Chapter 43 - Overthinking

385K 10.3K 1.4K
                                    

Chapter 43 - Overthinking

Mag-aalas otso na noong makararing kami sa hotel dito sa Puerto Princesa. Nakatapos na din kaming kumain. Nasa kanya kanya ng unit ang mga kaklase ko. Luckily, hindi ang feelingera naming class beadle ang kasama ko sa kwarto. Thank God! Mawawala ang stress ko sa assumera na si Tiara.

Kanina pa din nakaalis sila Monster. May importanteng aaaikasuhin daw sila sa Manila. Nagkaroon daw ng urgent call from his dad, lahat ng kagrupo n'ya kasama din n'ya. The moment he said that, parang ang bigat sa pakiramdam.

I r-really don't know what is happening to me. Basta ang alam ko, malungkot ang isang side ng utak ko. Nahahawa na ata ako sa kabaliwan ni Monster. Yung moment na habang yakap yakap n'ya ako at buong puso naming sinasagot yung question ng bawat isa.

Masaya din pala sa feeling na hindi kayo nag-aaway, na sana ganun na lang kaming dalawa. Pero mali eh, hindi naman akong sweet na tao. S'ya din naman. Ew! Ano na naman bang pumapasok sa isip ko at naiisip ko 'yon?

Tinapos ko na ang pagboblow dry ng buhok ko. "Woo!" sarap sa feeling, heaven kung heaven. Natanggal ko na at nadisinfect lahat ng germs at bacteria sa katawan ko. Nakapagtoothbrush na ako ng ilang beses, nakakain ng maayos, nakapaligo. Sarap talaga sa feeling.

Tomorrow morning, aalis na kami dito sa Palawan at balik Manila na naman. Babalik na kami sa reality. Makikita ko na naman ang mga iba't ibang mukha ng tao: mga plastik, mga mapapel, mga nakakainis, mga insecure. Hay nako bahala sila sa buhay nila, hindi ko sila pag-aaksayan ng panahon.

Excited na din ako makita si Tristan at si Papa. Ang clingy ko na, my gahd! Ano ngayon? Nakakamiss naman talaga yung bwisit ko kapatid tsaka si Papa. Si Steph din na baliw ay nakakamiss din.

Tinapos ko na ang pagboblow dry ko ng buhok. Nagsuklay na kang ako for the nth time. Kinuha ko ang remote, nakakamiss din palang manood ng tv. Haha

So ayun nga, in-on ko yung tv. Natapat pa sa balita. I mean yung part ng news program na puro artista lang yung news. Papatayin ko na sana ang tv ng mahagip ng mata ko ang headline.

"Ex-girlfriend ni Terrence Sy, balik na naman sa Industriya!"

Ex-girlfriend? Sino? Bakit wala naman ata s'yang nasasabi sa akin tungkol jan. Sa bagay, hindi naman kami vocal sa isa't isa. Kung may nasabi man s'ya, sigurado akong nakalimutan ko na 'yon. Diba nga I hate non-sense stories.

Pero iba na talaga ngayon, alam ko sa sarili ko na involve na ako dito.

Ipinakita sa screen yung interview ng isang babae, "Actually, I am planning talaga para bumalik dito. Natapos ko naman din ang kontrata ko sa Paris as a model. Kaya I decided to go back here. Actually, matagal na akong nandito. Almost two months na ata?" sabi ni babae. She looks so familiar to me, nakita ko na s'ya somewhere pero I can't recall where it is.

"So bakit ngayon ka lang lumabas sa press?" tanong ng reporter. Nag-ayos naman ng buhok yung babae at maarteng sumagot, "Uhm.. I'm not yet ready. My manager decided na ngayon ang tamang panahon para sa interview." sagot naman nito.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon