Chapter 31 - Good Side

489K 9.9K 1.2K
                                    

Salamat po sa 300k Reads! I love you! Hahaha!

Chapter 31 - Good Side

Hindi ko inaasahan ang mga nangyari ngayon. Seriously ang mga taong iniexpect ko na hindi ako tutulungan ay ngayon ay nandito. Kagaya na kang ni monster na akala mo isang attorney na ipinagtanggol ako kanina ng bongga. Pinagtanggol nga ba ang tawag dun o nagpapataas ng pride at parang sinasabi na mas magaling at mas matalino s'ya sa akin.

"Tuesday ngayon. Ba't andito ka?" tanong ko sa kanya. Sumalubong lang ang kilay n'ya. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon sa secret hideout nila sa Guzman University. Si Rome, Tristan at baby boy ay nasa caf. Actually, para naging shooting yung nangyari kanina. Pagkalabas namin ng office, kinuyog si Terrrence, Rome, Tristan at si baby boy, edi sila na ang sikat. Nakakaloka, ano bang nakita nila sa mga kumag na yun?

"Bakit ka ba andito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Simpleng thank you lang hindi mo masabi. ." paawa na sabi nya ng nakatingin sa mga mata ko. Bigla naman akong nakonsensya.

"Simpleng tanong. . hindi mo masagot." pagsagot ko sa kanya. "Halika ka nga dito. ." itinuro nya yung vacant space sa tabi ng couch na inuupuan n'ya.

Hindi ko alam kung bakit ako napasunod sa utos ni halimaw. Kusang lumakad ang mga paa ko at dinala ako sa tabi n'ya.

Magkatabi na kami ngayon. Hinarap n'ya ako habang kaming dalawa ay magkatabi. Hinawi n'ya ang nga hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Inilapit n'ya ang kanyang mukha, ramdam ko ang paghinga nya ng malalim habang nakatitig at nahi-hypnotize sa mga titig n'ya.

Hinawakan n'ya ang mga pisngi ko. Palapit ng palapit ang mukha n'ya sa akin. Mga isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. Nagulat kami at napaigtad sa kinauupuan namin ng biglang bumukas ang pinto at nakamasid sa amin ang tatlong pares ng mata.

"GIRLFRIEND!!!!!! Hey Andwu! What are you doing?!" sigaw ni baby boy. Umayos ako kaagad ng pagkakaupo ko.

"Trish! What's going on?!" said Tristan.

"Bestfriend! Omg! Anong ginagawa n'yo ni Terrence my loves?!!!" said Steph.

"Ahh.. ano.." paliwanag ko. Ano nga ba ang dapat kong sabihin.

"I was just checking her freaking bruises. What a jerk! Tss!" then he stormed out. "I got to go. ." paalam n'ya sa amin.

"Bye bye my girl! See you! I love you!" sabi ni baby boy sabay lapit sa akin. Hahalikan n'ya ako. . he was about to kiss me when Tristan stop him. "Hoy bata ka! Sumama ka na sa kuya mo!" saway n'ya dito.

"Your so unfair. I was the one who saved her and not you. . So future girlfriend. . . give me a kiss here." tinuro n'ya ang kanyang pisngi ". . . I'm waiting!"

"Like a boss!" hinalikan ko na s'ya para tumigil na s'ya, "Shoo! Alis na! Sumama ka na kay Kuya Andrew mo!" pagtataboy ko sa kanya.

Iiling-iling na sumunod si baby boy sa utos ko. Shock pa din ako about sa kanina. Yung ganung kalapit yung mukha n'ya sa mukha ko.

Err. . he was about to kiss me. . didn't he?

Terrence's PoV

What the hell am I doing? Ughhh! I can't memorize my lines. I'm currently reading my script and I can't even memorize it. Suddenly, Russel sit beside me giving me a bar of chocolate.

"Take this. . mukhang nahihirapan kang magsaulo.." said Russel. "What's the matter?" he asked. He's my bestfriend and how can I tell him that a freak is invading my mind. Nah, never.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon