Chapter 22 - Mad

446K 14.7K 3.1K
                                    

Guys you are so cool! Binigyan nyo ako kaagad ng 100+ Votes! Hahaha! Kahit bumaba ranking natin, ayos lang. Kasi naman nakakatuwa kayo. Lahat ng comment nyo binabasa ko. Pinapangiti nyo ko hahaha! 

Kilig Alert para sa Chapter na 'to. Buwahaha! Wag muna natin pagmalditahin si Trish kahit three days lang. Joke haha 

P.S - Pinahaba ko yung chapter na 'to. :/ 

Ge basa na! :)

Chapter 22 - Mad

Written in Third Person

Nakatingin lang si Terrence sa kamay na nakaakbay kay Trish. Nakashades sya kaya hindi napapansin ni Tristan na tiningnan sya ni Terrence mula ulo hanggang paa. Si Trish naman ay nakatingin lang kay Tristan. 

"Di kita naisabay kanina. Bagal mo kasi.." sabi ni Tristan sa kanya. "Ewan ko sayo.. iniwanan mo ko kanina eh." pagmamaktol ni Trish, napansin naman ni Trish na parang nakapako ang tingin ni Terrence. Hindi naman sa nag-eeavesdrop si Terrence pero nagtataka sya kung sino talaga yun.

Narinig nya na talaga yung boses ng lalaki na kausap ni Trish ngayon..

We have our date.. right girlfriend?

BLAM!

Nag sink in na sa utak nya kung sino ang nakaakbay kay Trish. Sya yung lalaking nakausap nya sa phone. Naiyukom nya ang mga kamao nya. Isinuksok nya na lang ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nya. 

Boyfriend nya pala.

Tumalikod na sya upang hindi na makita at makarinig nag pag-uusap ng dalawa. Lumakad na sya at binuksan ang pinto ng auditorium. Wala syang balak hintayin yung babae na nakikipag-landian sa labas. 

Inalis ni Trish ang pagkakaakbay ni Tristan. Naiinis na sya sa kapatid kasi naman ambigat ng kamay nito. Kaya gamit ang buong lakas ay mariin nyang tinanggal ang mga kamay nito.

"Let's talk later. May practice pa ako." sabi nya sa kambal nya. Nag-frown naman yung kakambal nya. 

"Hindi kita masasabay mamaya. May pupuntahan ako." paalam sa kanya ni Tristan.

Naglakad  papuntang auditorium si Terrence. Hindi nya maiwasang mapatingin sa dalawa.

Gamit ang peripheral vision nya ay nakita nyang..

Hinalikan ng lalaki si Trish sa pisngi at kumaripas ng takbo. 

Binaliwala nya ang ginawang paghalik ng lalaki. Parang may humahatak sa kanya papasok sa loob. Nihindi nya na makuhang tumingin sa dalawa. Naaasiwa sya dito.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon