Chapter 13 - Catwalk

509K 12.4K 2.8K
                                    

Chapter 13 - Catwalk

Five days past since yung announcement ng contest na yan. Nandito kami ngayon sa..

"Te-teka! Hoy saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanilang lima. Nandito kami sa kotse ni Kurt. At hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta pinasakay na lang nila ako basta. It's Saturday kaya walang pasok.

Eto pa ang nakakagulat, ginising ako ni Papa para lang pasamahin sa limang ungas na 'to. Si Liam ang sumundo sa akin at naglakad kami papuntang gate ng village at doon naghihintay yung kotse ni Kurt.

"Hoy san ba tayo pupunta?" pag-uulit ko. Tumingin sa akin si Liam.

"Papractice.. lapit na contest eh." sabi nya. Ah oo nga pala, malapit na.

"Kailangan pa ba nun?" tanong ko.

"Oo naman Princes-"

"Ang ingay nyo!!!" eto na naman so hot headed. Si halimaw rumaratsada na naman.

"Wag ka nga makisali! Sawsaw ka!" sita ko sa kanya.

Kaming dalawang nag-uusap tapos sasabat bigla. Papansin masyado!

"Tss" yun lang ang response nya pag nababara ko sya.

"Hoy Kurt! Ako magdadrive!" sabi ko. Napatingin silang lima sa akin.

"Oo may angal? Marunong akong mag drive. Bilis ako na. Mabagal ako magpatakbo promise. Tell me where should I stop." confident na sabi ko.

"Sigurado ka ba? Sa bagay, napagod ako sa shooting kahapon."

"M-marunong ka mag drive Master?" tanong ni pink hair.

"Medyo lang hehe!" sabi ko sabay peace sign.

"O edi ikaw na mag driv—"

"NO WAY! IKAW MAG DRIVE KURT! PAPATAYIN TAYO NYAN!" protesta ni Monster. Inirapan ko lang sya.

"Please? Ako na please..." nag puppy eyes ako kay Kurt. And there, shoot!

"Sige na ng—"

"Damn you Kurt! Binabalaan ko kayo! Kung gusto nyo pa mabuhay, ikaw ang magdrive!" protesta nya ulit. Bwisit talaga 'to. Ang sarap kaya i-drift nito!

"KJ nito as if ibabangga ko, edi mamatay din ako? Wooo! Monster, ang coward mo!" I grinned.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon