadd s'ya ng payment.." Natawa naman ako. WTF daw yung schedule? Hahaha! What the fudge lang! Bagay sa kanya ang sched n'ya. What the f-ck s'ya eh! I'm so witty!

"By the way, we made a contract. Just sign here Ms. Lua" inilapag ni Dean yung papel sa harap ko. Walang imik si halimaw sa gilid. Nakaearphone lang sya.

***

I Princess Trish Lua is willing to teach Terrence Andrew Sy for about the whole second semester.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon