Chapter 12 - Gas Station

549K 10.1K 2.2K
                                    

Chapter 12

I did my daily morning rituals. Maaga ako papasok ngayon dahil trip ko lang. Minsan lang magising ng maaga at pumasok ng mas maaga sa itinakdang oras ng pagpasok.

"Buenas diaz Papa!" bati ko kay Papa. Pronounce as ‘yung pang mayamang papa.

"Buenas Diaz! Como estas?"  sabi naman ni Papa while sipping his favorite coffee blend.  [Good morning, how are you?]

Lakas namin maka-spanish ni Papa. You know, magaling si Papa sa iba't ibang lenggwahe. Tinuturuan n’ya ako since pagkapanganak ng mama ko sa akin, umupo ako sa seat ko. Habang si Papa naman ay busy sa pagbabasa ng kan’yang dyaryo. Kumuha ako ng french toast. Pang sosyal ‘yung pagkain namin. Chos! As I said, di naman kami naghirap ng matindi. Nakasupport pa din sa amin ‘yung mga uncles ko at may natitira pa naming ipon si Papa sa bank account at ‘yung mga naiwan na ari-arian ni Mama.

Huminga ako ng malalim bago magsalita, "Genki. Papa, Dono yo ni anata no suimin nodesu?" sabi ko sabay kagat ng malaki sa french toast ko. [I'm fine. Papa, How is your sleep?]

 Tumingin s’ya sa akin at ngumiti. Bilib naman kayo! That is Japanese. Oha! Maganda na matalino pa, perfect. Ideal girl!

            "Kkwae jon-eun. Neomu iljjig" he said. Napaisip ako sa sinabi nya. That is Korean if I'm not mistaken. [Pretty good. It's too early..] Oo nga naman, kung ako nga nagtataka kung bakit ang aga kong nagising. S’ya pa kaya?

Nakapagspanish na kami, filipino, english, korean at japanese. What's next?

Nilagok ko ang isang basong gatas. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang bag ko at nagsalita, "Fur einen. Wechsel auf wiedersenen!" [For a change. Goodbye!]

            Lumapit ako sa kan’ya at hinalikan ko s’ya sa pisngi. Makapasok na nga at baka magamit namin ang lenggwahe sa buong mundo. Haha! Binigay ni Papa ‘yung baon ko.

"Bye. Curare!" he said then his lips was form into a smile. [Bye. Take care!] That's italian.

"Wa." sabi ko. Kapampangan ‘yan. Hohoho! Naglakad ako palabas ng bahay. Paglabas ko ng bahay. Shems! walang masakyan! Bakit kasi isolated ang place namin!

Hanggang may papalapit na motor. Omg! Umagang umaga manghoholdap? Agad agad kong binuksan ang gate para makapasok ulit sa bahay namin. Grabe! Grabe ang tibok ng puso ko, akala mo ay may rally ng mga lamang loob ko.

Pero huli na ang lahat. Nahablot n’ya na ako sa mga braso ko.

"Get off!" nagpupumiglas ako pero hinigpitan n’ya ang kapit n’ya.

"A-ano ba! Bitawan mo ko!" sabi ko. Binitawan n’ya naman ako kaya muntik na akong ma-out of balance.

"Bakit mo ko binitawan? Leche!" buti pala nakahawak ako sa bakal kundi semplang ako. Nakakainis!

"Sabay na tayo." sabi n’ya. Sino bang ungasis na 'to. Lakas makahelmet eh, kaya hindi ko Makita ang mukha n’ya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon