Chapter 5 [1] - Naked

543K 11K 892
                                    

Terrence on the side --> 

***

Chapter 5 [1] - Naked

Trish

Alam n'yo 'yung nakakainis? Yung halimaw na 'yun! Para akong katulong at hindi tutor! Ang galing galing talaga ng halimaw na 'yun. Nandito na kami sa harap ng mataas na building na 'to. Teary eyed ako, naalala ko yung company namin.

"You look so stupid..first time makakita ng ganyang building?" sabi n'ya at take note, nakapamulsa pa s'ya.

"Anong tingin mo sa akin? Taong bundok?! Kapal mo rin noh? Ilang page 'yan?" pagmamataray ko naman sa kan'ya.

How dare him na itanong n'ya sa akin 'yun. First time ko daw bang makakita ng isang skyscraper. The hell, ano ako sinaunang tao. Mga taong Java at Homo Erectus?

"May page ba yung mukha? Bilisan mo nga.. kupad mo!"

"Kailangan talaga nakasigaw huh? Basag na eardrums ko sa'yo!" angal ko sa kan'ya.

Seriously, bakit ko ba s'ya natatagalan. Siguro, nagagamit ko lang yung pagkamaldita side ko sa kan'ya. Ang yabang yabang n'ya, akala mo kung sinong gwapo. Bakit ba s'ya nasama sa Elite5? Ang layo ng ugali nila ni Liam!

Hanggang makapasok kami sa loob ng building. At nasa harapan kami ng elevator ngayon. Bitbit ko yung school bag nya. Nakasuot kasi ako ng school bag ko din. Kaya bitbit ko yung sa kan'ya. Tapos may hawak pa akong tatlong paper bags na ubod ng laki. Nagmukha na akong bagger.

"Baka gusto mo naman akong tulungan noh?!" sigaw ko ulit sa kanya. This time ako naman ang magagalit at sisigaw. Ako ata si Trish.

"Paki ko? It's your job!" sabi n'ya sabay saksak ng headset. Walangya ka talagang halimaw ka. Sumabog sana yung headset mo! Brilliant ko dun. Natatawa tuloy ako ng palihim.

Bumukas na yung elevator at pumasok na kaming dalawa dun. Haggard na ako. Ano na kayang itsura ko, nabawasan lang siguro ang kagandahan ko.

Nasa third floor na kami. At pang-16th floor yung unit n'ya.

Pagbukas naman nung elevator sa third floor pumasok yung dalawang babae. As usual, tinaasan ko lang sila ng kilay. Nakakainis kasi, lakas makatingin sa akin. Hinead to toe ba naman ako. I just return the favor.

"Terrence? Is that you... oh my it's you!!! Kya!" hyper naman ni ate. Makatili impit na impit. Yung matinis. Speaking of Terrence nginitian n'ya yung dalawang babae. Nakababa na din yung hood n'ya tsaka wala na din kasi s'yang shades kaya siguro nakilala na din s'ya.

"Terrence, I watched your shows every day! Grabe, ang gwapo mo pala talaga sa personal.." nag-spark pa yung mata n'ya. Sana sumabog yung mata mo at mag-spark hahaha!

"Thanks!" sagot ni Terrence.

O.O

Marunong s'yang mag thank you? Di halata. Teka, naging puti ata ang aura nya. God! Sa akin masungit ganon? Fine! Pakitang tao kasi!

"P'wede ba pa-autograph?" request ni ateng nakapony tail. Mukha kasing pony eh haha! Ang witty ko dun!

"Sure!" sabi ni Terrence.

"Sis! May dala ka bang pen jan?" tanong ni Ateng Pony kay ateng Barney. Naka-violet kasi s'ya. Kaya barney na lang. Rhyme na rhyme, Barney-Pony.

"Wala eh sis, papel lang dala ko.." sabi pa ni Ateng Barney. Buti nga, mga kagagahan kasi. Lakas makapag-fangirl. Eh mga tao din naman 'yan. Buti mga sa inyo.

"Ate..." sabi ni Ateng Pony. Naka-chin up pa ako at hindi ko sila papansinin. Alam ko naman na ako ang tinatawag n'ya.

"Ate..." sabi ni Ateng Barney. Snob na kung snob.

"Ate...ate.. huy!" nag-wave pa sila ng kamay sa mukha ko na kinainis ko naman.

"Problemo n'yo?! God! Baket ba?! Don't call me ate! Di ko naman kayo kapatid!" napahilamos na lang ako sa mukha sa sobrang inis sa dalawang asungot na 'to. Yung halimaw naman, pinagmamasdan lang kami. Ano pa nga ba? Poker face yan.

"Pwede ba makahiram ng ballpen?" sabi ni Pony.

"Ayaw. Ko" madiin kong sabi. Bakit ko sila papahiramin. Baka mahawaan pa ng germs ni halimaw yung pen ko at hindi na sumulat. And I don't want that to happen.

"Naka-uniform ka so that means school bag yan. Please ate! Peram na.." pagmamakaawa ni Barney.

"Wala eh. Baka mahawaan pa ng germs. Kaya wag na lang." nag flip pa ako ng hair. Nakalukot naman ang mga mukha nila. Buti nga. Mga fangirls sila? Haha! You wish na tutulungan ko kayo. Nagmumukhang hater na ako. Ohgahd!

"Give me my bag.." utos ni Terrence. Sinaksak ko naman sa kan'ya yung bag n'ya.

"Yan oh!" matipid na sagot ko.

"Sus.. alalay lang pala kung makaasta akala mo kung sino" bulong ni ateng barney.

"Oo nga sis.. kala mo kagandahan.."

"Excuse me, kung batayan ng kagandahan yung mga pagmumukha n'yo. Mas lalagpas pa ako sa level n'yo." cool kong sabi.

"Take this.." inabot ni Terrence yung papel na may autograph daw. Infairness, ang ganda ng pirma nya.

May paniniwala ako na kapag maganda ang pirma, panget s'ya sumulat.

In short, bad penmanship.  Iniisip ko pa lang kung paano s'ya sumulat natatawa na ako. Nagdidiwang na ang lahat ng internal organs ko.

Di ko namalayang nasa 16th Floor na kami. That means, papasok na kami sa unit n'ya. Konting lakad lang sa bandang kanan. At natapat kami sa unit 234. Taray, two three four.

"Open the door." sabi n'ya sa pinto.

"Hahahahahahaha! Muka kang engot!" sabi ko pa. Kausapin ba naman ang pinto?

"Alam mo yung voice command? Tss" sabi n'ya. Napahiya naman ata ako dun. And from that, bumukas yung pinto. Taray, high tech ito! Voice command pang nalalaman.

First time kong pumasok sa unit ng isang lalaki. I mean syempre may kwarto din s'ya. Makikita ko din kaya yun?

Pumasok na sya sa loob kaya pumasok na din ako. Nilagay ko naman yung mabigat nyang bag at paper bags dun sa sofa n'ya.

Nasa living room kami. Taray! Flat screen tv! Airconditioned pa. Naglakad ako ng konti. Para kasing nakaawang yung pinto. Kaya naman nacurious ako. Si Monster nasa kitchen siguro. Ewan ko ba!

From that room, kulay white and black ang dingding. Kwarto n'ya yun for sure. Ang ganda ng interior designs. Manly na manly. Tapos parang may estante na puro stuffed toys, caricatures at kung anu ano pa. Mga binigay siguro ng mga fans n'ya. Infairness, may pagpapahalaga s'ya sa mga yun.

Akala ko kasi sila yung tipong,  itatapon yung mga paghihirap ng mga fans. Nagkamali ako dun.

Bago pa ako mahuli na nagsusurvey dito sa unit n'ya. Umupo ako sa couch at baka mahuli nya pa ako. Mahirap na baka pagsabihan pa ako nun na interesado ako. No way. Di ko hahayang mangyari yun.

Malinis ang unit n'ya. Medyo pangit lang ang pagkakaayos ng furnitures. Di ko type. Bakit kaya ang tagal ng halimaw na yun. Kaya naman tumayo ako at binalikan ko yung nakaawang na pinto sa kwarto nya.

Napatakip na lang ako sa bibig ko nung nakita ko si Terrence na half naked talaga lang naman! What?! Half naked!

O.O

"Kyaaaa! Ang bastos mo! Ang bastos bastos mo!" sigaw ko sa kan'ya. Bahala na kung mabasag lahat ng salamin dito dahil sa sigaw ko. Manyak talaga! Tumaas ata lahat ng dugo ko sa ulo.

---------

Votes & Comments :)

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon