Chapter 25 - Clarification

528K 10.1K 2.5K
                                    

Dedicated kay: Mikkayyyy ang aking kaibigan! :) 

Chapter 25 — Clarification

This is the most awaiting day!

Masyadong pormal naman, masyadong seryoso ang panimula ko. Haha! Whatever! Retake na lang!

*Hingang malalim*

Ang ganda ganda ko naman! Parang dyosa!

Hihihihi :">

Angal ka pa? Sungalngalin kita jan eh!

Maaga akong binulabog ng magaling kong bestfriend. Bakit naman kasi nagkaroon ako ng baliw na bestfriend. Umagang umaga pa lang ay nambwisit na sya. Alas-otso pa lang ng umaga ay kumakatok na ang magaling kong kakambal.

"Hey wake up! Sleepyhead!" kasunod non ang malalakas na katok. Yung tipong mabibigla ka at mapapatalon ka pa sa kama mo sa gulat. Tinanggal ko ang kumot ko na nakataklob sa akin. "ANO BA! SISIRAIN MO BA ANG PINTO NG KWARTO KO?!!" inis na sigaw ko.

Umupo na ako at tumayo at naglakad papuntang banyo. Makapaghilamos na nga lang at makapagtooth brush. Narinig ko pa na nagsalita si Tristan, "Pasok ako ah.." nagpaalam pa sa akin. Wow!

Nung matapos ko ng magpaganda. No! I mean! Maganda na pala talaga ako. Hihihi :">

Bumalik na ako sa kama ko at nakita ko si Tristan na nakapameywang at masama akong tinitingnan.

"Your blonde bestfriend is here. Maglinis ka ng kwarto mo.." he said seriously.

I frowned on what he had said.

"Bakit ako maglilinis? Dito na ba ang sala? Bakit hindi ako nainform?!" pambabata ko sa kanya.

"Wag mo ko simulan Princess Trish Lua.." pananakot nya sa akin. "Whatever Prince Tristan Lua.. I'm not scared. Pakisabi sa bwisita ko bababa na ako. Duh!"

Inis na lumayas sya sa kwarto ko. Badtrip na naman yun sa akin.

Speaking of my snob brother, sya ang nanalo sa wrestling namin. Paano ba naman kasi, ikumpara mo naman ng toned na katawan nya sa kaseksihan ko? Talong talo na ko. Hindi pa ako pinagbigyan o binigyan man lang ng kaunting chance manalo. Well, ano pa nga ba ang dapat asahan kay Tristan. His ungentle for Pete's sake.

Third Person

10AM

Kasalukuyang kagigising pa lang ni Terrence. Pumunta kaagad ito sa banyo upang maligo. Yun ang una nyang ginagawa tuwing umaga. Alam nyo naman kasi yung famous hearthtrob na 'to ay masyadong body conscious. Kaya ayun ang ginagawa nya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon